Halos kabababa lang ng init sa katawan ni Jared nang maisipan niyang bumaba ng kama para magsindi ng sigarilyo. Lumapit siya sa bintana para buksan iyon. Pero nagulat siya nang makita ang dalawang nilalang na naglalaban sa malawak na bakuran ng kaniyang mansiyon. Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil pamilyar sa kaniya ang costume na suot ng isa sa mga ito. Subalit halos lumuwa na ang kaniyang mga mata nang makita ang kalaban nito na walang iba kundi si Jheann. Parang tinambol sa kaba ang kaniyang dibdib nang makita ang asway. Wala nang isip-isip na kinuha ni Jared ang mga special weapon na ginagamit niya sa The Sky. Pero nang maalala niya na hindi iyon puwedeng makita ni Jheann at ng kalaban nito ay mabilis siyang nagpalit ng sandata. Isang forty-five caliber gun at fighting knife ang d

