Kabanata 42: Ilang araw na ang nakalipas magmula nang mangyari ang insidente at ito ngayon si Johnson, tulala. Hindi na niya maintindihan ang nararamdaman niya para kay Brenda, ramdam niyang may kakaiba na. Excited kasi siya sa tuwing pupunta o magkikita sila ni Brenda kapag may pagsasanay siya. Kapag lumalapit ito sa kanya, kinakabahan siya, natataranta at natutulala. At magkakasakit yata siya sa puso dahil sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Alam na alam niya ang pakiramdam na ito dahil naramdaman niya ito noon kay Shanna–may gusto siya kay Brenda! “Enebe! Kinikilig ako!” bulalas niya saka itinago ang mukha sa unan. Parang baklang kinikiliti si Johnson kapag kinikilig. Eksaktong eksena kapag nakakita ka ng lalaking kinikilig at mag-isa lang. Wala namang tigasing lalaki ang nagpapaha