Kabanata 4: Unexpected
“So, you’re with your ninong?” tanong ni Lei, ang kaibigan ni Althea.
“Yeah. I am staying with him for the next three months before I go abroad,” tugon niya saka uminom ng iced coffee.
Nakatambay sila ngayon sa isang sikat na cafe. Wala kasi siyang maisip na gawin sa bahay ng ninong niya dahil pumasok na ito sa trabaho. At isa pa, gusto niya ring sulitin ang mga araw niya sa Pilipinas dahil ilang buwan na lang ay pupunta na siya sa abroad para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
“Wait, is that the hot ninong you told me about?” interedadong tanong ni Lei saka naningkit ang mga mata habang nakatitig sa kanya. “The one na always mong pinagyayabang sa akin noong high school tayo?”
“Yes,” mabilis niyang sagot. “He’s that ninong,” dagdag niya pa at hindi mapigilang maalala ang naganap kaninang umaga. Hindi niya tuloy mapigilang mapakagat ng labi dahil sa magkahalong hiya at kakaibang init na nararamdaman. She can still feel her ninong’s warm hands on her chest.
“Althea, matagal na tayong magkaibigan...” nakangising sabi ni Lei saka sumandal sa balikat niya. “...and you know I like older men, right? And you mentioned na wala pang girlfriend ang ninong mo, so...”
“So what?”
Humagikhik ang kanyang kaibigan. “Can you introduce me to him? I promise I’ll be a good ninang to you.”
Pabirong sinabunutan ni Althea ang kaibigan. “Knowing you, there’s no way I’d introduce him to you.”
“Girl, that was offensive!” nakangusong sabi ni Lei. “Kung ayaw mo akong maging ninang, then at least let me have a taste of your hot ninong.”
“Will you please shut up, Lei?” aniya. Hindi niya mapigilang mainis dito. Hindi niya rin maintindihan ang sarili. Alam niyang gano’n na talaga ang ugali ng kaibigan at sanay na siya roon, pero hinid niya alam kung bakit nairita siya nang pagdiskitahan nito ang ninong niya.
“You’re gatekeeping him!” angal nito. “Just let me see him, please?”
“Pinakita ko na siya sa picture.”
“But he probably looks better in person,” giit ng kaibigan saka nito inilingkis ang braso sa braso ni Althea. “Behave lang ako, promise. Just let me see that ninong of yours.”
Labag man sa loob niya ay wala siyang nagawa kundi ang tumango. “Fine. I’ll ask him kung pwede,” sagot na lang niya. Dahil sa isip niya, kapag patuloy niya pang tinanggihan ang kaibigan ay baka magduda na ito. Wala kasing nakakaalam na may crush siya sa ninong niya.
Hindi niya rin alam kung kailan, basta isang araw nagising na lang siya na iba na ang tingin niya sa Ninong Daxon niya. He was no longer a godfather to her, but a man she wishes to be with. Pero alam niya rin naman na hindi mangyayari ‘yon, kaya nga hindi na niya pinagtuunan ng pansin ang nararamdaman at piniling ibaling sa iba ang atesyon niya.
“Let’s go there tonight. I want to see him agad-agad,” atat na sabi ni Lei. “Don’t worry, I’ll buy food for us.”
“No need, Lei. My ninong knows how to cook,” aniya. “And he’s a good cook. Masarap siyang magluto.”
“I bet his cooking is as good as him,” pabirong segunda ni Lei at napadila pa sa ibabang labi. “Kung gaano kasarap ang luto niya, mas masarap siguro siya,” dagdag nito at humagikhik.
“God, Lei, ang landi mo talaga,” saway niya rito.
“Well...” Ipinilantik ng dalaga ang buhok. “May karapatan namang lumandi dahil maganda,” dagdag pa nito.
Napabuga na lang ng hangin si Althea. Hindi niya rin alam kung paano sila naging close ni Lei lalo na’t magkalayo ang ugali nila. Lei is wild, siya naman ay reserved. May mga pagkakataong lumalandi siya, pero hindi sa sekswál na aspeto. Nakikipag-flirt lang siya, at hanggang doon lang ‘yon.
“Maganda, pero bakit wala ka pa ring boyfriend?” pang-aasar niya rito.
Pabirong inikot ni Lei ang mga mata nito sa kanya. “Ang yabang mo, ha!”
Tumawa lang siya sa inasal nito.
“Speaking of boyfriend, nasaan na ba si Luke at nang makaalis na tayo?” tanong nito sa kanya.
“Wait...” Kinuha niya ang cellphone niya para i-check kung may chat na ba sa kanya ang boyfriend. “He’s on his way na raw. Mali-late lang siya nang konti dahil traffic daw.”
“Okay. Pero kapag nandito na siya, aalis na rin ako, ha?” sabi nito. “May imi-meet akong guy na naka-match ko. Look...” Itinapat nito ang screen sa mukha ni Althea. “Isn’t he hot? Thea, baka siya na ang for me!”
Napatingin na lang siya sa kaibigan. Hindi niya alam kung ilang beses na niyang narinig ang linyang ‘yon. Pero pagkatapos ng isang buwan ay magda-drama na ito dahil naghiwalay na sila ng boyfriend niya. Hindi na nga niya mabilang kung ilan na ang naging boyfriend ni Lei. Sa isang taon, ay at least six times itong nagpapalit ng boyfriend. At ang rason? Hindi raw sila match.
Matapos ang halos twenty minutes ay dumating na si Luke.
“Girl, ang gwapo talaga ng boyfriend mo. Jackpot!” nakangising sabi ni Lei sa kanya.
Napatitig naman si Althea sa lalaki. Oo, gwapo si Luke. Matangkad, mestizo dahil sa European blood nito, kulay green ang mga mata, at matangos ang ilong. Sa katunayan, isa ito sa campus heartthrob noong senior high school pa sila.
Gaya ni Althea ay may plano rin itong mag-aral abroad, pero sa magkaibang bansa nga lang sila. Kaya naman ay sinusulit na nila ang panahon na magkasama sila dahil sa oras na lumipad na sila papunta sa ibang bansa ay hindi na nila alam kung magkikita pa ba sila nang madalas.
“Oh, ‘andiyan na siya. Alis na ako,” paalam ni Lei saka tumayo. “Hi, Luke! Ikaw na ang bahala sa best friend ko, ha? Alis na ako dahil ayokong mag-third wheel sa inyo. Ang sakit sa mata!” pabirong sabi nito at tuluyang umalis.
Natatawang bumaling kay Althea si Luke. “Hey, babe...” sabi nito at yumuko para bigyan siya ng halik sa pisngi. “Let’s go?”
Tumango lang siya saka umangkla sa braso nito at umalis na sila. Plano nilang mamasyal muna sa mall para bumili ng mga damit at pagkatapos ay diretso na sila sa restaurant para mag-lunch.
“Babe, is it true that you’re staying with your ninong right now?” tanong ni Luke sa kanya. “I heard from Lei.”
“Yes, babe. Kagabi lang,” pag-amin niya. “Why, you want me to introduce you to him?” tanong niya rito. Sa isip niya ay gusto niya ring ipakilala si Luke sa ninong niya para hindi na ito magalit pa kung sakali mang dumalaw ang lalaki sa bahay nito. Mahilig kasing bumisita si Luke at magdala ng bulaklak at pagkain.
“Yes please. Para din respeto na sa kanya because you’re under his roof.”
Napangiti na lang siya sa isinagot ng boyfriend. Luke is such a sweet man. Kaya hindi talaga siya nagsisising sinagot niya ito. Nang una ay inisip niyang magagamit niya ito para makalimutan ang ninong niya, pero habang tumatagal sila ay napapamahal na rin siya rito dahil sa angking bait at ka-sweet-an nito.
“Okay. Lei wants to see him, too, kaya pwede ring mamaya na rin kita ipakilala,” sagot niya rito. “I’ll ask him now.”
---
ABALA sa pagtitipa si Daxon sa laptop niya nang tumunog ang cellphone niya. Sinilip niya kung sino ito at nang makita ang pangalan ng inaanak ay dali-dali niya itong binuksan.
‘Ninong, I’ll bring over two friends later. I want to introduce them to you.’
Agad siyang nag-reply, ‘Okay.’
Ibababa na sana niya ang cellphone niya pero may reply ulit ang dalaga. Nagulat pa siya sa bilis ng reply nito, ‘Uuwi ka ba nang early mamaya? If yes, can I ask you to cook dinner for us? Pinagyabang kasi kita sa kanila na you’re a good cook.’
Hindi niya mapigilan ang mapangiti sa nabasa, kaya walang pagdadalawang-isip siyang um-oo, ‘Okay. Tell me what you want for dinner and I’ll make it.’
‘Thank you, ninong. I will ask them kung anong gusto nila. You’re the best!’
Hindi na siya nag-reply. Nakangiti siyang bumalik sa ginagawa. Muli tuloy’ng nanumbalik ang nangyari kaninang umaga. Natigil siya sa pagtatrabaho at napatingin na lang sa palad niya. He can still feel Althea’s chest on his palm. Damang-dama niya pa rin ang lambot nito.
Maya-maya pa’y napailing na lang siya. “You’re insane, Daxon. Ayusin mo ang sarili mo,” monologo niya at huminga nang malalim. “Nahihibang ka na. She’s your freaking godchild!”
Pilit niyang itinuon ang atensyon sa trabaho kahit pa halos si Althea na lang ang naiisip niya.
“What have you done to me, you little girl?” naibulong na lang niya sabay buga ng hangin.
---
Pagkapatak ng alas-singko ay dali-dali siyang nagligpit ng gamit para umuwi na. Inatasan na lang niya ang sekretarya niya na i-email sa kanya kung sakali mang may nakalimutan siyang gawin.
Dumaan muna siya sa supermarket para bumili ng mga rekados na gagamitin niya sa pagluluto mamaya. Sisiguraduhin niyang sasarapan niya ang luto dahil ayaw niyang biguin ang inaanak. He wants her to be proud of him; to brag him to her friends.
Habang pumipila para magbayad ay nakatanggap siya ng text kay Alexander; nangangamusta at gustong makipagkita pero tinanggihan niya at sinabihang sa susunod na lang.
Nang makarating siya sa bahay niya ay hindi na siya nagsayang pa at nagsimula nang maghanda. Inalis niya lang ang coat niya at tinupi ang sleeves ng puting long sleeves niya hanggang sa kanyang siko at inalis ang unang tatlong butones nito saka siya nagsuot ng itim na apron.
Habang naghihiwa ng mga sangkap ay tinawagan niya ang inaanak.
“Yes, ninong?” sagot nito mula sa kabilang linya.
“Anong oras pupunta ang mga kaibigan mo?”
“Sasabay na po sila sa akin. We’ll be there around 7:00 PM po.”
“Okay,” aniya at pinatay na ang tawag at nagpatuloy sa ginagawa.
Lumipas ang ilang minuto. Tagaktak na ang pawis ni Daxon dahil sa init mula sa niluluto niya. Gusto niya pa sanang magbihis pero baka matagalan lang siya. Naghahabol pa naman siya ng oras. Gusto niya kasing maihain na ang mga pagkain bago pa man makarating ang mga bisita niya.
At mukhang nakiayon sa kanya ang panahon dahil nag-text si Althea na baka ma-late sila ng dating dahil traffic daw.
Nang matapos siyang magluto ay inihanda na niya ang mesa. Nag-set up na rin siya ng mga plato at baso pati na rin ng isang bote ng champagne na siyang babagay sa niluto niyang grilled lobster, lobster bisque, at seafood pasta. Pagkatapos ay tinakpan niya muna ito saka siya umakyat sa kwarto niya para magbihis.
Nag-half bath muna siya para matanggal ang amoy ng pawis at maging presko ang kanyang hitsura. Pagkatapos ay nagsuot lang siya ng navy blue long-sleeved polo na ipinares niya sa khaki trousers at brown leather shoes. Nag-spray rin siya ng kakaonting perfume at nagsuot ng silver rolex watch.
Saktong-saktong pagbaba niya ay tumawag na ang inaanak niya na malapit na sila, kaya naman ay naghanda na siya. Tumambay siya sa living room at hinintay ang pagdating nila.
Maya-maya pa’y nakarinig na siya ng busina ng sasakyan kaya lumabas na siya para pagbuksan sila ng gate.
Hinintay niyang makababa ang mga ito. Pero natigilan siya nang makitang isang binata ang unang bumaba at pinagbuksan ng pinto si Althea. Kita niya pa ang tinginan ng dalawa bago bumaling ang mga ito sa kanya. Ikatlong lumabas ay ang isang matangkad at morenang babae na tila may dugong latina.
“Ninong, this is—” Hindi pa man natatapos ni Althea ang sasabihin niya ay sumingit na si Lei.
“Hi, Mr. Daxon...” nakangiting bati nito. “My name’s Marily, but you can call me Lei,” matamis na pagpapakilala nito. Pansin na pansin ni Daxon ang titig nito sa kanya pero binalewala niya lang ito saka tinanggap ang kamay.
“Nice meeting you, Lei.”
Rinig niya ang pag-igik ng babae bago nito binawi ang kamay.
Binalingan niya ng atensyon ang lalaking kasama ni Althea. “And you are?”
“O-Oh...” Dali-daling inilahad ng binata ang kamay. “Luke, sir. It’s nice to meet you po.”
“Luke...” Tumango-tango siya. “Nice meeting you. I didn’t know Althea had a male friend,” dagdag niya pa saka bumaling sa inaanak.
“Oh, he’s not my friend, ninong...” sabat ni Althea saka matamis na ngumiti sa kanya. “Luke is my boyfriend.”
Tila natigilan siya sa narinig. May kung anong inis at pagkadismaya siyang naramdaman lalo na nang makita niya kung paano maghawak-kamay ang dalawa.
Alam niyang hindi niya dapat ito nararamdaman, pero hindi niya mapigilan ang sarili niya. Hindi niya mapigilang magselos kahit na alam naman niyang wala siyang karapatan. Dama niya ang mumunting kurot sa dibdib niya habang nakatingin sa dalawa.
Pakiramdam niya’y nasayang lang ang preparasyon niya.
Akala niya masosorpresa niya si Althea, pero siya pala itong nasorpresa.
Fúck.