NAKASIMANGOT na bumalik si Jheann sa master's bedroom dahil sa bigla na lang pang-iwan sa kaniya ni Jared. Hindi niya maiwasang hindi sumama ang kaniyang loob kahit alam niyang sa totoo lang ay wala siyang karapatang maramdaman iyon. Ang sabi nga nito, sa papel lang sila mag-asawa. Na siya namang totoo. Nang makabalik sa kuwarto ay noon lang naalala ni Jheann ang cellphone na hawak-hawak niya kanina bago matulog. Binalikan niya iyon sa kama para kunin. Subalit nagtaka siya nang hindi niya iyon makita roon. Ang alam niya ay nakatulugan niya ang pagtingin sa picture nina Hope at Oliver. Kaya paano nangyari na nawala na ito sa kama? At wala rin ito sa mga gamit niya. "O nanaginip lang ako?" naguguluhan niyang tanong sa sarili. "Hindi, eh. Nakatulugan ko talaga 'yon. Hindi ako maaaring

