Chapter 20 "Are you getting cold?" Tila nagtayuan ang balahibo sa kanyang balat ng marinig niya ang pagbulong ni Kenzo sa likod ng kanyang tenga habang yakap yakap siya nito. His voice makes her body shake. Nakakapanghina ang boses nito lalo na pag hinahaluan nito iyon ng kaunting paglalambing. Kasalukuyan silang nagtatampisaw ni Kenzo sa tabing dagat na di kalayuan sa birthday party ng asawa ni Cedric Hoffman. Bilog na bilog ang buwan sa mga oras na iyon at nagkikislapan ang mga bituin sa kalangitan. Napakaganda ng tanawin. Sumakto iyon sa eksena ng paglalambingan nilang dalawa. Mahigit sampung minuto na rin siya nitong yakap yakap habang nakatanaw lamang sila sa tahimik at payapang dagat sa kanilang harapan. Tila nilalasap rin nito ang mga sandaling iyon. "H-Hindi naman. Masarap