“YOU INSOLENT LITTLE BRAT!” Nanggagalaiting sigaw sa ‘kin ni Tita Gillan na tila lalabas na s’ya sa kan’yang balat.
“LUMAYAS KAYO RITO! THIS INSTANT!” Iyon naman ang bulyaw sa ‘min ni Tito Gaven as if are we an insect. Parang ganoon ang pag-tingin nila. Kalmado kong dinampot ang white table napkin sa ibabaw ng dining table. Marahan kong dinampi-dampi iyon sa aking bibig at nilapag pabalik sa mesa.
“Let’s go, ‘ma, ‘pa.” Tumayo ako sa pagkakaupo. Nauna akong umalis sa puwesto kong iyon at nahihikab na nag-lakad patungong pintuan. I should have slept early. Kung natulog lang ako ng maaga, may silbi pa ang oras na sinayang ko rito.
“We will take our leave now. Thanks for the meal,” rinig kong magalang na usal ni Papa at sinegundahan naman ng pagpapasalamat galing kay Mama. Hinabol nila ako. Sabay kaming humakbang palabas ng dining room.
“HUWAG NA HUWAG KAYONG BABALIK DITO!” Hindi pa rin nag-paawat si Tita Gillian. Saglit kong hininto ang aking pag-hakbang. Nilingon ko sila at binigyan ng kalmadong tingin.
“Sino ang nag-sabi sa ‘yong babalik kami rito? We don’t want to attend here in the first place. Kayo ang nag-imbita sa ‘min,” sagot ko kay Tita.
“Kayo ang ‘wag mag-pakita sa ‘kin.” I put an evil smile on my lips. “It makes me puke.” Iyan ang huli kong binanggit bago ko pinagpatuloy ang pag-hakbang paalis sa lugar na ‘yon.
Naririnig ko pang sinisigawan nila ako pero hindi ko na sila pinansin. My business is over here.
Kapag hindi pa ako umalis, puputok lang ang mga ugat nila sa ‘kin at ako pa sisisihin ‘pag namatay sila.
“Sakura, I am sorry.” Nasa loob na kami ng kotche. Pumapagitna ulit ako kina mama at papa. Nasa back seat kaming lahat naka-upo.
“Nothing to apologize, ‘pa. Bakit kayo nagsosorry sa ‘kin kung wala naman kayong ginawang kasalanan?” marahang usal ko.
“Because I convinced you to come over there for family dinner and it didn’t end well. Umalis ulit tayong galit silang lahat sa ‘tin.” My father chuckled. “By the way, you are so fierce. Na-triggered sila sa ‘yo, sweetie.” Natawa ako sa sinabi ni papa.
“Akala ko nga, papagalitan n’yo ako ngayon,” Bialingan ko s’ya ng tingin dito sa tabi ko.
“I won’t do that. Hindi ko na gagawin ‘yon kung may katotohanan naman ang lahat ng sinabi mo.” He patted my head. Napa-ngiti ako.
Napansin ko noon pa na hindi na ako sinasaway ng papa ko kapag sumasagot-sagot na ako sa tita, tito, lolo at lola ko. When I was a high school student, kapag talaga nakipagsabayan ako sa kabastusan ng family n’ya, nagagalit s’ya sa ‘kin at sermon talaga ang aabutin ko. Pero noong tumungtong na ako ng college, paunti-unti… hinahayaan na ako ng papa ko.
“Your papa is right, ‘nak. Sometimes we have to defend ourselves naman. Pero ikaw ‘yong laging nagtatanggol sa ‘min ng papa mo.” Naramdaman kong umangkla si Mama sa kaliwang braso ko. I giggled.
“Sana nakita n’yo ang pagmumukha nila kanina…” natatawang usal ko. Sinabayan naman nina mama at papa ang pag-tawa ko.
“Of course! Pinagpawisan pa nga sila sa ‘yo, ‘nak!” sigaw ng mama ko.
“Si Gillian, parang matatae na sa galit.” Humalaklak naman ang papa ko. Nagtawanan lang kami habang nasa biyahe.
After twenty minutes, nakarating na kami sa bahay namin. Sa iisang village lang ang mansion kung saan kami nanggaling kanina at ang bahay kung saan kami nakatira ngayon. Dati, walang trabaho ang papa ko at wala pa s’yang asawa. Namamalagi pa s’ya sa puder ng lolo at lola ko.
Doon s’ya nagtiis hanggang nag-bente anyos s’ya. Noong may stable job na si tito Gideo sa Black puma organization, pinaraal n’ya si papa sa college.
Nu’ng naka-graduate na ang papa ko, mag-a-apply sana s’ya ng trabaho abroad pero pinigilan s’ya ni tito Gideo.
Siguro, gusto n’ya lang matakasan ang pamilya n’ya dahil nga nakakasuka ang mga ugali. At dahil nahihiyang tumanggi ang papa ko kay Tito, pumayag na lang s’ya at itong dakilang Tiyuhin ko naman, biruin mo?
Binilhan n’ya ng mansion ang papa ko tapos separate pa ‘yong milyones na perang pangnegosyo?
Kaya ang laki-laki ng utang na loob namin sa kan’ya pero alam kong hindi na kailangan ni Tito ng kapalit. Sadyang mahal n’ya ang papa ko. Kaya ngayon, kami ang nagmamay-ari ng halos 60 branches ng convenience stores sa buong bansa at lalago pa ‘yan.
Hindi hinahayaang mapunta sa wala ang grasya na binigay sa ‘min at kung magmimintis kami, pagtatawan kami ng pamilya ng papa ko.
Iyon lang naman ang hinihintay nila. ‘Yong madadapa kami. Halatang-halata na may favoritism si Tito Gideo kaya umusok ang mga ilong ng pamilya n’ya dahil sobrang laking naitulong ni Tito sa ‘min pero wala silang magagawa dahil hindi naman nila pera ‘yon.
Until now, may sustento pa rin na binibigay si tito Gideo sa mga kapatid at mga magulang n’ya. Mas malaki nga lang kay papa.
Masasabi kong napakabait ang tito kong ‘yon. Magkasing bait sila ng papa ko pero kapag nagalit ‘yon, sobra-sobra rin.
Si Tito Gideo ang mas kinatatakutan sa kanilang limang magkakapatid. Kahit ang panganay nila na si Tito Gideore, taob ‘yon as favorite tito ko. Kahit walang asawa at anak si Tito Gideo, kami naman ang tinuturing n’yang pamilya at parang anak n’ya rin ako.
I have this tingling sensation in my brain… kaya ako pinipigilan nilang maging soldier dahil natatakot silang masapawan. Kung hindi ko kayang maging cumlaude, hindi rin kaya ng mga pinsan ko na maabot ang level kong ‘to.
Baka in the future, mas mataas pa ang sahod ko kaysa sa kanila it’s because non-government organization ‘yong papasukan ko at tinaguriang isa sa mayayaman ang Demorgon’s family simula noong araw pa.
“Welcome back.” Sinalubong kami ng aming butler na’ng maka-pasok na kami sa ground floor. Binati namin s’ya pabalik. Dumiresto na ako sa third floor at pumasok sa kuwarto ko. I took a bath and then, nagbihis na ako ng pantulog ko.
“One… two… three… four…”
Binibilang ko ang mga maleta kong dadalhin bukas. Naka-lapag ang mga iyon sa mahabang Cleopatra sofa. Nakapaloob doon ang mga importante kong mga gamit. Men’s garments, personal things ko bilang isang babae, mga kakailanganin para sa disguise ko, at mga gamit pangdigma as well as katanas and isang medieval sword.
Si Tito Gideo ang magsusundo sa ‘kin. Depende kung anong oras dahil med’yo hectic ang schedule n’ya tomorrow.
“Anak? Are you still up?” Habang chini-check ang mga bagahe ko para bukas, narinig ko ang boses ni Mama sa labas ng pintuan at sinundan ng tatlong magkasunod na mga katok.
“Yes, ma. Wait a sec.” Mabilis akong humakbang patungo sa pintuan ng kuwarto ko. Kinapitan ko ang door knob at binuksan. “May I spend my night here with you, sweetie?” naka-ngiting usal ng mama ko. Naka-night dress na s’ya at ready na matulog.
“Of course, ma. Come in…”
Humakbang ako patagilid para mabigyan s’ya ng daan. Nag-lakad papasok si mama sa loob at doon ko sinarado ang pintuan. Na’ng humarap ako, kakaupo lang ni mama sa left side ng king-sized bed ko.
“Come here, sweetie. I will brush your hair…” Inangat n’ya ang kaliwang kamay. May kapit pala s’yang isang hair brush. I smiled and walked towards her. Umupo ako sa harapan ni mama at tumalikod.
“I won’t be able to brush this beautiful thin hair of yours again. I will miss this, sweetie, and of course, ikaw mismo ang ma-mi-miss namin ng papa mo.” Sinimulan na’ng suklayin ng mama ko ang mahaba kong buhok.
Hanggang puwetan ko ‘yan. Buti na lang, manipis at hindi ako nahihirapan na lagyan ng hair net para sa wig ko. About sa sinabi ni mama, nakasanayan n’ya kasing s’ya ang laging nagsusuklay ng buhok ko. Mula noong bata ako and until now. She loves my hair.
Sa kan’ya ko minana ang quality ng buhok n’ya at ang kulay naman, kay papa. Kasing itim ng uling ang buhok ko while my mom’s hair, med’yo brownish. “Bibisitahin ko naman kayo rito ‘ma so don’t worry.”
“Pero hindi araw-araw, sweetie. We had to endure it. Bukas ka lang mawawalay ng matagal sa ‘min ng papa mo kaya magiingat ka talaga ro’n. You will be surrounded by thousands or hundreds of devious men. Ingatan mo ng mabuti ng identity mo dahil babae ka,” seryosong saad ng mama ko.
“Opo, ‘ma. I will po.”
“Kumain ka rin ng maayos. Never skip your meal dahil hindi ka namin ginugutom dito.” Narinig ko mula kay Tito Gideo na maayos ang ration ng mga tauhan nila roon kaya makakakain pa rin ako ng disenteng pagkain.
“We know you can defend yourself pero huwag mong kalimutan na kailangan mong mag-doble ingat especially kapag gagamit na kayo ng baril.” I mastered handling all of the guns. Sabi ni tito, hindi ko na kailangan mag-training at sabak na agad sa soldier duties.
“Sweetie? Honey? Can I get inside?” Sa kalagitnaan ng paguusap namin ni mama, boses naman ni papa ang narinig ko sa labas ng pinto.
“Bukas po ‘yan, ‘pa. Pasok lang po kayo.” He opened the door. I almost chuckle. Nasilayan ko kasing may dala-dalang unan ang papa ko. Sinara n’ya muna ang pintuan at hinarap kami ni mama. Napapakamot pa s’ya sa ulo.
“Puwede ba akong matulog dito ‘nak?” Natawa kami ni mama.
“Oo naman ‘pa. Tara na, tulog na tayo.” Humiga na kami sa malawak kong kama.
They were hugging me like a baby. Naiintindihan ko sila kung bakit binibaby nila ako. Nagiisang anak lang kasi ako at mahirap para sa kanila ang desisyon ko.
My greatest treasure is my family. My mom, dad, and Tito. Napaka-swerte ko sa kanila dahil kahit komplikado ang pangarap ko, sinuportahan pa rin nila ako and I won’t let them down.
“Anak? Baby… gising na. May bisita ka sa living room.” Nagising ako sa malambing na boses ng mama ko. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Blurry pa pero nakita ko ang presens’ya ni mama sa kaliwang gilid ng kama.
“Who… mom?” namamaos kong tanong.
“Si Mister Legis. Bumangon ka na riyan dahil naghihintay s’ya sa ‘yo.” Sinunod ko ang sinabi ni Mama. Nagmumog lang ako sa loob ng bathroom. Bumaba ako sa second floor kahit walang suklay-suklay.
“Good morning, Sir,” magalang na bati ko pagkapasok ko sa loob ng living room. Naabutan kong nagkakape si Sir. Art professor ko nga pala s’ya simula third year hanggang fourth year.
“Magandang umaga, Miss Sakura. Please join me.” Umupo ako sa kaharap n’yang sofa. Nahihikab pa ako kahit nasa harapan ko si Sir.
Close ko naman kasi ‘to kaya okay lang na hindi ko s’ya pakitaan ng formality. Noon, s’ya ang kinatatakutan naming lahat.
Sir Legis is the most strict professor in all subjects. Except sa pagiging strict, he was known for his good looks. He is an intimidating man. He has this scary face all the time. Takot kaming lahat sa kan’ya. ‘Yong tipong tititigan ka lang n’ya, uurong na agad ang dila mo.
Pero mali pala ako ng pagkakakilala sa kan’ya. Nalaman kong magkakilala pala ng Daddy n’ya at ang papa ko. Friends pala sila. Noong pumunta kami sa party, mansion pala nila iyon at doon ko nakita si Sir. Simula no’n, hindi n’ya na ako sinusupladuhan at patagal na’ng patagal, nagiging malapit na ako sa kan’ya dahil mabait pala si Sir.
Binigyan n’ya ako ng matataas na grades kaya nasasabi kong mabait. Halos dos ang grades ko sa lahat ng subject pero sa kan’ya lang yata ako nag-uno. Hindi ako nagpasipsip.
Si Sir Legis talaga ang nag-alay sa ‘kin ng ganoon kataas na grade kahit hindi naman ako active student. Kahit mas’yado rin s’yang halata na ako ang favorite student n’ya, binibigyan n’ya pa rin ako ng uno every semester. Matik na, kinakainggitan ako ng lahat.
“Why you didn’t tell me na ngayong araw ang iyong pag-alis? If your mother didn’t call me, I had no idea that you are leaving,” pormal na saad ni Sir Legis.
“Sorry, Sir. Nakalimutan ko pero babalik-balik naman ako rito 'pag day off ko.” I heard him let out a deep sigh. Nilapag n’ya ang kapit-kapit na tasa sa hawak n’ya ring saucer.
“I couldn’t believe you are still into that dream of yours. Hindi pa huli ang lahat para mag-bago ang iyong isip. Walang problema sa akin kung lalake ka kagaya nila but… you are a lady.” May napansin akong pagaalala sa boses ni Sir.
“Why would I change my mind if I am so close?”
“I have been worrying about that idea of yours. Buwan-buwan, taon-taon… may mga namamatay na mga soldiers doon.” Maliban sa family side ng papa ko, pinagbigay alam namin kay Sir Legis ang about sa plano kong magpanggap bilang lalake.
Sa nagdaang mga taon, sikat na sikat ang black puma sa buong bansa kaya’t nababalitaan namin na ang daming nasasayang na buhay para ma-protekahan ang tinatawag nilang teritoryo. May iilang natatakot sa kanila pero may mga taong nabibilib at nahuhumaling. Isa na ako roon.
“Maybe they are just weak and incompetent. I am a skilled soldier now. Hindi sa mas’yado akong bilib sa sarili but… I just know my worth and I value my skills.” Huminga ulit ng malalim si Sir.
“What if someone would find out your true identity? I wish I could abandon my career and follow you there... in order to protect you,” he whispered. Bulong lang ‘yon pero rinig ko pa. Malakas ang sense of hearing ko.
“What do you mean to protect me, Sir?” natatawang usal ko. He flinched. Mukhang nabigla s’ya sa sinabi ko. “Baka kapag nag-apply ka ro’n, ako pa ang mag-p-protekta sa ‘yo instead na ikaw.” I chuckled.
“Sakura!” Awtomatikong huminto ang pag-tawa ko na’ng may marinig akong pamilyar na boses. Nagmumula iyon sa nakabukas na pintuan. Na’ng binalingan ko ng tingin, sumama agad ang timpla ng mukha ko.
Bumungad doon ang nakakadiring presens’ya ng ex ko.