Unang araw nina Jheann sa Pilipinas at napagdesisyunan nilang mag-asawa na sa Iloilo na muna tumuloy. Sa bahay nina Jared na hindi nila pinabayaan kahit na kailan. Pinaayos at mini-maintenance nila iyon kaya maayos pa rin. Bukod sa may sentimental iyon kay Jared at sa ina, mahalaga rin iyon sa kanilang mag-asawa dahil marami silang memories na nabuo roon noong bago pa lang silang nagkakilala. "Mabuti naman at dito kayo dumiretso. Nakita namin kayo at itong mga apo namin," wika ni Mama Luisa. Agad itong pumunta, kasama sina, Papa Dante, mag-asawang Kuya Alex at Ate Karen at saka ang mga anak. "Miss na miss na namin itong sina Hope at Jacob, eh. At sa wakas, nakita na rin namin si baby Dustin sa personal. Ang cute-cute naman talaga ng batang ito, eh." Pinanggigilan nito ang bunsong anak n

