Bago mag-dilim dumating na si liam galing sa office. Nasa kusina kami ni lumuel pati na din si Nanang. habang si liam ay umakyat na sa kuwarto. Nagsabi na magpapalit lang daw siya.
Habang si Nanang nag-aayos sa lamesa si lemuel naman ay panay ang tanong kay Nanang.
Ako na ang nag offer na magluto. Nasa tapat ako ng niluluto ko ng pumasok si liam nakapag palit na rin siya ng pam-bahay na damit.
Nakita ko na papalapit siya sa akin. pero hindi ko inasahan ang sumunod na ginawa niya. Mula sa likod ko yumakap ang braso at kamay niya sa bewang ko.
Nakayakap siya sa akin. habang tinatanong kung ano ang niluluto ko.
Nagulat ako sa ginawa niya. kasi hindi naman niya ginagawa ang ganito. dahil alam niya ang limitasyon namin.
"Ahhm tinolang manok"
Sagot ko sa kanya. Hindi ko napansin na kasunod din pala niya si Kuya alistair na pumasok sa loob ng kusina.
"Hmm.. marami na naman pala ang makakain ko ngayon ah"
Paglalambing niya na sambit sa akin.
"Ehem! ahmm!!"
Bigla kong narinig mula sa aming likuran. Na tila para ba na inuubo kunwari. alam ko boses iyon ni kuya alistair. pero hindi parin inalis ni liam ang pagka-kayakap niya sa akin mula sa aking likuran.
"Liam tabihin muna si Lemuel duon isasalin ko na itong ulam para makakain na tayo"
Pag-tataboy ko na lang sa kanya. Sumunod naman siya sa sinabi ko.
Pero humalik muna siya sa pisngi ko bago niya ako iwanan.
Sabay-Sabay na kaming kumain lahat pati si Nanang kasabay na rin namin. Si liam ay nasa tabi ko at si Lemuel naman ay mas pinili na katabi si Kuya alistair na nasa harapan ko naman.
"Baby boy ang sarap ng luto ni mommy diba?'
Narinig ko sinabi ni liam kay lemuel.
"Yes daddy"
Sagot naman ng anak ko sa kanya. Napa-pansin ko rin ang panay na tingin sa akin ni Kuya alistair. iniiwas ko na lang na mapatingin sa kanya.
"Yan kasi ang unang natutunan na lutuin ni zella"
Narinig ko naman na Sinabi ni Nanang.
Pag-katapos namin kumain Inaya na kami ni liam umakyat sa kuwarto. Binuhat niya si lemuel at sabay akbay sa akin. napansin ko ang malungkot na mga mata ni Kuya alistair na nakatingin sa amin bago ako tuluyan na tumalikod habang nakaakbay si liam.
Pag-katapos namin maglinis ng katawan ni lemuel umayos na kami na paghiga sa kama. tulad ng dati nasa gitna ulit namin si lemuel ni liam.
"Umalis ba kayo kanina ni lemuel?"
Narinig ko na tanong ni liam. habang si lemuel ay tulog na sa tabi namin napagod siguro kanina Kaya mabilis siya nakatulog.
"Oo inaya kasi ni Kuya alistair si lemuel na mamasyal e"
Sagot ko sa kanya. ang tagal bago ulit siya nag-salita.
"Ganoon ba? Sana zella huwag mong Kalimutan kung ano ang kalagayan ko dito sa bahay ninyo! alam ko na hindi tayo kasal. pero sa mata ng nakakakilala sa atin ay mag-asawa pa din tayo!"
Nagulat ako sa sinabi ni liam. Hindi ko alam kung ano ang mararam-daman at iisipin ko sa sinabi niya. Pero Naramdaman ko na umangat ang katawan niya sa kama maingat na hinalikan ako sa noo para hindi magising si lemuel na nasa gitna namin habang natutulog.
"Matulog kana zella"
Sabi niya sabay balik sa Pagka-kahiga niya. Nakatulog na din ako habang iniisip ko pa din ang sinabi niya. Nawala na din sa isip ko ang sinabi ni Kuya alistair na hihintayin niya ako sa kuwarto niya.
Pagmulat ng aking mga mata mag-isa na lang ako sa aming kama. Pagka-ayos ko sa sarili ko lumabas na ako ng kuwarto at bumaba.
Sa hagdanan pa lang naririnig ko na ang malakas na tawa ng anak ko mula sa kusina. Tumungo ako ng kusina nakita ko si lemuel na umiinum ng gatas niya. habang si liam may suot na Apron habang abala sa kanyang niluluto. Wala nga palang pasok si liam ngayon sa office.
"Good morning mommy!!"
Masayang bati sa akin ng anak ko. Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya sa pinsgi.
"Good morning baby boy!!"
Nakangiti ko din na bati sa kanya. Paupo na sana ako sa tabi niya ng bigla may sinabi ang anak ko sa akin.
"Mommy bakit ako lang po ang may kiss? dapat si daddy din diba?"
Hindi ko alam kung papatulan ko ba ang sinabi ng anak ko. pero ang ganda ng ngiti niya. mukhang maganda ang gising ng anak ko. Kaya lumapit ako kay liam.
"Good morning"
Sabi ko sa kanya paglapit ko. hahalikan ko sana siya sa pisngi. pero hindi ko alam kung sinadya niya na bigla na lumingon sa akin. Kaya ang simpleng dapat na halik lang sa pisngi ay naglapat ang aming labi.
"Good morning tito alistair"
Para ako binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko na sinabi ng anak ko. Sigurado na nakita niya ang naganap sa amin ni liam. hindi ko alam kung paano ako haharap para bumalik sa tabi ni lemuel.
Pagharap ko hindi ko nakita kung ano ang naging reaksyon niya. pero alam ko nakita niya iyon. Iniwas niya ang tingin niya sa akin. Umupo siya sa kabilang bankuan at Nagsalin ng kape niya.
Umupo na din ako sa tabi ni lemuel na iniiwas ko din mapatingin kay Kuya alistair.
"Alistair Kailan ka mag-uumpisa na pumasok sa office?"
Tanong sa kanya ni liam na abala na sa pagsasalin ng niluto niya na fried Rice.
"Sa Monday papasok na ako"
Sagot naman ni Kuya alistair.
Pag-lapit ni liam sa amin dala niya ang niluto niya na fried rice at tumabi na siya sa akin. Dahil nasa mesa na kanina pa ang mga ulam na niluto din niya siguro. kaya ako na ang nag-lagay sa mga pinggan namin ng pagkain nila liam at lemuel.
Habang ginagawa ko iyon. napansin ko si Kuya alistair na nakatitig sa ginagawa ko kung paano ko lagyan ng pagkain ang pinggan ni liam.
Para ako nasaktan sa nakita ko sa kanya. dahil sobrang lungkot ng mga mata niya. Dahil ginagawa ko ito sa kanya Pag nagsasabay kami kumain na kaming dalawa lang
Lalagyan ko din sana ang pinggan niya ng Fried rice na niluto ni liam pero bigla siyang nag-salita
"No thanks magkakape lang ako!"
Sabay talikod niya sa amin habang dala niya ang baso niya may laman na kape..
"Kuya alistair..."
Tawag ko na lang sa kanya sa isipan ko...