Nakikita ko sa anak ko ang labis na katuwaan dahil sa Pagdala sa amin ni Kuya alistair sa isang mall.
"Mommy puwede po ba ako makipaglaro sa kanila?"
Tinignan ko ang tinuturo ni lemuel. mga grupo ito ng mga kabataan na naglalaro sa isang malaki na korteng bahay.
"Yeah of course baby boy"
Nakangiti na Sagot ko sa kanya. sinamahan ko siya duon para bayaran ang entrance niya. maligaya ako sa nakikita ko na kaligayan ni lemuel. Habang nakatingin ako sa kanya hindi ko napansin na nakalapit na pala si Kuya alistair na may dala na ice cream.
"Nasaan si lemuel?"
Tanong niya sa akin. Tinuro ko ito at napatango na lang siya. sabay abot ng ice cream sa akin. tatlo kasi ang binili niya.
"Cookies and cream. Favorite mo"
Nakangiti niya na sabi sa akin.
kinuha ko naman ito agad sa kanya.
"Thank you Kuya"
Tipid na Sagot ko.
"Hindi ko alam kung ano Favorite na Flavor ice cream ni lemuel Kaya parehas na lang kami ng flavor na binili ko. Ube flavor"
Nakangiti niya na sabi sa akin.
"Ok lang yan Kuya Favorite flavor din niya iyan"
Sagot ko sa kanya. Na kinatuwa niya.
"Talaga?"
Tumango ako sa kanya. tumabi siya sa akin habang pinanood namin si lemuel na masayang nakikipaglaro sa mga bata.
"Zella may itatanong sana ako sana sagutin mo ako ng totoo"
Kinabahan ako sa sinabi niya. nakita na yata niya ang pagkaka-hawig nila ni lemuel.
"Masaya kaba?" alam ko masaya ka kasi nandiyan si lemuel. pero gusto ko malaman na masaya kaba na kasama si liam?"
Bigla niyang sambit. para ako nabunutan ng tinik. kinabahan talaga ako. pero Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam nang pag-kainis sa tinanong niya.
"Kuya ano bang klase na tanong yan? siyempre masaya ako!"
Sagot ko sa kanya. pero hindi ako nagpahalata na nainis ako sa tanong niya.
Narinig ko din ang malalim na buntong hininga niya.
"Zella ang tagal ko itinago ito! akala ko kaya ko ng tanggapin. pero ngayon na nakita ulit kita patawad aagawin kita! kahit kasalanan pa ito gagawin ko"
Nagulat ako sa sinabi ni Kuya alistair. napatingin ako sa kanya. na nakatingin na din pala siya sa akin.
"Kuya?? Ano yang pinagsasabi mo?"
Gulat na gulat ko na tanong sa kanya.
"Tanggapin mo ako zella. Ok lang sa akin na maging pangalawa mo. dahil para sa akin nag-iisa ka lang. mula noon hanggang ngayon hindi ka magawang Kalimutan nito!"
Nakita ko na hinawakan niya ang dibdib niya. mababakas din sa itsura niya na seryoso siya sa sinasabi niya.
Hinawakan niya ang kamay ko. hindi ko alam kung bakit hindi ko ito magawang bawiin.
"Zella mahal mo ako diba? hindi mo ibibigay ang sarili mo sa akin nung araw na iyon kung hindi mo ako mahal"
Sabi ulit niya sa akin. hindi ko alam kung Sasabihin ko ba sa kanya na oo mahal ko siya at ginusto ko iyon.
"Kuya alistair.."
Mahinang bigkas ko sa pangalan niya. gusto ko Sabihin na hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Pero gusto ko siya sumbatan kasi bigla siyang nawala kung kailan handa ko ng ipaglaban ang nararamdaman ko sa kanya.
"Hihintayin ko ang sagot mo zella. wala ako pakiaalam kahit malaman pa ni liam!"
Natakot ako sa sinabi niya.
"Kuya naman!"
"zella Sabihin mo ng baliw ako! oo baliw ako dahil habang malayo ako sa'yo halos lunurin ko ang sarili ko sa trabaho. pati ang makausap ka tiniis ko ang sarili ko! pero habang ginagawa ko iyon. Patuloy ko lang Sinasaktan ang sarili ko!"
"Kuya mali ang gusto mo mangyari!"
Sagot ko sa kanya. nakita ko na nag galawan ang mga ugat niya sa panga.
"Wala ako pakiaalam zella! dahil sa ngayon hindi ko na iisipin ang mali at kung ano ang tama. lalo na kung ikaw ang dahilan!"
Inaamin ko natuwa ako sa naririnig ko mula kay Kuya alistair. kasi parehas pala kami ng nararam-daman. Pero paano naman ang binitiwan ko na salita kay liam? na pag-aaralan ko siyang mahalin?
"Kuya alistair paano si liam?"
Bigla ko na lang naitanong sa kanya.
"Tulad ng sinabi ko wala ako pakiaalam sa kanya. dahil hindi ako natatakot na malaman ng kahit sino kung ano ang nararam-daman ko sa'yo"
Sasagot pa sana ako nang bigla ako tinawag ni lemuel.
"Mommy sa akin ba iyang ice cream?"
Tanong niya sa hawak ko na ice cream na medyo natunaw na dahil hindi ko na nakuhang kainin dahil na kay Kuya alistair ang atensyon ko.
"Gusto mo ba? cookies and cream flavor ito baby"
Sagot ko sa kanya. pero bigla siyang sumimangot.
"Yuck mommy!!"
Nandidiri niya na Sagot sa akin. dahil ayaw niya ng Cookies and cream na ginawang ice cream. dahil ang cookies daw para sa kanya ay sinasaw-saw lang niya sa gatas niya.
"Heto lemuel ube flavor?"
Abot sa kanya ni kuya alistair ng ice cream na para naman talaga sa kanya.
kung kanina nakasi-mangot ang anak ko ngayon ang laki ng pagkakangiti niya.
"Wow my Favorite"
Tuwang tuwa niya na sambit kay Kuya alistair.
"Parehas pala tayo ng favorite flavor!"
Sabi ni Kuya kay lemuel.
"Talaga po tito? Si mommy kadiri kasi kumakain siya ng cookies na ice cream. ikaw tito kumakain ka din ba ng ganon?"
Natawa ako sa sinabi ni lemuel.
"Yes baby boy puwede naman talaga iyon. at lahat ng kinakain ni mommy mo favorite ko din"
Narinig ko na Sagot niya kay lemuel.
"Nagugutom Ka naba?"
Habang kumakain ng ice cream nakita ko ang mabilis na pagtango ni lemuel.
"Saan mo gusto kumain?"
"Jollibee!!"
Tumatalon pa na Sagot sa kanya ng anak namin.
"Ok tara na"
Binuhat niya si lemuel habang kumakain ito ng ice cream. Sabay hawak naman niya sa kamay ko. akma ko itong hihilahin pero narinig ko ang pakiusap na salita niya.
"Pls zella!"
Mababanaag sa guwapo niyang mukha ang malungkot na pakiusap niya. Kaya wala na ako nagawa kundi ang sumabay sa pag-lalakad niya habang hawak niya ang kamay ko.
Pagka-dating sa loob ng jollibee walang paglagyan ang katuwaan ng anak ko.
"Ano gusto mo lemuel'
"French Fries and chicken"
Sa akin naman siya nagtanong pero pabulong naman siya nang tanungin ako
"Ako na bahala sa order mo. iyon pa din naman ang gusto mo diba?"
Napakagat ako sa labi ko dahil nakadikit ang labi niya sa tenga ko. dahil parang kinukoryente ang katawan ko sa init ng labi at hininga niya na dumampi sa tenga ko..