[Lance] Mactan-Cebu International Airport Cebu, Philippines Nababalot ako ng aming nakaraan habang tinatahak na namin ang daan papunta sa paliparan. After leaving the hospital I made a quick call. Pinasundo ko na lamang si Gina at Enzo kay Uno. Pinilit ko siyang sumama sa amin pero hindi na ito pumayag pa. Pinagmamasdan ko si Sitti habang nakapikit ang mga mata nito. Hawak-hawak niya ang kaniyang noo na tila ba masakit ang ulo. Maya-maya ay nakita kong bagyang hinimas nito ang kaniyang batok. Her nape. Sitti’s neck that I yearn to kiss again. ‘Stop thinking of the impossible, Lance!’ Alam kong mahihirapan na akong mapasunod si Sitti ngayon hindi tulad noong nasa Barcelona pa kami. Kay daling bilogin ang utak nito noon. She loves to travel and explore. Maliban sa pagluluto. Sitti’s has