Tiningnan ni Tito ang anak niya ng masama bago nagsalita. "Iyang babaeng iyan ay pamilya ng mga kriminal! Paano kung hindi ka nakatakas? Baka patay ka na!" galit na bulyaw ng Daddy niya sa kaniyang anak. Pilit nitong kinumbinsi ang anak at para itong hindi napapanatag hanggat hindi niya nailalayo ang anak nito sa akin. Pakiramdam ko ay dinaig ko pa yata ang taong may nakakadiring sakit. Hindi makasagot si Ethan dahil alam niyang tama naman ang Daddy niya. Kung hindi nga siya nakatakas sa pamamagitan ng tulong ko ay baka patay na nga siya ngayon. Pero hindi ko mapigilan ang sariling magsalita para ipaalam sa kanila ang pinagdaanan ko. Napangiti ako ng alanganin at parang maiiyak na sa tuwing bumabalik ako sa aking nakaraan. "Hindi niyo rin alam kung ano ang tiniis ko para ma