DUMIIN ang pagkakahawak ni Jared sa wine glass habang nakatingin pa rin sa carpet na para bang naroon pa rin ang halos hubo't hubad nang si Jheann. Ramdam niya ang pagkabuhay ng kaniyang alaga sa loob ng pantalon niya. At napakurap-kurap siya nang makaramdam ng paghapdi sa kaniyang palad. Yumuko siya at noon niya nakita ang dugo sa kamay niya. Nabasag pala ang wine glass dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Na para bang ganoon din niya kagustong hawakan ang baywang ng asawa habang inaangkin ito mula sa likuran. Naipikit na lang nang mariin ni Jared ang mga mata. The pain had been with him for the last seven years. At totoong wala na siyang ibang nararamdaman noon kay Jheann kundi galit at poot. Pero heto siya, sa isang iglap lang ay nagugulo na naman ang sistema dahil lang sa babae

