ANG akala ni Jheann, pagkauwi nila sa bahay ay isasauli na rin ni Jared si Hope kay Oliver. Kaya nagulat siya nang hinayaan nitong makasama niya ang kaniyang anak hanggang weekends. Hindi rin nagbago ang kabutihan at pagkaaliw na ipinakita ng kaniyang asawa kay Hope. Minsan nga ay pinapayagan pa nito si Hope na makitulog sa kuwarto nito kapag naglalambing. Kaya ang ending tuloy ay doon na rin sa master's bedroom natutulog si Jheann para samahan ang anak. Napapagitnaan nila ni Jared si Hope at animo'y larawan sila ng kumpleto at masayang pamilya. At kapag nakakatulog na si Hope ay saka naman lilipat sa tabi niya ang asawa para may mangyari sa kanilang dalawa. Mabuti na lang at parang mantika kung matulog si Hope. Pero kapag naaalanganin silang dalawa ay bigla na lang nitong pinapatay ang

