Chapter 114

2243 Words

Ilang araw na ang nakalipas simula nang makabalik sina Jared mula sa Russia at tuluyan nang napabagsak ang The Sky. Nasa kustodiya na ngayon ng INTERPOL ang Big Boss na si Dmitriy Sidorov. At isa-isa nang hinuhuli ang mga pangalan na naka-tattoo sa katawan nito. Nang araw ding iyon ay nalaman nina Jared na si Dmitriy Sidorov pala ay kapatid ni El Padrino sa ina. Magkatulong daw ang dalawa noon na itayo ang organisasyon pero naging sakim si Dmitriy at ginawa na lang na tauhan si El Padrino. Iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon ng hidwaan ang dalawa. Sa pagkabuwag ng The Sky ay nangangahulugan na malaya na rin ang lahat ng mga miyembro mula sa pagkakakulong sa organisasyon. Malaya na ang bawat "token" na ipinangako ng mga magulang na kumalas sa grupo. Ngunit hindi ibig sabihin niyon ay m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD