Dahil sa labis na saya at tuwa na nararamdaman ko ay hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Niyakap ko siya nang mahigpit at patuloy lang sa pagsasalita ang babaeng emcee. Hawak niya ang microphone kung saan malapit lang siya sa speaker na nasa likuran lang nito. Nilapitan ako ni Mama at Papa. Kahit na hindi nila sabihin sa akin pero alam kong natutuwa sila sa amin ni Ethan. It's a dream come true. Kaya niyakap ko sila nang sobrang higpit habang umiiyak at nagpapasalamat ako sa lahat ng suportang binigay nila sa akin. "Masaya ako para sa iyo, anak. Dahil alam kung si Ethan ang kaligayahan mo... nandito lang kami palagi ng Papa mo para babayan ka. Kahit na kinasal ka na ngayon at bubuo ng sarili mong pamilya habang buh