[Lance] Inihatid ko si Logan sa playground ng hotel. Alam kong ligtas roon ang anak ko. He has an assigned babysitter with him. Something that I like sa hotel na tinuluyan naming. Hindi lang maganda ang tanawin. Kumpleto rin sila sa amenities and all sorts of services for families. "Logan, remember not to go with anyone else. Dito ka lang. I'll be back. Okay?" "Yes, Daddy." "Hintayin mo ako. Babalikan kita.Huwag na huwag kang sasama kahit kanino. Kahit sa lolo mo. Do you understand?" "Yes po. Magbe-behave ako Daddy." I was about to step out of the secured room when he tugged me back. "Daddy is Mama, okay? Hindi ko pa po siya nakita na galit. Is she gonna be all right?" "She will be fine." "Ayaw ko po nakikita na sad ang Mama ko. Parati na lang siyang sad since we got here."