Kabanata 26 Bestfriend Gumising ako ng may ngiti sa labi dahil last day na ng school service ko ngayon at naipangako ko kay Leanne na lalabas kaming dalawa mamayang hapon pagkatapos ng klase namin. Napatingin ako sa kanan ko ng makitang umilaw ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Leanne dito kaya agad ko itong kinuha at sinagot ang tawag nito. "Hello Leanne" sagot ko at nakarinig ako ng kaluskos sa kabilang linya at tila nag-aayos ito ng kanyang higaan. "Good morning Sariah! I will pick you up later." "Good morning Leanne! What do you mean? Are you--" naputol ang sasabihin ko ng magsalita ito. "Yes, I will be there in an hour, be ready." Sagot nito kaya napabuntong hininga na lamang ako. Hindi na ako umangal dahil alam kong hindi rin siya magpapapigil. "Okay, see you later