Chapter 4
"Salamat Gerlie. Tawagan mo nalang ako kapag may emergency kayo sa shop."
"Okay po sir france. You're welcome"
Bago bumaba ng kanyang kotseng kuba si Gerlie tinapos muna niya ang kanilang pag uusap ng may ari ng jewerly shop na pinagtatrabahuhan niya. Nagpapasalamat kasi ito sakanya dahil palagi nalang siyang mag isang nagtatrabaho ngayon. Madalas kasi absent si maria dahil sa personal issue sa buhay nito
Ayos lang iyon sakanya dahil madali lang naman ang trabaho niya at higit sa lahat malakas sakanya si Maria. Napakabait kasi nito sakanya.
Nag inat pa siya ng kanyang mga kamay at konting streching pagkalabas niya ng kanyang kotse.
Halos mag gagabi na iyon dahil pang night shift ang mga subjects niya.
Inayos niya ang kanyang makapal na salamin bago siya lumakad papunta sa study area. Doon kasi naghihintay si Karen sakanya at sabay silang papasok sa kanilang classroom
Pagpasok niya sa study area maraming studyante ang naroon. Nakakapagtaka nga dahil madalas sa mga ganitong oras eh wala na dapat halos studyante ngunit ngayon tila may fiesta sa study area.
Anong meron?
Marami paring studyante ang naroon
Oh my...
Parang tumalon ang kanyang puso ng mapatingin siya sa isang groupo ng studyante sa bandang gilid. Naroon si Kenzo Hoffman! Kaya naman pala marami paring studyante! Naroon pala ito!
Ngunit ang nagpapabilis ng husto ng t***k ng kanyang puso ay ang atensyon nito! Tila nakatingin ito sakanya habang tinuturo siya ng isang kaibigan nito.
B-Bakit mo ako tinitignan ng ganyan jusko po!
Baka nakikilala niya ako?
Baka naaalala niya ako?
Finally he noticed me!
Agad itong nag iwas ng tingin sakanya ng magkatitigan sila ng kaunting segudo.
Ngunit sapat na iyon para mabuo ang araw niya. Parang lumulutang na siya sa cloud nine sa mga oras na iyon.
Napapangiti siya at patuloy siyang lumakad papunta sa pinakadulong table kung saan naroon naka-upo si Karen. As usual nakatutok nanaman ang atensyon nito sa makapal na librong binabasa nito
"Uy Karen! oh my gosh narito pala si Mr.Right" Bulong niya kay Karen na may halong kilig at pasimple niya pang kinurot ang tagiliran ni Karen
"Asa ka naman papansinin ka niyan"
"Naku naku friend huli kana sa balita. Napansin na niya ako! Actually malapit na nga kaming maging close"
Napapakagat labi pa siya habang pasulyap sulyap sa table nila Kenzo.
Napansin niyang nagtatawanan ang mga ito at parang patingin tingin ang mga ito sakanya. Samantalang nakakunot lang ang nuo ni Kenzo. Sa tingin niya, Mukhang inaasar ng mga ito si Kenzo.
"In your dreams. May assignment kana ba?" Pagsusungit ni Karen sakanya. Matalik niya itong kaibigan ngunit may pagkamasungit talaga ito kung minsan
"Kahapon pinakilala ako ni Ate Maria kay Kenzo. Nag titigan kami mga ten seconds ata yun tapos nanghina yung tuhod ko. Parang kinuha niya ang lakas ng katawang lupa ko--"
"Tumigil kana nga diyan sa ilusyon mo Gerlie. Look at him? Look at us. Hindi tayo mapapansin ng mga ganyang tao--"
Napalabi siya at pabirong pinalo niya ang patpating braso ni Karen
"Sabi ko na hindi ka maniniwala eh. Ah basta malapit na kaming maging close! I can feel it!"
"Whatever--Oh god"
"Bakit?"
Naka-nganga lang si Karen habang nakatingin sa likod niya.
"Bakit parang nakakita ka ng multo?" Taas kilay niyang tanong kay Karen habang nakatingin parin ito sa likuran niya. Para bang hindi ito makapag salita ng maayos
Napakunot tuloy ang nuo niya at naisip niyang lumingon sa likuran niya
"Ano ba kasing tinitignan mo---Ken-Kenzo!"
Siya naman ngayon ang nagulat dahil paglingon niya nakatayo sa kanyang likuran si Kenzo.
Hindi ito nakangiti at parang napipilitan lang itong lumapit sa table nila
Kulang ang salitang gwapo upang idescribe niya ang kagwapuhang taglay nito. Mas lalo ata itong gumagwapo sa bawat araw!
Napanganga tuloy siya habang hindi parin siya makapaniwalang nilapitan siya nito
Napalunok siya ng tatlong beses bago siya nakapagsalita
"B-Bakit?"
Nakatingin lang ito sakanya ng seryoso bago ito nagsalita
"Do you remember me?" Walang ganang tanong nito sakanya habang nakapamulsa ito sa pants nito.
Sino kaya ang nag aayos ng buhok nito? Napakalinis kasi ng pagkaka-ayos ng buhok nito at tila fresh na fresh parin ito kahit na mag-gagabi na.
"K-Kenzo. Oo naman!" Nanginginig ang kanyang tuhod ngunit nakuha niya paring tumayo mula sa pagkaka-upo niya
Humawak nalang siya sa gilid ng table upang hindi siya matumba. Nakakapanghina naman kasi ang kagwapuhang taglay nito
Inayos niyang mabuti ang kanyang salamin.
Bumuntong hininga ito. Tumingin ito sa mga kabarkada nito at tumingin ulit ito sakanya
Nakangiti naman ng husto ang mga kaibigan nito sa di kalayuan.
Napatingin tuloy siya sa palagid. Nakatingin ang lahat ng mga studyante sakanilang dalawa ni Kenzo sa mga oras na iyon!
Ang isang studyanteng lalakeng mataba sa bandang gilid nila ay nakatulala sakanilang dalawa ni Kenzo habang ang hawak nitong ice cream cone ay natutunaw na sa mga kamay nito
Ang groupo naman ng mga studyanteng babae ay parang mga naengkanto habang nakatingin sakanilang dalawa ni Kenzo. Parang hindi humihinga ang mga ito at inaabangan kung anong pakay ni Kenzo sakanya. Hindi siguro inaasahan ng mga ito na lalapitan siya ni Kenzo lalo na sa harap ng maraming studyante pa
"Do you have class tonight?"
Pati na rin ang boses nito ay nakakapanghina. Ang sarap pakingan ng boses nito. Nasalo na ata nito lahat ng magagandang katangian.
Muli siyang napalunok
"M-Meron. B-Bakit?" Halos magkandabulol niyang tanong dito
"What time you will go home?"
Napakurap kurap siya sa tanong nito.
Bakit kaya nito tinatanong kung anong oras siyang uuwi? Anong pakay nito sakanya?
Imposible namang hihintayin siya nito dahil gusto siya nitong ligawan?!
impossible talaga iyon!
Nanlaki tuloy ang kanyang mata ng maisip niya na baka gusto nitong magpaturo o magpagawa ng assignment nito?
O baka papagawain siya ng mga projects nito?!
"H-Hindi ako matalino. S-Si Karen yung matalino. M-Mukha lang akong nerd" Napatabingi tuloy ang kanyang ngiti habang nakatingin lang ito sakanya
"What?" Tila naguguluhang tanong nito
"H-Hindi ako matalino. M-Magpapagawa ka ba ng project kaya mo tinatanong kung anong oras ako uuwi?"
Hindi niya inaasahan na ngingiti ito ng kaunti. Parang tumalon tuloy ang kanyang puso sa sandaling iyon
Anak ng footspa! Mas lalong pogi pag nakangiti!
Pasimple siyang humawak sa kanyang dibdib dahil hindi ata kinakaya ng puso niya ang simpleng pag ngiti nito
"Hindi ako magpapagawa ng project sayo. I'm one of the top student here aside from that magkaiba ang course natin"
Gusto niyang mapatili dahil may kaunting ngiti parin ito sa natural na mamula-mulang labi nito. Pinigilan niya lang ang kanyang sarili dahil magmumukha talaga siya g weird kung bigla nalang siyang titili
"E-Eh ganoon ba. B-Bakit mo naman tinatanong kung anong oras ako uuwi?"
"I want to wait for you"
Muntik na siyang matumba dahil sa sinabi nito. Mabuti nalang napahawak siyang muli sa table.
"H-Ha?"
Bumuntong hininga ito at may kinuha ito sa bulasa nito.
It's his cellphone
"What's your number?"
Pakiramdam niya nangangatog na ang buong katawan niya dahil sa mga nangyayari ngayon.
Tama ba ang rinig niya? Kinukuha nito ang cellphone number niya???!!!
"D-digits ko? Cellphone number ko? As in cellphone number ko?" Di makapaniwalang tanong niya
"Yeah" Tila naiinip na ito habang inaabangan nitong sabihin niya ang kanyang cellphone number
"B-Bakit?"
"Bakit ba kinukuha ang number ng isang tao?"
Napakagat labi tuloy siya sa sinabi nito
"B-Bakit nga ba?"
"I want to be your boyfriend" Walang ganang sagot nito ngunit nagimbal ata nito ang katawang lupa niya!
Nalaglag halos ang kanyang panga sa sinabi nito.
Nababaliw na ba ito?!
Sabay sabay napasinghap ang mga studyante dahil sa sinabi ni Kenzo. Nalaglag pa si Karen sa inuupuan nito dahil sa pagkabigla nito sa sinabi ni Kenzo Hoffman!!!
"Your number please" Ini-aabot ni Kenzo sakanya ang cellphone nito
Hindi niya alam kung paano niya hahawakan ang cellphone nito dahil nanghihina ang kanyang buong katawan
"K-Kenzo hindi ko akalain na ganoon ako kaganda para masabi mo yan. Well sabi rin naman ng lola ko maganda ako pero ngayon ko lang iyon napatunayan." Inipit niya pa ang ilang hibla ng kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga
Parang napapangiti ito ng paunti unti dahil sa kanyang sinabi.
"Give your number to me."
Nakatulala lang siya sa gwapong mukha nito. Hindi pa kasi siya nakakamove on sa mga nangyayari
Hindi siya makapaniwalang gugustuhin siyang maging nobya ni Kenzo!
Tumayo si Karen at ito na mismo ang kumuha ng cellphone ni Kenzo.
"Ito yung number ng kaibigan ko. Single yan at wala pang nagiging boyfriend kahit isang beses. Kung forever ang hanap mo nasa tamang tao kana. Huwag sanang magbabago ang isip mo." Sabi ni Karen kay Kenzo pagkatapos nitong isave ang kanyang number sa cellphone nito
"Thanks" Tinago na ni Kenzo ang cellphone nito
Samantalang nakatitig lang siya kay Kenzo. Pakiramdam niya kasi nananaginip lang siya
"Alas diyes ang uwian namin. May sariling kotse tong kaibigan ko. Pero pwede mo naman siyang sabayan pauwi"
Napabuntong hininga naman muli si Kenzo.
"Fine. I'll come back tonight"
"Nagdadrugs ka ba?" Wala sa sariling tanong niya kay Kenzo
"Ha?"
"W-Wala."
"See you later" Tipid itong ngumiti bago ito tumalikod sakanilang dalawa ni Karen
Doon palang siya napaluhod muli ng tumalikod ito
"Nababaliw na ba ako friend? T-totoo bang nilapitan ako ni Kenzo? At gusto niyang maging jowa ko?"
"Baka nagdadrugs nga yun"
Napakagat labi siya at niyakap niyang mahigpit si Karen.
"Parang gusto ko ng mag uwian!"