Mula nang araw na sinugod ako ng parents ni Ethan sa hospital upang sumbatan sa lahat ng kasalanan ng Lolo ko sa pamilya nila ay hindi na ang mga ito bumalik pa para guluhin ako. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nila para tigilan ako. I don't even know if Ethan convinced them to stop harassing me. Parang ang hirap kasing paniwalaan na naglaho lang kaagad ang galit nila sa akin. Sa nakikita kong poot na nararamdaman nila para sa akin. Parang imposibleng kaya lang nilang hayaan at palagpasin ng ganoon lang kabilis ang lahat. Gusto ko mang tanungin si Ethan pero hindi ko magawang magtanong sa kaniya sa tuwing kaharap ko na siya. But what we were about to do right now was a legit crazy for planning our wedding without his parents consent. Probably sounds like were breaking out