Chapter 5

1009 Words
Nagising ako kinaumagahan dahil sa matinding sakit ng aking ulo. Napainat-inat pa ako pero mabilis ding napabalikwas ng bumungad sa akin ang hindi pamilyar na silid. Nasaan ako? Hindi ito ang condo ni Erika na dapat ay kinaroroonan ko ngayon. Kulay gray ang dingding at may malaking kulay krema na kurtina na tinatakpan ang sinag ng araw na nagmumula sa malaking bintana. Alas-otso na sa orasan. Paanong nandito ako sa hindi pamilyar na silid? Ilang minuto bago mag-sink in sa aking utak ang tungkol sa plano. Ang dapat na nangyari. Ang dapat na ginawa ko at dapat mabungaran ko ngayon. Si Erika. Nasaan si Erika? Nakaramdam ako ng kaba at takot kaya naman luminga-linga pa ako para hanapin ang mga gamit ko. Nakita ko na naroon sa couch ang suot kong damit kagabi. Mabilis kong kinapa ang aking sarili. Iba na ang suot ko, isang malaking blue na tshirt. Wala akong suot na bra dahil naka-silicon bra ako kagabi dahil sa suot kong backless dress. Suot ko pa ang aking panty. Pinakiramdaman ko din ang aking sarili at wala naman akong ibang nararamdaman. Wala namang masakit sa aking katawan, ang aking mga hita at pang-ibaba. Ang ulo ko lang talaga ang sumasakit ng husto. Dapat ay magmadali na akong magbihis at umalis pero napapaisip ako sa nangyari kagabi. Wala akong maalala bukod doon sa dare, sa halik ni Ethan. At noong ininom na nina Ethan ang alak na binigay ni Erika. May binigay din na alak ang waiter sa amin. Ininom namin iyon ni Erika. Hanggang doon na lang ang naaalala ko. Kinabahan ako. Mabilis akong bumaba sa kama at nilapitan ang mga gamit ko sa couch. Nandito pa naman ang sandals ko, damit, celphone at pouch. Nandito din ang twenty thousand pesos. Habang nagdadamit ay tumunog ang aking celphone. Medyo nataranta ulit ako, nakita ko na hindi nakaregister ang tumatawag. Dagli kong sinagot ko ito kahit na hindi ko sigurado kung sino ang tumatawag. "Where are you?" tanong sa akin sa kabilang linya. Nabosesan ko ito kahit medyo groggy pa ang boses niya. "H-hindi ko alam," sagot ko habang lumilinga-linga sa kabuuan ng silid. "Nasaan ka?" tanong ko. Pero bigla na lang namatay ang celphone ko dahil lobat na. Mabilis kong dinampot ang heels at pouch at nagmadaling lumabas ng kuwarto. Paglabas ko sakto namang bumukas din ang isang silid. Nagkagulatan kami ni Erika. Nataranta akong lumapit sa kaniya. Pero kahit paano ay naginhawaan ako na malamang nandito din siya. Bitbit din niya ang heels niya. "N-Nasaan tayo?" tanong ko sa kaniya. Napayamukos ang kamay niya sabay iling sa akin. "Ethan's place," sagot niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Bigla akong kinabahan, bahagya a akong napatalon ng bumukas ang isang pintuan at pumasok si Ethan. Seryoso ang kaniyang mukha. Nakakatakot ang uri ng titig niya pero mas natakot ako ng makita ko kung sino ang taong nakasunod sa kaniya. "M-Mae?" sabay naming tawag ni Erika sa kaniya. Tumingin siya sa amin at bahagyang nagyuko. "Pasensya na, Erika. Mas malaki ang binayad niya sa akin eh," wika ni Mae. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Nagyuko ako ng tingin at hindi na magawang tignan si Mae at Ethan sa hiya. Ibig sabihin, alam ni Ethan? Kaya ba, iyon ang dare niya kagabi? Narinig ko ang yabag ng sapatos ni Ethan habang humahakbang. Napahigpit ang hawak ko sa aking pouch sa kaba, takot, hiya na nararamdaman ko. Wala pa siyang sinasabi pero batid ko ang galit niya. Ibig sabihin din neto ay mapapalayas na kami sa aming tinitirhan. Napaiyak ako. Alam kong masama ang naisip kong paraan pero hindi ko naman kakayanin na magpalaboy-laboy kami sa kalsada kasama ang aking pamilya. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang galit na galit na mukh ni Ethan. Mabilis niyang hinawakan sa magkabilang braso si Erika. Kita ko ang pagbaon ng mga dulo ng kaniyang daliri sa balat ni Erika. Napangiwi si Erika pero hindi siya pumalag. Bagkus, matapang niyang sinalubong ang mga galit na mata ni Ethan. Marahil pati sa akin ay galit din siya. Pero kung tutuusin, wala naman sana akong kasalanan dito. Babayaran lang ako ni Erika para sa plano niya. Tinignan ko siya pero hindi ko nakayanan ang tingin na pinupukol niya sa akin. "Aalis na kami. Wala namang kasalanan ang kaibigan ko. Gipit lang siya kaya pumayag sa gusto ni Erika," ani Mae. Nilapitan niya ako at hinila. Nilingon ko si Erika at nakita kong matapang pa din siyang nakipagtitigan kay Ethan. Mukhang kaya naman na niya ang sarili niya. Hindi naman siguro nananakit ng babae si Ethan. Ang kaba ko ay nabawasan ng makasakay kami ng taxi ni Mae. Pero bumalong sa akin ang iba't-ibang emosyon. Naiisip ko ang aking pamilya. Nangako ako na tutulong ako para mabayaran ang lupa na kinatitirikan ng bahay pero heto uuwi akong bigo. May pera ako pero hindi naman sapat. Tulala ako hanggang sa makarating kami sa tinutuluyan ni Mae. Manghihiram muna ako sa kaniya ng damit bago umuwi ng Bulacan. Hindi naman puwede na babiyahe ako pauwi na ganito ang suot ko. Nasa condo ni Erika ang mga damit ko kahapon. Nagsimulang pumatak ang mga luha ko. Ngayon pa lang naiimagine ko na ang itsura namin habang ang mga gamit namin sa bahay ay nagkalat sa labas ng bahay. Ang pamilya kong umiiyak habang tinitignan ang bahay namin na dinedemolish na. Hanggang sa pagtira namin sa kung saan-saan. Ngayon pa lang, naaawa na ako sa mga magulang at kapatid ko. "Pasensya ka na, Rose. Kahapon kasi paglabas ko sa condo ni Erika noong hinatid kita. May humarang sa akin na dalawang lalake. Natakot ako. Saka nag-offer sila ng malaking pera sabihin ko lang ang mga plano ni Erika." "Wala naman na tayong magagawa, nangyari na eh." "Pasensya ka na din tungkol sa lupa niyo doon. Heto, kunin mo." May inaabot siyang ilang libo sa akin. Hindi ko man gustong kunin ay mukhang kailangan kong tanggapin. Kung mapapalayas kami, kailangan namin ng pang-upa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD