Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Nahihirapan akong gumalaw dahil napapadaing ako sa kirot. Pakiramdam ko tuloy ay para akong binugbog sa buong magdamag. Para bang ilang beses akong pinagpapalo sa ulo dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. I couldn’t even have the courage not to grimace because of the excruciating pain. Iyon bang pakiramdam na parang pinipiga ang utak sa loob ng ulo ko at ang mga kaugatan na meron ako sa ulo ay para bang hinihila dahil sa sobrang sakit? Ganoon kasi ang nararamdaman ko ngayon. Sumabay pa sa sakit ng ulo ko ang sakit ng aking puso. Iyong sakit na mababaliw ako dahil para aking dinadahan-dahan sa pagpatay. Nang nilibot ko ang tingin sa ang aking paligid ay puro puti na lang ang aking nakikita. Ang kama, higaan, kurtina at mara