Chapter 1
ELVIE
Masakit ang aking ulo nang magising ako. Kumikirot rin ang ugat sa sintido ko, kaya muli akong napapikit dahil nanlalabo ang aking mga mata at nakaramdam ako ng labis na pagkahilo. Hindi ko rin maigalaw ang aking katawan. Para bang may kung anong nakadagan sa akin, kaya hindi ako makakilos.
Nangunot ang aking noo nang maramdaman ko ang kakaibang init na tumatama sa aking batok kasabay ng mahinang tunog ng paghinga ng taong katabi ko sa kama.
Nanlaki ang aking mga mata nang napagtanto kong may kasama ako dito sa silid at nakayakap siya sa akin habang nakahiga sa likuran ko.
Napabalikwas ako ng bangon at kinuha ang baril sa ilalim ng aking unan, pero nanliit ang aking mga mata nang hindi ko ito natagpuan.
“Dammit!”
Saka ko lang napagtanto na wala pala ako sa loob ng penthouse ko dahil nagising ako sa loob ng isang silid na hindi pamilyar sa akin, hubo't hubad at may katabing lalaki sa ibabaw ng kama.
Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig. Nawala ang kalasingan ko, at unti-unting bumalik sa alaala ko ang nangyari kagabi.
Kahit halos sumabog ang ribcage ko dulot ng malakas na pintig ng aking puso ay dahan-dahan akong lumingon at tiningnan kung sino ang lalaking katabi ko.
Si Drew Madrigal… shìt!
Sa lahat ng lalaking makakakuha ng virginity ko kagabi ay ang walang-hiyang ito pa!
Umangat ang kamay ko at malakas itong dumapo sa mukha ni Drew, kaya napabalikwas siya ng bangon at bigla akong tinutukan ng baril sa noo.
“Iputok mo!” inis na singhal ko sa kaniya. “Ano pa ang hinihintay mo?”
“Fvck! Bakit ka ba nananampal?” salubong ang kilay na tanong ni Drew Madrigal sa akin.
Hindi ko siya sinagot, tinapunan ko siya ng masamang tingin.
“Damn you! Kulang pa ‘yan!” sigaw ko sa lalaking katabi ko.
“Bakit galit ka?” tanong ni Drew Madrigal sa akin.
“Bakit, wala ba akong karapatang magalit kung magising ako katabi ka sa kama at pangit na pagmumukha mo ang nakita ko tapos–tapos.”
Hindi ko nagawang ituloy ang sinasabi ko dahil bigla akong hiningal. Nginisihan naman ako ni Drew, pero hindi ko ito nagustuhan dahil nakita ko kung paano niya ako tingnan, partikular sa aking leeg, pababa sa dibdib ko.
“Go on, ituloy mo na, Elvie.”
Kung nakakamatay lang ang pag-irap at matalim na mga mata ko ay baka kanina pa duguan at nakahandusay ngayon sa kama ang animal na lalaking kaharap ko.
“It's nonsense, get out!” utos ko kay Drew.
“No,” agad niyang sagot, kaya nagsalubong ang mga kilay ko.
“Bakit?”
Gumalaw ang kaniyang mga kilay at sinuklay ng mga daliri ang buhok.
“We need to talk, Elvie,” sabi ni Drew Madrigal sa akin.
“About what?” walang gana kong tanong at mabilis naman itong sinagot ng kausap ko.
“Us.”
“Wala tayong dapat pag-usapan,” sagot ko.
“May nangyari sa atin at nakuha ko ang virginity mo–”
“Hoy, monkey! Hindi porke't nabembang mo ako kagabi ay may karapatan ka na sa akin at kausapin ako na parang may relasyon tayo. Nandito tayo sa China dahil may misyon tayo, kaya huwag mo akong guluhin!”
Tuloy-tuloy akong nagsalita dahil ganito ako kapag nakakaramdam ng kaba.
“Ayaw mo bang panagutan ko ang nagyari sa atin?” pormal ang ekspresyon na tanong ni Drew sa akin.
“Hindi na kailangan,” kibit-balikat kong sagot.
Nawala ang mapaglarong mga ngiti sa labi ni Drew. Bigla siyang naging seryoso, bagay na ngayon ko lang nakita sa kaniya dahil baliw at loko-loko ang lalaking nakakuha sa virginity ko kagabi.
“Paano kung mabuntis kita? Anong gagawin mo?” magkasunod na tanong ni Drew Madrigal sa akin.
“Hindi mangyayari iyon dahil kahit kailan ay hindi ako puwedeng magkaroon ng anak,” matigas kong sagot.
“Are you sure?”
Nagtaas ako ng mukha at tiningnan ko sa mga mata si Drew Madrigal bago sinagot ang tanong niya.
“Yes, at hindi ko na kailangan na ipaliwanag sa iyo kung bakit.”
Nagpakawala ng malalim na buntonghininga si Drew, pero wala akong narinig na kahit ano mula sa kaniya.
Sumandal ang kaniyang likod at ulo sa headboard ng kama at tila ba nauwi siya sa malalim na pag-iisip habang ako naman ay nakatingin sa kaniya.
Namayani sa amin ang katahimikan. Pareho kaming tahimik ni Drew at tila ang mga mata lamang namin ang ang-uusap.
Hinatak ko ang kumot at sinubukan kong bumaba sa kama, pero nanuot ang matinding kirot sa pagitan ng aking mga hita.
Naramdaman kong humagod sa likod ko ang mainit na palad ni Drew, kaya napaigtad ako nang manuot ang init at tila ba malakas na boltahe ng kuryente na dumaloy sa bawat himaymay ng aking kalamnan.
“Magpahinga ka muna, baka hindi mo pa kayang tumayo,” mahinahon na sabi sa akin ni Drew, pero tinabig ko ang kamay niya dahil ayaw ko ng kakaibang emosyon na aking nararamdaman ngayon.
“Kalimutan na natin ang nangyari,” sabi ko sa kaniya.
“Nandito tayo dahil may misyon tayo at trabahong kailangang gawin, kaya hindi natin dapat kalimutan iyon.”
“Iyan ba talaga ang gusto mo?” tanong ni Drew.
“Oo,” tipid kong sagot.
“Fine, pero kapag nabuntis kita, hindi ako papayag na itago mo ang tungkol d'yan sa akin. Dalawa tayong naghirap d'yan kagabi, kaya hindi lang ikaw ang may karapatan.”
Kahit hindi ko tingnan si Drew Madrigal, alam kong seryoso siya dahil nararamdaman ko iyon sa kaniyang tinig.
“Wala kang dapat alalahanin dahil sigurado naman ako na hindi mo ako mabubuntis.” Sinabi ko ito, para tigilan na niya ako dahil kilala ko ang ugali ng lalaking kaharap ko.
“Hindi ka sigurado sa sinabi mo, Elvie,” sagot ni Drew Madrigal. “Ilang ulit may nangyari sa atin at sa dami ng pinakawalan kong katas sa loob mo magdamag, hindi malayong mabuntis kita dahil healthy ako, at malakas ang genes ng pamilya ko.”
Inikutan ko ng mga mata si Drew Madrigal. Masyado siyang mayabang at proud sa angkan niya porke't triplets sila at kamukha ng silang lahat ng kaniyang ama, pero wala akong balak magkaroon ng anak sa tulad niya.
Hindi siya ang lalaking type ko. Masyado siyang mangas at mayabang, kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin kami magkasundo.