Kabanata 13:

1169 Words
Kabanata 13: Paulit-ulit na binasa ni Johnson ang pahinang iyon. Ilang ulit niya ring sinubukang basahin ang iba pang pahina para makasigurong wala nga talagang laman, pero wala talaga. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Na-excite siya dahil sa isiping magiging hari siya ng isang mundo, ang problema nga lang ay kung totoo. Kung totoo man, saan naman ang Infinita? “Tingin mo ba, totoo ang nakasulat sa book of life ko?” tanong ni Johnson kay Brenda, pagkalabas na pagkalabas nila sa Library of Life. “Oo naman! Napatunayan mo namang totoo dahil nakasulat ang lahat ng naganap sa buhay mo sa mga unang pahina,” ani Brenda. “Sa bagay. . . pero saan nga ba ang Infinita?”  Magiging hari nga siya, hindi niya naman alam kung saan!  “Edi hanapin natin, problema ba ‘yon?” “Hahanapin natin ngayon?” takang tanong niya. “E kung gusto mo ba. . .” Natigilan si Johnson sa paglalakad. Luminga siya sa paligid para tingnan ang naggagandahang puno sa kanyang paligid. Kung ang mundo ng Infinita ay nasa mundong ito, hindi ba parang ang sarap namang manirahan sa mundong puro lang kapayapaan? Walang problema, walang maraming utang. . . walang pangamba. Kapag gumising siya mamaya, sigurado siyang haharapin na naman niya ang mundong nagkait ng swerte sa kanya. “Tara,” ngumiti si Johnson. “Hanapin natin.” Kahit walang kasiguraduhan, tumuloy pa rin sila sa paghahanap sa Infinita. Nag-aalangan si Johnson, pero mas mabuti nang subukan niya kaysa naman manatili siya sa totoong mundo kung saan malapit na siyang mamatay sa gutom. Speaking of gutom. . .  “Hindi ba tayo kakain?” takang tanong ni Johnson kay Brenda. Ilang araw na silang nagpapaikot-ikot sa gubat pero ngayon lang niya napansing hindi sila kumakain. Ngayon niya lang din na-realize na sobrang lawak pala ng gubat na ito, palibhasa’y hanggang ilog lang ang napuntahan niya. Nagpunta sila ng dagat, pero ang sabi ni Brenda, hindi raw totoong narito sa gubat ang dagat na iyon. Hindi na siya nagtanong kahit curious siya. Kakaiba talaga ang mga misteryong bumabalot sa pagkatao ni Brenda! “Bakit? Nagugutom ka ba?” hindi makapaniwalang balik-tanong nito sa kanya. Umiling siya. “Nakakapagtaka. . .” “Iyan ay dahil ispiritu mo lang ang naglalakbay sa mundong ito. Hindi ka talaga makakaramdam ng gutom.” Kumunot ang noo ni Johnson. “T-teka nga. . . ilang araw at gabi na tayong naglalakbay rito, ibig mong sabihin, ilang araw na rin akong natutulog?” Tila natigilan si Brenda sa sinabi ni Johnson. Ngayon lang yata nito na-realize na ma-re-realize rin ni Johnson ang nangyayari. “S-siguro?”  “Anong siguro? Kailangan ko nang bumalik!” bulalas ni Johnson. Humarap siya sa kanyang likuran para sana tingnan ang kanyang silver string ngunit nagulat siya nang wala na ang silver string na nagdudugtong sa kanyang katawan at ispiritu. “N-nasaan na?!” takang tanong niya. “P-pasensya ka na, pero hindi ka na makakabalik pa.” Kunot ang noong binalingan siya ng tingin ni Johnson. Halata ang takot at pangamba sa kanyang mukha. “I-ibig mo bang sabihin, p-patay na ako?” Umiling si Brenda. “Buhay ka pa. Malalaman mong malapit ka nang mamatay kapag unti-unti ka nang nagugutom. Dahil ang mga nararamdaman ng pisikal mong katawan ay mararamdaman mo na rin. Napabuntonghininga si Johnson saka naupo sa damuhan. Gabi na at puro bituin at ang buwan lang ang makikita sa kalangitan. Nakaramdam ng takot si Johnson. Doon niya napagtanto, na kahit pala marami siyang utang at marami siyang problema sa labas ng mundong ito, ayaw pa pala niyang mamatay. Pakiramdam niya ay gusto niya pang lumaban kahit na alam niyang pwede niyang ikamatay. Naupo si Brenda sa kanyang tabi saka siya tinapik sa balikat. “Pwede kang makabalik sa katawan mo, gagawaan natin ng paraan.” Nilingon niya ito, ngayon ay mas tumindi na ang pagdududa niya. “Gaano ka nakakasiguradong makakabalik ako sa katawan ko? Bakit parang ang dami mo yatang alam? Sabihin mo nga sa akin, sino ka ba talaga?” Napabitiw si Brenada sa balikat niya saka bahagyang lumayo. “Malalaman mo rin ang totoo tungkol sa akin. Sa ngayon, magpahinga na muna tayo para magpatuloy bukas.” Wala nang choice si Johnson. Hindi niya na alam ang pabalik sa kanyang katawan dahil wala na ang silver string. Kung babalik naman siya, hindi na malabong maligaw siya dahil sa layo ng kanilang nilakbay. Tumayo siya saka dumiretso sa kwebang hinintuan nila at saka roon ay nagpahinga. Humiga siya sa matigas at malamig na bato saka pumikit at tuluyang nakatulog. Hindi nga siya nananaginip. Dahil sa kanyang paggising, nasa astral realm pa rin siya. Sa tuwing matutulog siya, sa nakaraang mga gabing patuloy nilang hinahanap ang Infinita, akala niya ay babalik na siya sa kanyang katawan. Hati naman kasi ang opinyon ni Johnson. Gusto niyang maging hari para maranasan niya naman ang kaginhawaan, pero sa kabilang banda ay gusto niyang manatiling buhay sa mundo na kanyang nakasanayan.  “Huwag na kaya nating hanapin? Ilang araw na tayong palakad-lakad, wala naman tayong nakita!” reklamo ni Johnson. Parang ang gusto niya na lang kasi ngayon ay ang makabalik sa kanyang katawan. May pakiramdam siyang nanghihina na siya. “Iyan ka na naman, ang negative mo!” saway ni Brenda sa kanya. “Nararamdaman kong malapit na tayo.” Umikot ang mga mata ni Johnson. “At gaano naman kalapit.” “Ayan o!”  Natigilan si Johnson sa kanyang pag-iinarte nang ituro ni Brenda ang isang malaking malaking puno. Kung susumahin ay mas mataas sa kanya ng sampung beses, 5’11 ang height niya. “A-anong klaseng p-puno iyan?” kakaba-kabang tanong ni Johnson. “Iyan ay puno ng Infinita.” Napakurap ng mga mata si Johnson saka niya nilingon si Brenda. Nakatingala itong nakatingin sa matayog na punong nasa harapan nila. “A-alam mo?”  Nilingon siya ni Brenda saka hinawakan ang kanyang kamay. Ngumiti rin ito sa kanya saka hinila siya para makalapit sa puno. “Johnson, sa oras na pumasok tayo sa mundo ng Infinita, malalaman mo na ang lahat ng tungkol sa akin.” Kumunot ang kanyang noo. “A-anong ibig mong sabihin?” Wala pa mang sagot na nakuha mula kay Brenda, kaagad na siya niton hinatak palapit sa puno. Nanlaki ang kanyang mga mata nang hawakan ni Brenda ang katawan ng puno dahil lumusot lamang ang kamay nito. “Handa ka na ba?” nakangiting tanong ni Brenda. “T-teka. . . ano. . . sigurado ka bang safe d’yan?” “Safe sa Infinita! Halika na.” Walang kung ano-anong hinatak siya ni Brenda papasok sa loob ng puno, kasunod ng pag-vibrate ng kanyang katawan. Nakaramdam din siya ng kaunting hilo hanggang sa bumagsak siya sa sahig.  “Johnson! Ang oa mo naman, idilat mo na ang mga mata mo!” ani Brenda. Pupungas-pungas pa ang mga matang idinilat niya nga ang kanyang mga mata. At sa kanyang pagmulat, isang kakaibang mundo ang bumungad sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD