CHAPTER 2-SPG

1733 Words
REST day ni Jared. Pero imbes na magpahinga ay ibinuhos niya ang oras sa paglalaba at paglilinis sa buong bahay. Walong taon na rin siyang nag-iisa kaya sanay na siya sa mga gawain. Sanggol pa lang si Jared nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang bago pa man maikasal. Kaya apelyido ng ina ang dala-dala niya. Simula noon ay mag-isa na siya nitong itinaguyod. Tinatanggihan daw kasi nito ang tulong na ibinibigay ng ama niya dahil galing daw sa masama. May sariling pamilya na ang ama ng binata nang magkakilala sila. Kilala itong milyonaryo sa buong Iloilo. Dahil hindi naman siya nagtanim ng sama ng loob kaya tinanggap niya ito. Hindi rin ito nagkulang ng paramdam kay Jared na kahit anak siya sa labas, espesyal siya at mahal na mahal nito. At dahilan para kamuhian siya ng pamilya nito, lalo na ang panganay na anak. Bago naging ganap na pulis si Jared ay namatay ang kaniyang ama. Pero ni isang pamana nito ay wala siyang tinanggap. Ayaw niyang lalong magalit sa kaniya ang mga kapatid niya. Napahinto sa paglalaba si Jared nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Pinunasan niya ang basang kamay at pinatay ang cellphone na may nakasalang na kantang Keep on Loving You ni Renz Verano. At saka niya kinuha ang isa pang cellphone bago pinindot ang "accept" button. "Hello, 'Ma! Kamusta ka da sa London?" nakangiting tanong niya sa ina, gamit ang sariling lengguwahe. "Madayon ka puli sa Paskua?" Matutuloy ba ang pag-uwi mo sa Pasko? "Sorry, Anak. Pero baka next year na kami makakadalaw diyan. May sakit kasi ang Uncle Billy mo." Kahit matagal na sa London ay bihasa pa rin kung mag-Ilonggo ang Mama Linda niya. "Puwede bang ikaw na lang ang pumunta rito?" Kaga-graduate lang noon ni Jared sa college nang magdesisyon ang kaniyang ina na magpakasal sa boyfriend nitong British billionaire na isang matandang binata at walang kakayahang magkaanak. Pilit siya nitong isinama sa London para doon na sila manirahan. Pero pinili ni Jared na magpaiwan sa Pilipinas para tuparin ang pangarap niyang maglingkod sa bayan. Tuwing December lang umuuwi ang kaniyang ina at asawa nito upang bisitahin siya. "Gustuhin ko man ay hindi puwede, 'Ma. Marami akong ongoing case na kailangan kong tapusin." Alam ni Jared na malulungkot ang ina kapag natapos ang isang taon na hindi sila nagkikita. Kaya nagpahabol siya. "But don't worry. Magpa-file ako ng vacation leave sa February. I-de-date kita diyan sa London sa Valentines Day." Tuwang-tuwa naman ang Mama Linda niya sa narinig. "Okay. Asahan ko 'yan, ha? At sana, kasama mo na ang babaeng magbibigay sa'kin ng apo. I'm turning fifty-eight next year, son. Ayokong mag-senior citizen na hindi pa nagkakaapo." Tinawanan lang ni Jared ang ina. Iniba na lang niya ang usapan para hindi na siya nito kulitin. Mabuti na lang at nawili ito sa pagkukuwento ng mga karanasan nito sa pagma-manage ng negosyo na natutunan sa asawa. Kaya hindi na nito nabanggit ang tungkol sa pangarap na apo hanggang sa magpaalam sila sa isa't isa. Pagkatapos ng pag-uusap nilang mag-ina ay tumawag naman ang kasalukuyang fling ni Jared. Nagyayayang manood daw sila ng sine. MAS humigpit ang hawak ni Jared sa balakang ng kaniig niyang si Alicia at mabilis na inilalabas-masok ang kahabaan niya sa madulas nitong lagusan. Halos sumigaw na ito sa sarap habang inaangkin niya mula sa likuran. "Ooh, Jared. Aaah... Ang sarap niyan, baby!" parang nahihibang na ungol ng babae. Sarap na sarap sa bawat hugot at baon na ginagawa niya. "Yes, baby! Faster pa. Malapit na ako..." Tumutulo na ang pawis sa noo na binilisan pa ni Jared ang pagbayo sa kaselanan nito. Walang patid ang bawat ulos niya. Samantalang todo-kapit naman sa headboard ng kama si Alicia. Walang kapaguran na kumikiwal ang katawan kahit inangkin na niya ito kanina sa sinehan at sa sala ng apartment unit nito. Tatlong araw pa lang silang nag-di-date simula nang dumating ito sa Oton. Isang vlogger si Alicia at napadpad sa bayan nila para mag-explore. Si Jared ang napagtanungan nito ng puwedeng matutuluyan. Simula noon ay hindi na ito tumigil sa pagpapakita ng motibo. At lalaki lang si Jared. Natural na hindi niya ito matanggihan. Lalo pa at si Alicia rin ang tipo ng babae na "cum and go". Mas lalo pang bumilis ang paggalaw ni Jared mula sa likuran ni Alicia nang mangisay ang katawan nito. Senyales na malapit na ito sa sukdulan. At ganoon din ang binata. Kaunting-kaunti na lang at lalabasan na siya. "Oh, f*ck!" panay ang mura ni Jared habang patuloy na naglalabas-masok sa basang-basa na kaselanan ng babae. Ilang sandali lang ang lumipas at sabay na kumawala sa bibig nina Jared at Alicia ang mahahabang ungol. Pagkatapos sumabog ay dali-dali niyang hinugot ang sarili at inalis ang condom na suot. At saka itinapon iyon sa basurahan. Babalik pa sana si Jared sa tabi ni Alicia nang tumawag si Alex sa cellphone niya. "Puwede ba akong humingi ng pabor, pare?" tanong nito mula sa kabilang linya. "Darating kasi ngayong alas kuwatro ang pinsan ko mula Manila at nagpapasundo sa airport. Kaso may biglaang lakad kami ni Karen. Baka puwedeng ikaw na muna ang sumundo." Tiningnan ni Jared si Alicia na noon ay bagsak na bagsak sa kama. Hindi niya iniiwanan ang bawat nakakaniig na hindi na-sa-satisfy. Pero sa hitsura nito, mukhang busog na busog ito sa performance niya kanina. Napatingin si Jared sa suot na relo. Alas dos y media na ng hapon. Forty to fifty minutes ang biyahe papuntang Iloilo Airport. "Wala namang problema, pare. Just give me the details para mabilis kaming magkita ng pinsan mo." "Hindi ako sure kung nabasa niya ang text ko na kaibigan ko na lang ang susundo sa kaniya. Hindi ko na kasi siya matawagan," paliwanag ni Alex. "Pero nasabi ko na sa kaniya kahapon na kulay-puti ang T-shirt ko at nakasombrero ng itim para mabilis niya akong makita. Twelve years na rin kaming hindi nagkikita sa personal, eh." "Ano ang pangalan niya at paano ko siya makikilala?" "Blonde ang buhok na lagpas-balikat. Blue eyes, matangos ang ilong at red lips. 5'7, maputi at sexy kung manamit. Maraming palamuti sa katawan at mukhang socialite. At Jheann ang pangalan niya, pare. Jheann Estopa." Habang pinapakinggan si Alex na naglalarawan sa pagkakakilanlan ng pinsan nito, nakabuo na agad si Jared ng imahe sa isip niya. Isang napakagandang imahe na mahirap kalimutan. Kahit ang pangalan nito ay tila awtomatiko nang tumatak sa isip niya. Jheann Estopa. bulong ni Jared sa pangalang iyon na hindi niya alam kung bakit may kakaibang dating sa kaniya. Pagkatapos nilang mag-usap ni Alex ay nagpaalam na si Jared kay Alicia, na umungol lang at hindi na nagawang bumangon sa sobrang pagod. Kailangan na niyang umalis at bibili pa siya ng puting T-shirt sa palengke. Mabuti na lang at pareho silang mahilig ni Alex sa kulay-itim na sombrero at nagkataong may dala siya. Hindi yata nabanggit sa'kin ng loko na 'yon na may foreigner at yayamanin siyang pinsan. bulong ni Jared sa sarili nang sumagi na naman sa isip niya ang imahe ng pinsan nito. PAGKATAPOS i-announce ng piloto na lalapag na ang eroplanong sinasakyan niya, dali-daling nag-retouch ng kaniyang makeup si Jheann. Hindi talaga siya komportable na walang kolorete sa mukha kahit simple lang. Dose anyos pa lang kasi ang dalaga ay tinuruan na siya ng kaniyang ina-inahan na gumamit niyon. Pati na rin ang iba pa niyang mga kapatid na pawang babae. At ipinagpasalamat naman iyon ni Jheann dahil hindi na niya kailangang kumuha ng makeup artist sa tuwing sumasali siya sa mga beauty pageant na may money prize. Two years lang naman kasi ang naabot niya sa college. Kaya bukod sa pagiging sales clerk, kung ano-anong raket na lang ang pinapasok ng dalaga para kumita at makatulong sa pamilya. Natural nang maganda at maayos ang maiitim na kilay ni Jheann. Mahahaba at makakapal na rin ang pilantik niyang eyelashes. Kaya manipis na cheek tint, eye shadow, at kulay-pulang lipstick na lang ang inayos niya. Sinigurado rin ng dalaga na maayos ang pagkakasuot niya ng kaniyang kulay-ginto na mga alahas na sa Recto pa niya binili. Suot-suot ang kaniyang puting long sleeve off shoulder crop top na may kapares na high waist skinny jeans at two inches heel shoes na puro made in Divisoria, bumaba na ng eroplano si Jheann habang hila-hila ang kaniyang travelling bag at nakasukbit sa katawan ang mint green body bag na imitation ng Hermes brand. Pagkatapos ng mahigit isang dekada ay nakabalik na rin siya sa Iloilo. Sa wakas, makikita ko na rin uli ang childhood crush ko. "Welcome, City of Love!" masayang bulalas ng dalaga at hindi alintana ang mga taong napapatingin sa kaniya. "I am Jheann Estopa of Binondo, twenty-two years old, ang future wife ni Bernard Ledesma. And I, thank you!" wika pa ng dalaga na walang ibang kausap kundi ang sarili niya. Nakangiti na nilagpasan lang ni Jheann ang mga kapwa pasahero na takang-taka sa kaniya. Sanay siyang ginagawa ang mga bagay na nagpapasaya sa kaniya at hindi iniintindi ang sasabihin ng iba. Dahil abala sa pagtingin-tingin sa paligid para hanapin ang pinsan na susundo sa kaniya kaya hindi napansin ni Jheann na nadampot na ng iba ang kaniyang body bag. Ang "milyones" ko! Natatarantang nagpalinga-linga ang dalaga. At nang makita niya ang isang babaeng papunta na sa waiting area at hawak-hawak ang bag niya ay dali-dali niya itong hinabol. Iniwanan niya ang kaniyang travelling bag dahil mas mahalaga ang laman ng body bag niya. Lalo pang binilisan ni Jheann ang pagtakbo nang makita niyang humalo na sa maraming tao ang babae. Wala siyang pakialam kahit natatapilok man o may nabubunggo man siya. Hindi puwedeng mawala ang kaniyang "milyones" na iningatan na niya mula pa pagkabata. "Ate, ang bag ko! Akin 'yan!" malakas na sigaw ni Jheann, dahilan para lalo siyang pagtinginan ng mga tao. May mga airport staff na rin ang nakasunod sa kaniya. Sa kamamadali ng dalaga ay hindi niya napansin ang lalaking sumalubong sa kaniya. Nagkabungguan silang dalawa at parehong nawalan ng balanse. Napatili siya sa pag-aakalang babagsak siya sa semento. Pero nagulat si Jheann nang mapagtantong napakubabaw siya sa estrangherong nakabungguan niya. Nakasuot ito ng dark sunglasses at kamukhang-kamukha ng pinsan niya. Suot-suot din nito ang kulay ng sombrero at T-shirt na sinabi sa kaniya ng pinsang magsusundo sa kaniya. "Kuya Alex!" tuwang-tuwa na bulalas ni Jheann, sabay yakap dito ng mahigpit at walang ano-ano na hinalikan ito sa pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD