Hindi ko alam kung ilang oras ako nakaidlip dahil bigla ako nagising,
Nilibot ko ang mata ko sa kuwarto wala na si Lemuel na kanina lang ay naglalaro pa sa lapag,
Lumabas ako ng kuwarto para hanapin siya,
Pagbaba ko ng hagdan nakita ko sila mommy at daddy sa sala,
Nanduon din si Kuya alistair at naka kandong sa kanya ang anak ko,
Tatawagin ko sana ito nang biglang dumating sa Liam galing sa labas,
Nakita ko din na patakbo lumapit dito si lemuel,
"Hi daddy I miss you"
Nag pabuhat bigla si lemuel at binuhat din naman agad siya ni Liam,
Sabay halik ni lemuel kay liam
"I miss you too baby"
Gumanti naman nang halik din si Liam kay lemuel,
Bumati na muna si Liam nang makita niya sila daddy at mommy,
Nakita ko ang Pagka bigla sa mukha niya nung makita niya si kuya Alistair,
Binati niya ang mga ito at binati din niya si kuya na blanko pa rin ang mukha,
Nagpaalam siya sa mga ito habang buhat pa din si lemuel,
Pagkalapit sa akin hinalikan niya ako sa pisngi sabay akbay,
"Kamusta ang araw mo?"
Tanung niya ng nakangiti,
"Ok lang kanina kapa inaantay ng bata"
Nakangiti kong sagot sa kanya,
May sasabihin pa sana siya biglang nagsalita si daddy,
"Lemuel iho' dito muna kayo at may sasabihin lang kami ni Mommy Evelyn ninyo"
Lumapit kami habang buhat pa din ni Liam si lemuel,
Habang papalapit kami kung Kanina blanko ang mukha ni kuya ngayon bakas na sa mukha niya ang galit,
Nakikita ko sa kanya ang selos o inggit,
Pero agad din niyang naitago iyon nang lubusan na kaming nakaupo sa bakanteng upuan sa harapan nila.
"Iha' Lemuel' Aalis kami ni mommy evelyn mo"
Nakita ko ang seryosong mukha ni daddy,
"Bakit daddy Saan kayo pupunta?"
Pagtataka na tanong ko,
"Meron lang ako dapat asikasuhin iha' at importante iyon"
Sagot niya,
"Pinakiusapan ko si Alistair na umuwi dito dahil siya ang papalit muna sa Posisyon na iiwan ko sa kumpanya"
Pag papatuloy ni daddy sa sinasabi niya
"Ok lang ba iyon Liam?"
Tanong ni daddy Kay Liam,
Dahil meron share ang Pamilya ni Liam sa kumpanya ni daddy duon na lang din siya nagtrabaho,
"Of Course dad"
Sagot ni Liam,
"Daddy kailan kayo aalis?"
Tanong ko sa kanya,
"Tomorrow iha at baka matagalan kami ni mommy evelyn mo na makabalik"
Nagulat ako bakit ngayon lang sinabi ni daddy na aalis sila ni mommy,
Nakita nila ang pagkagulat sa mukha ko,
"iha biglaan kasi e'"
Sabi ni Mommy evelyn,
Parang gusto kong sumama ang loob sa kanila dahil napauwe nga nila si kuya na nasa malayo dahil sa plano nilang pag alis,
Samantalang ako na nandito lang sa malapit hindi ko nalaman na may balak pala silang umalis,
Nakita siguro ni daddy ang pag uulap ng mata ko,
Tinawag niya ako para lumapit sa kanya,
"Come here my princess"
Lumapit ako sa kanya at tumabi kaya napatabi na din ako kuya alistair dahil nasa tabi lang din siya ni daddy,
Yumakap agad ako sa kanya na umiiyak,
"Sorry iha' kung hindi ko agad nasabi sa iyo lagi naman tatawag si daddy"
Paglalambing niya sa akin, hindi ako sumasagot habang umiiyak pa din na nakayakap sa kanya,
Hindi kasi ako nasanay na matagal mawawala sa tabi ko si daddy,
Yung sinabi nila na matatagalan sila parang iba ang pakiramdam ko para ako nabalutan ng sobrang kalungkutan,
"Grandpa why are you making mommy cry?"
Umiiyak na din na lapit ni Lemuel sa harapan namin,
Yayakapin ko sana siya pero naunahan ako ni kuya Alistair,
"lemuel grandpa doesn't make her cry
iyakin lang talaga ang mommy mo"
Narinig ko na sabi niya kay lemuel habang naka kandong sa kanya,
"But uncle' I don't want to see mommy cry"
Sagot pa din niya kay alistair habang umiiyak pa din,
"We are both, I also don't want to see your mommy cry"
Sagot naman niya kay lemuel ang sarap nang pakiramdam ko nung marinig ko sa kanya iyon,
"Does that mean you love mommy? because you also don't want too see him cry?"
Nagulat ako sa biglang tanong ni lemuel kay kuya alistair,
Napatingin ako kay Liam na nasa harapan namin nakita ko na nasasaktan siya sa nakikita niya,
Bigla ako nakaramdam ng awa para kay Liam,
Umalis ako sa pagkakayakap kay daddy at gumawi sa direksyon nila kuya alistair,
"Lemuel Let's go with daddy so he can rest"
Naramdaman ko ang pagkatitig ng mata ni kuya alistair sa akin,
Pero hindi ko siya tinitignan dahil ayokong saktan si Liam na nasa harapan lang namin,
"Ok mommy"
Sagot sa akin ni lemuel at tumakbo na ulit ito papunta kay Liam na agad naman siyang sinalubong ng yakap,
Nagpaalam na kami sa kanila para umakyat sa kuwarto dahil kailangan nang magpahinga ni Liam,
Nakita ko pa na sinundan kami ng matiim na titig ni kuya Alistair,
Pagkatapos nung tagpo na iyon hangang mag hapunan ay hindi ko na nakita si kuya alistair,
Hindi ako makatulog hindi ko alam kung bakit,
Napatingin ako kay Liam at lemuel na mag kayakap sa higaan,
May sariling kuwarto si lemuel pero mas gusto niya na nasa tabi namin siya,
Nasa gitna namin si Lemuel at nakayakap siya kay Liam,
Masaya ako kasi Kita ko sa kanila na Mahal nila ang isa't isa,
Pero may bahagi din ng puso ko ang nasasaktan dahil kay kuya alistair,
Paano pag nalaman niya na anak niya si Liam?
Pero paano naman si Liam? hindi ko siya kayang saktan lalo na pag dating kay Lemuel,
Tumayo ako kinumutan ko silang dalawa ,
Bumaba ako sa baba papuntang kusina para magtimpla ng gatas dahil hindi talaga ako makatulog,
Binuksan ko ang ilaw muntik pa ako sumigaw sa gulat dahil may nakaupo sa mesa may hawak na bote ng alak,
"Kuya?"
Gulat na sabi ko' hindi siya tumingin sa akin nanatili siyang nakayuko,
Kaya lumapit ako sa kanya para tignan pa siya,
Pero bago ako lubos na makalapit sa kanya bigla siyang nagsalita,
"zella I miss you!!"