C-2: At the Island

1206 Words
Napangisi si Exodus nang makitang hinahabol siya ng red feminine car. Pinaputok nito ang nginunguyang bubble gum saka muling binilisan ang takbo ng kanyang sasakyan. "Want to chase me baby? Come on!" hiyaw ng binata. Habang ang nasa may pulang sasakyan ay nagngangalaiting lampasan ang sports car na kulay yellow. Pagewang-gewang pa nga ito with matching lights sa likuran nito. "Yabang mo ah!" himutok ni Amihan. Pero unti-unti ring bumagal ang pagpapatakbo ni Amihan sa kotse nito nang maalala sina Divina at Alena. May pagka- sunga pa naman ang dalawa niyang kaibigan. Medyo kumalma naman na ang pakiramdam ni Amihan kung kaya't medyo tumigil ito para hintayin ang dalawa. Baka kasi maligaw sina Divina at Alena ay siya pa ang may kasalanan. Ilang minuto pa at nakita na ni Amihan sa kanyang side mirror ang sasakyan ni Divina. Saka pa lamang binuhay ni Amihan ang makina ng kotse nito. Banayad lamang ang pagpapatakbo nito upang hindi niya muling maiwanan ang dalawa niyang kaibigan. Ilang saglit pa at nasa bungad na sila ng Isla. "Ladies and gentlemen, ang iyong mga sasakyan ay maiiwan dito. At ang lahat ay sasakay sa yacht papuntang Isla kung saan gaganapin ang kasal." Narinig nina Amihan na sabi ng isang staff sa resort. "What?! Akala ko ba dito sa resort gaganapin ang kasal?" bulalas ni Divina. Naguluhan din si Amihan pero hindi ito nagsalita. "It's a bit surprised to everyone! Ito ay pakulo ng ikakasal, ipinapangako nila na mag-ienjoy ang lahat sa Isla. Panoorin natin ang maikling video na galing sa kanila." Patuloy na sabi ng nagsasalita. Pinanood nga nilang lahat ang maikling video galing sa dalawang ikakasal. Nagbulungan ang lahat subalit mas marami ang excited. Pati nga sina Divina at Alena ay napatili dahil sa galak. Pinandilatan naman ni Amihan ang dalawa niyang kaibigan. "Kailangan pa bang may pagtili gano'n?" sermon ni Amihan sa dalawa. "Alam mo, sumasang- ayon sa'yo ang tadhana. Tumpak ang plano mong bakasyon, sayang nga lang kasi four days lang ang off namin ni Divina." Sagot ni Alena. "Precisely!" wika naman ni Divina. "Ewan ko sa inyo!" turan ni Amihan at nauna na itong naglakad papunta sa yateng naghihintay. Bale tatlong yate iyon, napangiti si Amihan iba talaga ang mayaman aniya sa sarili. Nang masigurado ni Amihan na nasa magandang posisyon ang sasakyan nito ay binitbit na niya ang kanyang traveling bag. Masaya at excited ang lahat na sumakay sa yate. Pumikit naman si Amihan at sinamyo ang hanging- dagat. Bahagya itong napangiti saka pinagmamasdan ang kalawakan ng dagat. Habang sina Divina at Alena ay panay ang kuha ng picture sa yate. Natatawa na lamang na naiiling si Amihan sa dalawa niyang kaibigan. Pagharap ni Amihan sa kaliwa niya upang sana ay maglakad may nabangga itong lalaki. "Sorry!" sabay pa nilang bigkas saka nagkatawanan. The guy is good looking and charming, noon lang ulit humanga si Amihan sa isang lalaki. At very neat tingnan ang lalaki lalo na ang mga pantay-pantay nitong mga ngipin. "Exodus, how about you?" sabi ng lalaki. Bahagyang tumaas ang kilay ni Amihan. Infairness, mabilis ang the moves ng lalaki hindi ito isang torpe. "Amihan!" maikling tugon ng dalaga. Napa- oh ang labi ni Exodus that's more kinda cute to him. Napangiti si Amihan nang halikan ni Exodus ang likod ng kanyang kamay, gentleman wika niya sa sarili. Likewise kay Exodus, he is attracted to the beauty of Amihan that hard to resist. Such a rare beauty na habang tumatagal mong titinititigan lalong gumaganda. He was looking for his friends and yet he bumped into a goddess of beauty. "Nice meeting you, beauty!" "Thank you!" Muli pa silang nagkatitigan saka nagkatawanan. "So, you are going in Island?" tanong ni Exodus. "Yeah," sagot ni Amihan. Nakangiting tumango- tango si Exodus habang malagkit na nakatitig kay Amihan. Nahiya naman bigla si Amihan kung kaya't iniiwas niya ang kanyang paningin sa binata. "Maybe we can chat more pagdating natin doon!" wika na naman ni Exodus. "Sure!" mabilis namang sagot ng dalaga. Napapalatak pa si Exodus kaya muling natawa si Amihan. "I gotta go, see you around beauty!" sabi ng binata at bantulot na lumayo kay Amihan. Kumaway naman si Amihan, namula pa ang pisngi nito nang mag- flying kiss sa kanya si Exodus. Presko! Sabi ni Amihan sa kanyang sarili at muli na itong tumingin sa dagat. Nakapagkit pa rin ang ngiti ni Amihan sa kanyang labi, basta natutuwa siya sa kanyang nakilala. Presko pero cute, mabilis pero keri naman nito. "Hoy bruha, lumalandi ka na ha?" untag ni Alena kay Amihan. "Ha?! Anong lumalandi!" pagkakaila naman nito. "Kunwari ka pa riyan! Nakita namin 'yon, kinuhanan ka pa namin kayo ng litrato oh!" sabad naman ni Divina sabay pakita sa ilang shots ng pictures nila ni Exodus. Nanlaki ang mga mata ni Amihan dahil the way she looked those photos parang bagong magkasintahan lang ang hitsura. "Uy! Delete those photos, hindi niyo ba alam na bawal kumuha ng litrato without asking permission sa isang tao?" sermon ni Amihan. "Amen!" magkapanabay na bigkas nina Divina at Alena saka nagkahagikhikan at lumayo na kay Amihan. Hindi pa tapos nagsalita si Amihan subalit wala na naman siyang kasama. "Mga pasaway!" anas niya habang inirapan ang dalawa niyang ynang muli siyang lingunin ng mga ito sabay tawa. Napasimangot na lamang si Amihan at nagpasyang maglakad- lakad din siya sa ilang parte ng yate. Talagang pipilitin niyang mag- relaks at mag- enjoy sa kanyang bakasyon. Gusto nitong ipahinga ang kanyang isipan ay katawan. For the better tomorrow of her life. Hindi naman nagtagal at naratina nila ang Isla. Humanga si Amihan sa ganda at lawak ng Isla. Tumpak sa mga taong gustong mag- unwind at mag- travel for a vacation. Napansin din ni Amihan na pagkababa nila mula sa yate ay may nagsasabit ng flowers lashes sa kanilang lahat. Napangiti ang dalaga, very generous ang mga nasa Isla. Naisip ni Amihan na sobrang suwerte ng kanilang kaibigan na si Adlene. Kung kaya't hiling ni Amihan na maging masaya sana habang buhay ang kanilang kaibigan sa piling ng magiging asawa nito. Napakarami na palang tao sa Isla na kagaya nilang dadalo sa kasal. Bukas pa ang totoong exact date ng kasal pero parang nagaganap na. Sobrang garbo talaga ang kasal ng kanilang kaibigan na si Adlene engrande talaga na kasal. And they are so happy for their friends destiny. "May number ang magiging kwarto natin ibinigay sa akin kanina." Sabi ni Divina habang naglalakad sila papunta sa kwartong kanilang tutulugan. Style Hotel and resort ang hitsura ng Isla. Sa paligid ay pawang tubig halos, ang sarap pagmasdan. "Meron din sa akin," tugon ni Amihan. Tumigil ang dalawa sa paglalakad at tumingin kay Amihan. "You mean, iba ang magiging kwarto mo?" tanong ni Alena. "Malay ko, sa binigyan ako eh! Akala siguro nag- iisa lang ako!" kibit-balikat na sagot ni Amihan. "Ang daya nito," wika naman ni Divina. Isang mahinang batok ang iginawad ni Amihan sa dalaga. "Malay ko bang bibigyan ako shunga!" singhal nito. Sumimangot naman ang dalawa at saka inirapan si Amihan. Babatukan sana ni Amihan ang dalawa kaya lang ay tumakbo na ang mga ito. Nabitin tuloy sa ere ang kamay ni Amihan, natawa na rin lang siya sa dalawa niyang lukaret na kaibigan including Adlene, the bride to be.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD