CHAPTER 5

3259 Words
“Then, don’t make mistakes,” mabilis n’yang sagot sa ‘kin. I just sighed and continued eating. Sa kabilang banda, naninibago ako sa environment na kinagagalawan ko ngayon. Of course nasanay ako sa malaki naming bahay. May mga katulong na umaagapay sa ‘kin. Most importantly, my parents are there. I will miss the ambiance, warm energy, and the scent of my room. “The pancakes taste delicious. Thanks for cooking for me, Finn,” pagpapasalamat ko na’ng binaba at pinakulob ko na ang kutsara sa gilid ng bubog na plato. I am already full. Apat na pancake lang ang nakain ko kahit ang dami pang natira. “If it tastes delicious, bakit hindi mo naubos?” Tinutok ko ang aking paningin kay Pating. “I am on a diet. Kung sinisipag kang kumain, you can eat my leftover food. What do you think?” “Nope. I am not a fan of pancakes.” Tumayo ako sa pagkakaupo. “Finn,” tawag ko sa kan’ya. “Yes?” “Since alas deis pa ng umaga ang duty natin sa black mansion, can you tour me around the village?” magalang na tanong ko sa kan’ya. “Of course, Venom. I will take a shower first.” Tumayo rin s’ya. “No. Ako muna ang mauuna.” Akma s’yang aalis sa kan’yang puwesto pero napa-hinto naman kaagad. Sa akin napunta ang kanilang buong atens’yon. “Okay, no problem,” mabilis na tugon ni Finn. I starting to like this guy. He’s not that hard to deal with. Ang bilis n’ya kausap. “Thank you so much.” Bahagya kong niyuko ang lower body ko bago humakbang paalis ng kusina. “You are spoiling him, Finn. Mas’yado ka naman yatang mapagbigay. Ikaw ang laging nauuna sa bathroom pero hinayaan mong si Venom ang unang gagamit,” rinig kong saad ni Lucian na’ng maka-labas na ako. “I have told you, ibinilin s’ya sa akin ni Sir Verno. Galing sa mayamang angkan ang pamilya ni Venom. Try to understand him. And besides, Sir Verno paid us to shut our mouth tungkol sa binili n’yang mamahaling gamit para kay Venom.” So, binayaran pa sila ni Tito. Mukhang ang dami ko yatang hindi nalalaman. Pero, si Tito ang nakakaalam kung ano ang mas nakakabuti sa ‘kin. Hinanda ko na ang aking mga gamit bago pumasok sa bathroom. Not bad. Malinis ang bathroom nila. May dalawang bathtub, isang shower at isa ring inidoro. Hindi na ako nag-babad sa bathtub dahil kakain pa ng mahabang oras bago ako aalis sa tubig. I took a shower and dress myself again. “Venom?” Sa kalagitnaan ng aking pagbibihis, narinig ko ang boses ni Finn sa labas ng pintuan nitong bathroom. “I’ll be waiting outside.” “Okay.” Finishing touches na lang ang kulang. Isinilid ko na ang aking medieval sword sa loob ng scabbard ko. I was wearing a black suit again and combat shoes. Ito ang signature uniform naming lahat. Chineck ko muna ang sarili kong reflection sa salamin bago lumabas sa bathroom. “Bakit ang tagal mo naman yatang maligo?” Hindi ako nagpahalatang nagulat sa presens’ya ni Lucian. Nakita ko s’yang naka-sandal sa pader ng right corridor habang naka cross arms. “It’s none of your business,” Ginalaw ko na ang mga binti ko para mapagpasan s’ya. “You looked like an innocent guy at first glance but I know, you are a f*****g perv too. Did you masturbate? It’s been thirty minutes bago ka lumabas. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit natatagalan tayong mga lalake sa banyo.” It gives me creeps in my spine. Tumigil ako sa aking paglalakad at nilingon si Lucian. “Wala ka bang masasabing matino?” matigas kong usal. He chuckled. Umalis s’ya sa pagkakasandal sa pader at hinarap ako. “I just wanted to tell you, kapag napagod kang mag-sarili… there are a bunch of women at gate 5. They are paid prostitutes to satisfy our lust.” Ngumisi s’ya sa ‘kin. Kapag nasa babaeng katauhan lang ako, kanina ko pa binayag ang isang ‘to. Walang ka-kwenta-kwenta ang mga lumalabas sa bibig n’ya. Hiningahan ko s’ya ng marahas at tinalikuran na s’ya. “Sa dalawang taon na paninilbihan sa black puma organization, hindi ko pa naranasang kumuha ng babae roon. Should we try?” Hindi ko na s’ya pinansin. Tinuloy-tuloy ko na ang lakad ko. Walang hinto-hinto hanggang sa tuluyan na akong naka-labas sa hideout. May nakita akong itim na kotche. Naka-park iyon sa labas ng madamong bakuran. Nasilayan ko si Finn na naka-upo sa driver seat. Pumasok na ako sa loob ng kotche at umupo sa front seat. “And here’s your machine gun.” Biglang inabot sa ‘kin ni Finn ang isang baril. “That’s yours from now on. I will give you the ammo later. The bullets, bullet belts, and empty magazines.” Hindi ko muna s’ya sinagot. Isinabit ko na ang gun sling shoulder strap sa kaliwa kong balikat. It’s kind of heavy. Parang apat yata na kilo. Thank goodness I have strong shoulders. Malaking impact sa ‘kin ang training ko na magbuhat ng mabibigat na bagay. But still, iba pa rin talaga ang physique ng isang lalake. I must not expose my skin. Makikita nila na maliit ang muscles ko sa mga braso kumpara sa kanila na parang namimilipit na ang mga maskulo sa sobrang tigas at laki. I can expose my abs but not my arms. “Where are we heading to?” tanong ko kay Finn. “Gate 5 interior.” Bumiyahe na kami paalis sa mga hideouts. Nasa black rough tiles na kami. Pumapagitna ang kalsada sa hideouts. Nasa magkabilang gilid ng daan. Nadadaaan din namin ang mga soldiers na nagliliwaliw sa labas ng kanilang mga lungga. Every hideout, may mga naglalakihang puno na nagsisilbing harang sa ibang hideouts. The sun couldn’t share its sunlight here. Tagong-tago dahil sa malalagong dahon ng mga puno. Ilang minuto lang, nakarating na kami sa main road. Open space. Ito ‘yong dinaanan namin ni Tito kagabi. Mas malawak na kalsada na konektado sa bawat likuan. Mahaba-haba pa ang bihaye namin ni Finn. Mahigit kalahating oras ang hinintay ko bago namin narating ang gate 5. Of course, this area is also hidden by the tallest trees. Marami akong mga building na nakikita. I am enjoying the fresh air and the cool climate. “Can you see that black building?” Huminto ang kotche. Tinanaw ko ang tinuturo ni Finn. Tumagos ang aking paningin sa wind shield. Nakita ko sa ‘di kalayuan ang isang napakalawak na rectangular-shaped building. Limang palapag iyon. May mga nakabantay na mga armed soldiers sa paligid, especially sa entrance. “What is that building called?” “Bullet and gun factory. Black Puma Organization’s specialty is making destructive weapons like guns and bombs. Boss Kruger Demorgon is the owner of the Firearm company. Matatagpuan ang malaking company building na iyon sa labas ng gates. Located in the City. Pero, ang nagsimula at naging ugat ng organisasyon ay ang Godfather. His name is Dario Dermorgon. Boss Kruger became a Mafia Boss at the young age of 19. Hindi rin magtatagal, ipapasa n’ya na ang trono sa anak n’yang si Darius Demorgon. The Mafia Heir.” Narinig ko na rin ‘yan kay Tito Gideo. Ang organisasyon na ito ang isa sa pinakamalaking supplier ng mga legal at illegal na mga baril sa iba’t-ibang bansa. “Totoo ba ang sinabi sa akin ni Sir Gideo… noong nagdaang mga dekada, may mas illegal pa silang sinasagawa rito like… they were selling human internal organs in the black market at nagbebenta rin ng mga babae para gawing prostitutes,” seryosong saad ko habang tinititigan lang ang factory. “Yes, it’s true subalit noong nakapag-asawa na ang boss, may tinanggal na ilegal na aktibidad. They are not selling internal organs and prostitutes anymore. Hindi na nila binebenta ang mga babae sa mga milyonaryo at bilyonaryo. Instead, they are just hiring legal-aged girls para maging parausan ng mga soldiers, associates, and high-ranked officials. Minors are not allowed, of course. Kahit noon pa.” “Binabayaran sila, ‘di ba?” “Yes, and they are treated equally. Violence is not tolerated here. Even though they are prostitutes, it doesn’t mean… you would just abuse them. Patay ka sa Boss.” Mahigpit ang batas nila rito kaya doble ingat talaga ako para hindi pumalpak. “Let’s move on to the Aircraft parking stadium. That place is where the fighter jets, private jets, and helicopters were located.” Bimiyahe na ulit kami palayo sa lugar na iyon. This village is so wide that I couldn’t travel around here in just one day. Mukhang aabutin ka ng ilang araw bago mo mapuntahan ang lahat ng mga factory, buildings, and other establishments. Mas malawak pa yata ‘tong gate 5 compared sa apat na gates. “Is that a landing field?” Sa mahaba-habang oras ng biyahe, nadaanan namin ang isang open space ulit sa left side ng main road. Circular-shaped ang rough tiles at may natanaw akong isang black helicopter doon. Ready to take off at may natanaw pa akong apat na taong naka-tayo sa helicopter banda na tila may pinaguusapan. Pinapaligiran sila ng mga soldiers. “One of the landing fields here. Should we go there?” “Yes, please.” Lumiko ang sinasakyan naming kotche. Tumigil lang ‘yon sa labas—malayo sa landing surface. “What a nice coincidence. Narito pala ang Boss at ang kan’yang pamilya.” Kumunot ang noo ko. Pinaigting ko agad ang aking matalas na mga mata para pagmasdan ang mga taong nasa gitna ng landing surface. “Where?” “Si Boss Kruger ang matangkad na ginoong naka-side view. He was wearing a black suit like us and… eyeglasses.” Tinuro ni Finn ang kan’yang tinutukoy at nakita ko naman kaagad. S’ya pala si Kruger Demorgon. Napa-lunok ako. While staring at him, his figure has exuding authority that can command the entire field. Malaki ang kan’yang katawan. Tinitingala s’ya ng kan’yang mga tauhan. "He was a ruthless mafia boss. Malaki na ang pinagbago ni Boss Kruger. Iyan ang sabi ng mga biteranong mandirigma. Ngunit ang anak n’ya naman ang sumunod sa kan’yang yapak. He looks murderous but… he’s safer now,” paliwanag sa ‘kin ni Finn. “Sino ang mga babaeng naka-tayo sa kan’yang harapan?” paninigurado ko kung tama ang hinala kong asawa at anak n’ya nga ang mga ‘yon. “The elegant woman at the right is his wife named, Anghelina while at the left is his beloved beautiful daughter named Anghelisha. Their genes are majestic, what do you think?” Finn let out a chuckle. “It’s a crime to not share their beauty in the world. And a little trivia, sikat na sikat ang asawa ni Boss Kruger noong araw and now… sikat din ang kan’yang anak na babae sa lahat ng mga kalalakihan ngayon. She is the woman in our dreams.” Tama s’ya, kahit may kalayuan sila mula sa aming kinaroroonan… I can see that they were surrounded by bright light. Their gracefulness can’t be compared to anyone else. “What about their son?” kaswal kong tanong. Narinig kong natawa ulit si Finn sa ‘kin. “Why are you asking?” Saglit ko s’yang binalingan ng tingin dito sa kaliwa ko. “I have never seen him in the flesh before,” pormal kong tugon. “Why, is it a weird question?” Kumibit balikat s’ya. “Not really but I could say that… The Mafia Heir... Darius is an effortlessly handsome man. Iyan ang isa sa mga komplimentong naririnig ko mula sa kababaihan. He is twenty three years old.” Oh. Same age. “For me… he has the perfect look and soft charisma to melt the heart of a lady. I couldn’t deny that he is handsome. Boss Darius was known for his cruelty and strictness—pag dating sa ‘ting kalalakihan. Kabaliktaran naman sa harapan ng mga kababaihan. He is kind and gentle to them. Marahil… kaya magkaiba ang kan’yang pakikitungo, iyon ay dahil… he has a twin sister. Since unang araw mo sa trabaho, dapat alerto ka lagi sa mga utos. Hindi naman namamarusa si Boss Darius sa maliit na mga pagkakamali pero dapat… you must respect your work. Don’t do unnecessary things. Kagaya na lang sa nangyari kay Shark. Nalatigo s’ya dahil naninigarilyo sa oras ng trabaho.” I am not stupid like him. So, mabait lang pala ang Darius na ‘yon sa mga babae? Gan’yan din ang mga ex ko noon. Akala mo kung sinong mga santo pero ang bilis-bilis lang akitin ng mga maligno. Boys are boys. Na-a-attract pa rin ako sa mga lalake pero wala na talaga akong planong mag-open ng commitment. Hell nah. Kaya nga ako pumasok sa ganitong trabaho para hindi na mag-asawa. Aalis naman ako rito kung limpak-limpak na ang pera ko at papainggitin ang toxic family ni papa. Just kidding. I am not like that. “At sino naman ang nasa tabi ni Boss Kruger?” “That man is our underboss named Brown Spades. He has also a son, Ross Spades— one of our capos here.” Tumango-tango ako. S’ya pala ang pangatlo sa mafia ranking. Tumagal pa kami ni Finn sa lugar na iyon hanggang sa sumapit na ang oras para bumiyahe papuntang black mansion. The mansion is like a castle for me. It’s so wide and steep. Pagkapasok namin sa ground floor, umagaw sa aking atens’yon ang naglalakihang mga picture frame na naka-dikit sa pader. Sa ilalim no’n ang dalawang elevator at pumapagitna sa dalawang naglalakihang hagdan. Sa itaas ng pader na ‘yon, makikita ang picture ng Demorgon’s family. Habang tinatahak ang black tiles, naka-tingala at naka-titig ako roon. Mas kapansin-pansin ang rectangular na picture frame. Nakita ko sa litrato si Tito Gideo. If I am not mistaken, he was thirty-plus years old base sa mukha n’ya sa picture. Naka-upo si Boss Kruger sa Cleopatra sofa kasama ang kan’yang magandang asawa at karga-karga nila ang kambal nilang anak. Mga sanggol pa lang sila. Sa panahong ‘yon, I was a baby too. Kakapanganak ko lang din. Ka-edad ko lang ang twins. Ang ibang frames, self-portrait na ni Boss Kruger, his wife at isa pang matanda na hula ko ay iyon ang tatay n’ya. The Godfather. Pumasok na kami sa elevator 1. Finn pressed the floor 7 button. Umakyat na ang elevator. A few seconds later, dinala kami sa isang hallway kung saan may isang kuwarto at dalawang corridor. May mga soldiers na’ng naka-duty sa hallway na ‘to at marami-rami sila. “Nauna pa pala silang dalawa sa ‘tin.” Napa-titig ako kung saan naka-tingin si Finn. Sa first corridor iyon. Naka-tayo na sa magkabilang gilid ng entrance sina Shark at Lucius. They were wearing their black suit uniforms at naka-sabit na rin ang machine guns sa kanilang mga balikat. Hindi sila gumagalaw. Ang titino na nila tignan ngayon. “Ihahatid na kita sa silid ni Boss Darius.” Sinangayunan ko s’ya. Palapit na kami sa entrance ng corridor kung saan naka-tayo sina Shark at Lucius. Even though they are not moving, sinusundan naman nila kami ng tingin. Kahit hindi ko sila diretsong tinititigan, I could sense that they were smirking. Pinasok na namin ni Finn ang corridor. Sa dulo no’n, may itim at matarik na pinto. Sabay kaming tumigil ni Finn sa harapan ng pintuan. He pushed the green button at the center part of the door. “I am with the guard who will assist you today, Boss Darius.” Iyon ang sinabi n’ya. Ilang sandali lang, automatic na bumukas ang pintuan. “Magandang umaga, Sir. Nasa loob po ng bathroom si Boss Darius. I am a cleaning lady.” Bumungad sa ‘kin ang isang maid in uniform. “Pasok po kayo, kakatapos ko lang mag-linis.” “You may get inside now,” sabi sa ‘kin ni Finn. Humakbang naman ako papasok sa loob ng kuwarto at sumara ang pituan. I inhaled. Iginala ko ang aking paningin. I smelled the faint smoke of cigars and the manly strong fragrance. Hindi ko alam kung galing iyon sa perfume or incense. Ang una kong nasilayan ang kumikinang na Cleopatra sofas sa paanan ng kama. May center table. Naka-lapag doon ang mga librong maayos na nakapatong at flower vase with white tulips. Built-in ang king-sized bed. The black pillows, white mattress, and black blanket were properly arranged. The golden tile floor is shining and I can almost see my reflection. The chandelier is giving me radiance. The room glimmers with light. It’s clear that the maids have been taking care of this furniture meticulously. “I need assistance.” Natigilan ko na’ng marinig ang boses na iyon. The commanding tone echoed in my ears. Nangagaling iyon sa kaliwang pader ng malawak na kuwartong ito. Bahagyang naka-bukas ang pintuan doon. “My work has started.” Lumakad ako palapit sa pintuan. Kinapitan ko ang door knob at bahagyang hinila. Hahakbang na sana ako papasok sa loob pero kusang tumigil ang mga paa ko. I saw a man standing in front of a wide built-in circle-shaped bathtub. Naka-talikod s’ya sa akin. Walang saplot pangitaas. Tanging black trousers lang ang natirang takip sa lower body n'ya. Nakita ko pa ng libre ang kan'yang back muscles. He is like a statue of ice with no blood flowing through him. Mukhang tama nga ang sinabi ni Finn na hindi pa gumagaling ang kan’yang sugat sa upper left arm n’ya. May elastic brown bandage na naka-gapos doon. “May I help you, Boss?” Kagalang-galang ang tono ng aking boses. Inabangan ko ang kan’yang pag-lingon as he started to move his head. And… our eyes met. I almost stopped breathing when I saw his face and those deep black iris fixate on me… I feel like all of the deepest secrets of my heart are being dug up. I bit my lower lip. Nadama kong pumitik-pitik ang puso ko. Well… he is the son of a Mafia Boss. His beast-like features were extremely sexy. The indifference in his eyes was so cool. He is indeed good-looking and he exceeds my expectations. Man, this guy is so freaking hot but what a waste. Kung ganito lang sana ang pagmumukha ng mga ex ko, worth it makipagbalikan. Just kidding again. “What the hell are you waiting for? Come here.” Bumalik na ako sa katinuan. His authority is through the roof. Lalong pumapasok ng buong-buo ang maawtoridad n’yang boses sa mga tainga ko. Ume-echo kahit ang pag-hinga n’ya sa buong bathroom. “Yes, Boss.” I cleared my throat. Bahagya kong niyuko ang ulo ko. It seems like he is a noble and I have to bow my head like a mere commoner. Mukhang kaugali n’ya ang iilang lalakeng nakilala ko sa nakaraan except sa mga ex ko. Tumigil ako sa kan’yang harapan. “Ano ang ipaglilingkod ko, Boss?” And now, I have to treat him like a prince. “Undress me.” Kumunot ang noo ko habang nakikipagtitigan ako sa kumikinang na sahig. “Pardon?” mabilis kong tugon. “Are you new here?” naiiritang tanong n’ya. “Well, yes Boss.” “I have a wound. I can’t move my arm properly.” Napa-lunok ako. Sana mali ‘tong pumapasok sa isip ko. “Hubarin mo ang aking pantalon. Including my underwear.” At doon na ako namutla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD