GAYUMA 2

1102 Words
Nakasimangot akong pumasok sa loob ng bahay. Padabog akong na naupo sa sofa at bumaling din ang tingin ko sa dalawang tao na nag-uusap sa aking harapan. Parang gusto ko silang tapunan ng tubig na puro yelo. "Ano ba iyan! Bakit ba ang daming langgam na kumakagat sa aking katawan?!" malakas kong sambit upang marinig nila. "Ano'ng nangyayari sa 'yo, Bettina?" tanong sa akin ng maharot kong kapatid. "Kinagat kasi ako ng langgam, Ate." "Paano nagkaroon ng langgam dito sa bahay?" tanong nito. "Aba, ay malay ko! Sobrang tamis kasi siguro rito sa bahay natin kaya na mamasyal ang mga langgam," usal ko. Tumayo ako upang pumanhik sa silid ko, hindi ko kasi nagugustuhan ang mga nakikita ko sa paligid. Parang ang sarap nilang pagtatagain. "Bettina!" Lumingo ako sa tumawag sa akin, nakataas ang kilay ko habang hinihintay ang sasabihin ng kapatid kong maharot. "Bakit, Hanggang ngayon ay wala ka pang trabaho?" tanong ng kapatid ko. "Ehh, ano'ng gagawin ko, Ate? Kung ayaw lumapit sa aking ng trabaho. Alangang naman na habulin ko sila, noh? Ang hirap kayang tumakbo," pabalang na sagot ko. "W-what?" Gusto kong tumawa sa reaction ng mukha ng ate ko. Sa totoo lang ang sarap niyang asarin, masyado kasing pikon. "Ganyan ka na lang ba, Bettina? Bente dos anyos ka na pero isip bata ka pa rin." Napangiwi ako sa sinabi ng kapatid ko. Kahit kailan kontrabida talaga ito, kung hindi ko lamang siya kadugo ay kanina pa ko ito nasapak. "May sa sabihin ka pa, Ate Jessica?" tanong ko. Ngunit masamang tingin lang ang isinagot niya sa tanong ko. Tila gusto akong batuhin ng baso. Siguro ako na kung wala sa harap namin si Jeff ay kanina pa niya ako binato ng baso. "Ano'ng nangyayari rito? Nag-aaway na naman ba kayong dalawa? Hindi na kayo nahihiya, wala kayong pinipiling lugar, ang tatanda na ninyo para kayong mga bata," Mahiya nga kayo kay Jeff," sermon ni Inay. "Si Ate kasi Inay, pinipilit akong maghanap ng trabaho, ayaw nga sa akin nangtrabaho," sumbong ko. "Hayaan muna Jessica. Pasasaan ba at makakahanap din ng trabaho ang kapatid mo." Pagkampi ng Inay ko sa akin. "Kaya tumitigas ang ulo ng bunso mo Inay. Kinakampihan mo pa," asar na sabi ng kapatid ko. Ngumisi lang ako rito. Nakita kong umirap lang sa akin ang mahal kong kapatid. Bumaling din ako sagawi ni Jeff at tahimik lang siyang nakaupo. Alam ko naman na sanay na siya sa bangayan namin ng kapatid ko. Pumanhik na lamang ako sa loob ng silid ko at nag-isip nang paraan kung papano ko maaakit si Jeff Luwes. Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame nitong kwarto ko. Nagmamadali akong tumayo at lumapit sa cabinet. Kumuha ako nang short na susuotin ko. Nang maisuot ko na ay harap ako salamin upang makita ko kung gaano kaliit ang suot kong short. Litaw na litaw ang kaputian ng legs ko. Ano Kaya ang sasabihin ng kapatid ko oras na makita na ganito kaliit ang suot kong short. Siguradong magtataka iyon, dahil ngayon lamang ako magsusuot ng maikli na short. Lumakad ako papalapit sa pinto upang lumabas ng kwarto ko. Malayo pa lang ako ay naririnig ko na ang boses ng ate ko. Kung hindi ako nagkakamali ay kausap pa niti si Jeff. Kaya binalot na naman ng panigbugho sa aking puso. Pero tinabayan ko ang loob ko. Kailangan kong magpapansin sa akin mahal. Lumakad ako papalapit sa dalawang tao na nag-uusap. "Saan ka pupunta, Bettina?" tanong ng Ate ko. "Diyan lang sa labas Ate." sagot ko. "Naganyan kaliit ang suot mo?" paasik na tanong ni Ate. "Walang masama sa suot ko Ate, bagay nga sa akin. Saka naghahanap ako ng boyfriend diyan sa labas ng bahay. Gusto ko rin naman maranasan kung ano ang feeling na magkaroon ng kasintahan. "Diyos ko po Bettina! Ano bang nangyayari sa 'yo? Hindi mo kailangan magsuot ng maliit na short para lang magkaroon ka ng boyfriend," naiinis na wika ni Ate. "Hayaan mo na lang ako sa gusto ako, ate Jessica. Huwag mo na lang akong kontrahin," angil ko rito. "Nasaan ba si Inay? Inay, Inay!" malakas na pagtawag niya sa nanay namin. Umiiling na lang na tumalikod ako sa ate ko, bumaling din ang tingin ko kay Jeff. Nagulat pa nga ako nang makita ko ang lalaki na masama ang tingin sa akin. Pinagsawalang bahala ko na lamang ang kakaibang tingin nito. Patuloy lang akong lumabas ng bahay. Nang may humiklas sa braso ko. Pagtingin ko sa taong humili sa akin ay ang mukha ni Jeff ang aking nabungaran. "Bakit ba ang tigas ng ulo, Bettina?" galit na tanong niya sa akin. "May malambot bang ulo?" pabalang na sagot ko rito. Naningkit ang mata ng lalaki, Nag-igting din ang bagang nito. Kung hindi siguro ako babae ay kanina pa ako nakatikim nang suntok dito. Marahan itong humakbang paplapit sa akin. Napaurong naman akong bigla, kumabog din ang dibdib ko at napasandal ako sa pader, sapagkat wala na akong mauurungan. Nang makalapit ang lalaki sa akin ay tumingin siya sa mukha ko, hindi ko alam kong ano ang tumatakbo sa utak niya. "Yes! May malambot na ulo. Huwag lang gagalitin at siguradong titigas iyon." saad nito. Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ng lalaki. Hindi ko kasi maunawaan kung ano ang ibig niyang sabihin. Napangisi ako nang palihim. Pagkakataon ko na ito para mapansin ako nito. Tumingin ako sa lalaki, mata sa mata. Inilapit ko rin ang mukha ko sa mukha niya. Nakita ko siyang napalunok kaya pinagpatuloy ko ang aking balak dito. "Nagagalak ako at natitigan kita ng matagal Jeff, lubhang napaka gwapo mo nga, kakaiba rin ang iyong karisma, ibang-iba sa karaniwang lalaki. Alam mo bang matagal na kitang mahal," pag-amin ko sa rito. Napanganga ang lalaki sa pag-amin ko. Kaya sinamantala ko ang pagkakataon iyon, habang may pagkagulat pa sa mukha nito. Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at inilapit ko sa aking mukha sabay halik sa kanyang labi. Wala akong pakialam kong hindi ako marunong humalik, ang mahalaga lang sa akin ay mahalikan ko ang lalaking iniibig ko. Marahan akong itinulak ni Jeff at masamang tingin din ang ibinigay niya sa akin. "Hindi kita mahal, Bettina," pauyam ni wika ni Jeff. "Ayos lang, nahalikan naman kita." Nagtangka uli akong lumapit sa lalaki. Napaurong ang lalaki. Ngunit may pagbabanta sa mukha niya. "Umayos ka," asar na wika nito. Sinundan ko na lang nang tingin ang likuran ni Jeff. Napahawak din ako sa aking labi. Ang sarap pala ng labi ni Jeff ang tamis at ang lambot. "Hindi talaga ako mag totoothbrush," mahina kong sambit at may galak sa aking puso. GAYUMA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD