5

1457 Words
Nakayuko akong pumunta sa classroom, wala pa ang professor namin kaya nagiingay sila. Sinuot ko ang headset ko at yumuko muna. "Brent, let's go to my house later ha?" sa kabila ng headset ko, naririnig ko ang mga pag uusap nila, lalo na ang pangalan niya.. "Bawal sa bahay ko, pero pwedeng sa Condo niyo." napatingin ako sa gawi nila, pumapatol siya sa ibang babae. Bakit ko ba siya iniisip, ano naman kung sumama siya sa kanila. Bigla siyang tumingin sa gawi ko, nagulat ako at napaiwas sakto naman ang pagdating prof. namin. Tinanggal ko na ang headset na suot ko. "Class may activity tayo ngayon at partners ito, gagawa kayo ng project sa subject ko, medyo matagal at maproseso ang project na to kaya hindi puwedeng individual" nagtanong ang isa kong kaklase "Ma'am! Pwedeng kami ang mamili?" "No! Hindi pwede dahil kalokohan lang naman ang gagawin niyo kaya ako ang pipili" nagreklamo ang iba kong kaklase "Okay Aguilar, Dela Cruz. Rodriguez, Montero.." hindi ko na marinig ang sinasabi ni Mrs. Perez dahil nagsilapitan na ang iba kong kaklase nagrereklamo. "Sit down! All of you! Babawasan ko kayo ng grade!" padabog na nagsiupo ang lahat , pinagpatuloy ni mam ang pagsasabi ng apilyedo ".. Shero, Dalino. And lastly Ventura and Valdez" nabalot ng katahimikan ang lahat Napaangat din ako ng ulo. Ako at si Brent? Ang partner? "Mam! Bakit po si Kheira? Pwede namang ibang girls diyan!" reklamo ng babaeng nasa tabi ni Brent nagsimula nang sumang-ayon ang iba. Sabagay tama sila bakit nga ba kapartner ko ang isang Brent Valdez, hindi kami bagay maging partner. "Okay mam" ani Brent at muli, nabalot ng katahimikan ang buong classroom. Sakto namang tumunog ang bell, masasama ang tingin ng mga kaklase kong babae bago lumabas, napabuntong hinga na lang ako at inayos ang mga gamit ko. Tumayo na ako at akmang lalabas. "Saan ka pupunta? Diba may gagawin pa tayo, partner tayo diba?" "Next week pa yon, aalis nako" yumuko ako at nagsimulang umalis "Pero diba mas maganda kung mas matapos natin ng maaga, at isa pa, tuturuan pa kita ng tips" "A-anung tips?" "Tips para maging masaya.." hinila niya ang kamay ko "ztara!" Natagpuan ko nalang ang sarili kong kasama siya sa isang park. "Bakit sa Park ? Akala ko.." "Dito sa park, kasi diba tuturuan kita kung pano maging masaya?" hinila niya ako at pumunta kami sa may palaruan. Sinubukan namin ang seesaw, tapos swing. "Upo ka" nakatulala lang ako. "Sige na, ako bahala sayo. Alam mo kasi nung bata ako lagi akong sinasama dito ng lolo ko, lagi kaming nag swing" gusto niyang ngumiti, pero di niya magawa dahil kasama ako. Nakikita ko sa mga mata niya ang saya habang nag kukwento. "Close talaga kayo ng lolo mo" tumango siya at umupo nadin ako. "Itutulak ko na ah.. 1...2...3!" tinulak niya ang swing at halos tumalon ang kaluluwa ko nang tinulak niya yon "Kumapit ka lang!" hinigpitan ko ang kapit sa lubid. "Pumikit ka at pakiramdaman mong lumilipad ka" bulong niya at tinulak niya ako ng malakas, sinunod ko ang sinabi niya. Lumunok ako at huminga ng malalim, pumikit ako. Totoo nga ang sinasabi niya, para kang lumilipad na parang isang ibon. "Ngayon naman pag tinulak kita ng malakas, bumitaw ka sa lubid at isipin mo na para kang nasa langit , at lumilipad" tumango ako , at tinulak niya ulit ako ng sobrang lakas. Pero ... "Aray!" dali dali siyang lumapit papunta sakin, at tiningnan kung okay ang sugat ko "Hindi ka kasi nag iingat" hindi ako nagsalita at tumahimik nalang "Sorry ah dapat pala hindi na kita niyayang gawin yon, nahulog ka pa tuloy" umupo kami sa may bench. "Dyan ka muna ah, bibili lang ako ng gamot" tumango ako, pumunta siya ng Pharmacy, kitang kita ko siya mula sa kinauupuan ko. Nang matapos niyang bayaran yung gamot, tumakbo siya papalapit sakin at sinimulang gamutin ang sugat ko.. "Sorry ah, nagkasugat ka tuloy" "Okay lang. Nagenjoy naman ako" napaangat siya ng tingin "Nag enjoy ka?" nagulat din ako. "A-Ang ibig kong sabihin--" nanlaki ang mata ko nang nilagay niya ang index finger niya sa bibig ko "Sshhh, wala nang bawian" nilapit niya ang mukha niya sakin. Bakit ganto? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko.. "Ang cute mo talaga pag nag b-blush" tinulak ko siya at nagsimulang tumayo, pero muntik nakong matumba , buti nalang at nasalo niya ako. Laging napupuruhan ang binti ko. "Hatid na kita, pero kain muna tayo alam kong gutom kana" Dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant, nakakahiya ang suot ko nakauniform ako--kami pala. "Bakit pa kasi dito? Pwede namang sa--" pinutol niya ang sasabihin ko, at hinawakan ang kamay ko "Basta! Mag eenjoy ka dito" umupo na kami sa isang table, umorder na din siya. Ang mahal ng mga pagkain. Walang tao sa paligid. Maya-maya dumating na yung pagkain. "Brent. Bakit andami?" "Basta kumain ka nalang" sanay nako seryoso niyang mukha kapag nagsasalita kaya tumahimik nalang ako at nagsimulang kumain. "Malapit na ang pasko, anong plano mong gawin?" napatigil ako ng pagkain. Pasko? Hindi man kailan naging masaya ang pasko para sakin. Sa araw na yun, para sakin ay isang bangungot.. "Uy" natauhan ako nang tapikin niya ako. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain at nang matapos na ako, tumayo na ako "Aalis nako" tatayo na ako nang hawakan niya yung kamay ko, kaya naman napaupo ako. Umiling iling siya, inalalayan niya akong tumayo. "Salamat." nang makalabas kami ng restaurant ay umuulan ng malakas. "May payong ka ba?" umiling ako "May hotel diyan sa tawid, dun muna tayo magpalipas ng gabi, kung okay lang sayo?" napaangat ako sa sinabi niya "H-hotel?" bigla niyang tinakpan ang bibig niya at tumalikod, alam kong tumatawa siya sa sitwasyon nato "Wait, hindi ako tumatawa ah! Yung reaction kasi ng mukha mo.." halatang nagpipigil siya ng tawa, dahil tumtingin siya sa taas minsan naman sa baba "May nakakatawa ba?" sumeryoso ang mukha niya sa sinabi ko.. "Ikaw naman kasi, kung anu-ano iniisip mo diyan, matutulog lang tayo don." sinilong niya ang kamay niya sa ulo ko at tumawid. Nag check in na siya at pumunta kami sa isang room. "B-bakit isa lang ang kama?" tanong ko nang makapasok kami sa kuwarto "Wala na silang available na dalawang kama, marami daw kasing nag check in" tiningnan ko ang kama, medyo malaki pero ayokong matulog na katabi ang lalaking to. "Cute mo." nilingon ko siya, tumatawa siguro siya "Bakit ba ganyan ang itsura mo? Huwag kang magalala.." lumapit siya sakin at bumulong sa tenga ko "Hindi naman ako r****t, pero kung iniisip mo talga yun pwede naman nating--aww!" tinulak ko siya ng malakas. "Hindi magandang biro yan! Umayos ka nga!" pakiramdam ko umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ko. "Jinojoke ka lang, napaka seryoso." umiling-iling siya at pumunta sa may cabinet. "Ano to?" may hinagis siyang damit pambabae. T-shirt at mahabang shorts. "Damit." sinamaan ko siyang tingin "Yan muna suotin mo, maligo ka baka kasi magkasakit ka" "Panong ng mga damit diyan sa cabinet? Kasama ba yan sa binayaran mo?" "Sa lolo ko kasi tong Hotel.." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya "..itong room, akin to. Yang damit, sa pinsan ko kapag dito siya natutulog at naglalayas sa kanila." Natulala lang ako sa paliwanag niya. Binuksan niya ang t.v, cartoons ang pinapanuod niya. Pumasok na ako sa banyo at naligo. Nakakabigla naman, hindi pala siya basta basta, mayaman ang pamilya niya. Pero bakit hindi niya sinabi sa akin agad. Nang matapos na ako maligo ay dumiretso ako sa kama, naabutan ko siyang nanonood ng boxing "Oh? Tapos kana?" tumango ako, sinenyasan niya akong matulog na, pero paano ako makakatulog kung may lalaki sa tabi ko. Humiga narin ako at sinubukan kong matulog pero, muka yatang hindi talaga ako makakatulog. "Di ka makatulog? Nood ka muna" Manood? Kaya ko bang manuod? Kahit yata ang anong palabas may taong ngumingiti. "Bilis, boxing to, bihira lang ang ngingiti." tutal hindi naman ako makatulog. Umupo ako at tumabi sa kanya. Totoo nga ang sinabi niya , wala ng ngumingiti, seryoso pero masyadong brutal. "Hindi dapat ganun ang pagsapak niya, sa panga niya sana pinuruhan." Kanina pa siya sigaw ng sigaw, parang maririnig siya ng t.v. "Matutulog na ako." sabi ko at nagtalukbong ng kumot. Biglang nawala yung ingay ng tv. "Di ka matutulog." napabalikwas ako ng bangon dahil sa bulong niyang yun. Ano ba naman tong lalaking to. "Aw!" natamaan ko siya sa mukha "Ikaw naman kasi, bat ka biglang nangbubulong. Kinikilabutan ako sayo." sabi ko "Ang weird mo talaga" "Oo weird ako, kaya wag mo kong binibiro ng ganon" tumayo ako "Sa sofa ako matutulog" aalis na sana ako sa kama nang bigla niyang hawakan ang braso ko "Sorry na. Usap muna tayo" tiningnan ko lang siya "Please" umupo ulit ako, dahil baka mangulit lang siya. "Kheira, bakit ka takot sa mga taong masaya?" napaiwas ako ng tingin sa tanong niya "..Okay lang kahit hindi mo muna sagutin--" "Dahil sa nangyari sakin 15 years ago" "15 years ago?" tumango ako at kinuwento ko sa kanya lahat, sana lang mapagkakatiwalaan siya.. Sa gabing yon nakatulog ako ng mahimbing, dala narin siguro ng pagod at dahil sa pag iyak ko noong kinuwento ko ang nakaraan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD