Kabanata 37: Ilang beses pang pinakatitigan ni Brenda ang mukha nito, pero kahit na anong klaseng pagtitig pa ang gawin niya ay siguradong-sigurado siyang si Johnson nga ang nasa kanyang harapan. Tumatawa ito at nakikipagbiruan sa mga mukhang ulupong na engkanto sa harap nito–na hindi kailanman ginawa ni Johnson kasama sila. Imbes na manatili pa roon ay minabuti na niyang umalis. Hindi niya na maatim ang kanyang nakikita, traydor si Johnson, iyon lang ang tanging nasa isip niya. Lakad-takbo ang ginawa niya, may natisod pa nga siyang isang mangkukulam pero mabuti na lamang at hindi nito napansin, inakalang bato lang ang nakatisod sa kanya. Nang tuluyan siyang makalabas sa lungga ng mga mangkukulam, doon niya lang inalis ang pagkakasaklob ng kumot. Hinihingal na binuksan niya ang kanyan