"Uhm.. Hi!" bati niya habang nakangiti, naiilang ako, napaiwas ako ng tingin. Pero nadapo naman ang tingin ko sa mga babaeng nagtatawanan. Kahit saan ako tumingin, may ngiti akong nakikita. Kailangan kong mag aral. Paalala ko sa sarili ko. Kailangan kong makatapos dahil yun ang gusto ni ate.
Pero hindi ko makayanan. Pinikit ko ang mata ko, sinuot ko ang headset ko, ngunit walang tugtog. Alam kong sa ganitong paraan nababawasan kahit papano ang mga naririnig ko. Ito ang ginagawa ko sa tuwing nangyayari ang ganitong bagay.
"Uy! Okay ka na ba? Nakarecover kana ba kahapon?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin. "Huy pansinin mo naman ako" napatingin ako sa kanya, at puno ng pagaalala ang mukha niya.
"O-Oo okay lang ako" sabi ko at akmang aalis nang bigla niyang hawakan ang braso ko.
"May problema ba? Pwede mo namang sabihin sakin, diba kaibigan mo ko?"
Kaibigan nga ba kita? yan ang tanong sa isip ko
"Kung ano man ang problema ko, sakin lng yon. Hindi mo ako maiintindihan"
"Edi ipaintindi mo!" nagulat ako ng lumakas ang boses niya, npayuko ako.
Galit ba siya? Pero kung galit siya bat di pa siya lumayo? "S-sorry.. Ang sinasabi ko lang naman kasi pwede mo naman share sakin at pag usapan naten. Alam mo mahirap solohin ang problema, dapat laging may kadamay ka.. Kheira" napaangat ang ulo ko sa sinabi niya, lalo na nang banggitin niya ang pangalan ko.
"Ah nalaman ko ang pangalan mo sa mga kaklase mo. Alam mo, alam kong hindi madaling magtiwala sa isang taong kakikilala mo lang. Pero kung kailangan mo ng masasandalan, andito naman ako. Pwede mo akong tawagin, kung kailangan mo ako. Sabi ng mga kaklase mo, wala ka daw kaibigan, ang weird mo daw. Pero ang mga tipo ang gusto ko.." nanlaki ang mata ko sa huling sinabi niya. "A-Ah ang ibig kong sabihin.. Yung mga tipo mo ang gusto kong kaibiganin hehe" ngumiti siya, umiwas ako ng tingin.
Ang gwapo niya.
"Kung gusto mo kong maging kaibigan. Huwag kang ngumiti o tumawa kapag kasama mo ako" sabi ko at naglakad paalis, yumuko at lumabas ng school.
Pag uwi ko narinig ko na nman ang mga gamit na nababasag, sa may bandang kusina.
'Inaatake na naman siya' bulong ko sa sarili. Pinuntahan ko siya at naabutan ko siyang naghahagis ng mga gamit
"Ikaw! Anong ginagawa mo dito?! Lumayas ka! Wala kang lugar dito! Alis!!" sigaw niya habang tinutulak ako palayo, palabas ng bahay. Tinulak ko siya at umakyat ng kuwarto at nilock ito. Narinig kong umakyat din siya. Pilit niyang binubuksan ang pinto.
"Hahahahahaah! Layas! Hahaha! Mamatay kaden!" rinig na rinig ko ang bawat tawa niya, at sa oras na ito, alam kong nkangiti siya. Bigla na namang bumibilis ang t***k ng puso ko. Tinakpan ko ang dalawang tenga ko, at pumikit ako.
"Tama na! Umalis kana!" sigaw ko, binalot ko ang sarili ko ng mga kumot. Ayoko ng maingay, ayoko ng may masaya. Habang nkapikit ako, nagbabalik ang mga ala ala noong bata pa ako, ang mga ala alang ayoko ng balikan pa.
'Papa! Bitawan niyo ang papa ko!' sigaw ko sa mga taong nakaitim na nakahawak kay papa. Tuloy tuloy lang ang pagpatak ng luha ko. Ngumisi sila at nagtawanan..
'Phwe! Tumigil kang bata ka kung ayaw mong mamatay ng maaga!' sigaw ng isang lalaki. Kanina nagsasaya kami, naghahanda, nagtatawanan pero bakit ngayon. Ang dapat sanang isang masayang gabi ay naging bangungot para sakin.
'Bitawan niyo ang anak ko, please! Kami nalang ang kunin niyo!' sigaw ni mama habang umiiyak.
'Kung binigyan niyo sana kami ng mas malaking pera, edi sana hindi na humantong pa sa ganito" sabi ng lalaking isang nakahawak sakin.
'Kheira!'
Si ate! Kararating niya lang galing trabaho.
'Ate! Umalis kana!' hinawakan siya ng isa sa mga lalaki, at hinawakan sa braso nang bigla namang lumapit ang isang lalaki at hinawakan ang pisngi niya.
'Bitawan niyo ang ate ko! Ansasama niyo! Wala kayong puso!' ngumiti sila, isang demonyong ngiti.
'Ang ganda pala ng ate mo.' tumawa sila. Lumapit si mama papunta kay ate pero umalingawngaw sa buong bahay ang putok ng baril
'MAMA!!' sigaw ko at pilit na inaalis ang mga brasong nakahawak sakin, nang makaalis ako agad ko siyang pinuntahan
'Mama.. iiwan mo na ba ako?' tanong ko
'H-hindi, hinding hindi ka i-iwan ni mama.. Lagi mo lang t-tandaan na lagi akong n-nandito para sayo..' biglang nawalan ng malay si mama
'MAMA!!!' napahagulgol ako sa iyak
"HINDI!! HINDI TOTOO YON!!" napaiyak ako ng malakas habang tinatakpan ang tenga ko.
Bakit ko pa ba naaalala ang mga iyon..
"Mama.. papa.. ate.. nasan na kayo?" bulong ko at tumulo na nman ang luha ko. Napansin kong wala nang maingay sa labas, wala na si tita.
Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig para mapakalama ang sarili ko, pero para akong tanga dahil tuloy tuloy parin na umaagos ang luha ko, at hindi parin mawala ang panginginig ko.
"Oh! Anong nangyari sayo? Bakit ka nanginginig dyan?" muntik na akong mapatalon sa gulat nang may biglang magsalita sa likod ko. Si tita okay na siya, kumalma na siya. Lumapit siya sakin, pero lumayo ako, hindi ako mapakali.
Lumabas ako ng bahay at tumakbo ng tumakbo, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Napatingin ako sa langit. Ang buwan ang saksi sa mga nangyari noon. Ang liwanag niya ang nagsilbing ilaw, para makita ko ang lahat ng pangyayaring, hindi ko na dapat nasaksihan.
Madilim. Tahimik.
Sa ganitong oras, naganap ang pangyayaring hindi ko akalaing magiging isang bangungot. Biglang nanlambot ang tuhod ko, humagulgol ako at sumigaw. May mga boses akong naririnig, ang mga tawa ng mga taong nka itim. Nakikita ko ang mga ngiti nila, mga demonyo sila hindi sila tao.
Sa malamig na gabi, sa isang kalsada, walang tao. Naliligaw ako, napatingin ako sa likod ko, may anino ng isang tao. Umatras ako, pero bigla akong napatid sa isang bato kaya napaupo ako. Nagkasugat ang tuhod ko.
Sino siya? hndi ako makahinga, parang naghihina ako. Hindi ko alam ang mga sumunod na nangyari, dahil nawalan na akong malay.