HANGGANG ngayon ay hindi lubos maisip ni Jheann kung ano ang pumasok sa kukote niya at pumayag siya sa inaalok ni Jared. Siguradong magagalit sa kaniya si Oliver dahil nagdesisyon siya ng kaniya. Sigurado rin na tulad niya ay mag-aalala rin ito na sa pagkakalapit nilang muli ni Jared ay matuklasan nito ang sikreto nilang dalawa. Pero wala nang maisip na ibang paraan si Jheann para tulungan si Oliver. Hindi na niya kaya na makita uli ito sa kulungan. Sa tanda na nito, hindi na nito kayanin ang manirahan sa kulungan. At hinding-hindi niya mapatawad ang kaniyang sarili kapag may nangyaring masama rito. Masiyado nang maraming hirap na pinagdaanan si Oliver para protektahan siya. Lahat ng sakripisyo ay ginawa na nito alang-alang kay Jheann. At oras na para siya naman ngayon ang magsakripisyo

