Kabanata 33: Masakit para kay Johnson na tawagin siyang lampa, pero mas masakit pala ‘yon kung galing mismo sa kanyang ama. Well, hindi naman alam ng tatay niya na anak siya nito, pero kahit na gano’n, tatay niya pa rin iyon. “Nasaan ako? Bakit n’yo ako ikinulong dito?” matapang na tanong niya, sinusubukang magmatapang kahit na nanginginig ang kanyang mga tuhod sa kaba. “Subukan mong hulaan.” Halata sa ngisi nito na gusto siyang paglaruan. “Hindi ako manghuhula, kaya nga nagtanong ako e.” Mabuti na lang at na-adopt niya na ang skills ni Archer. Kung paglalaruan siya nito, s’yempre dapat paglaruan din niya! Nag-igting ang panga ng malaking lalaking nasa kanyang harapan. Napansin niyang humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang palakol saka gumalaw. Medyo naalarma siya kaya muli siyang