KABANATA 32 Scared Pagdating nila sa destinasyon nila ay humanga siya sa mga nakikita niya. Hindi niya inaasahan na sobrang ganda pala kapag nakita mo 'to ng personal. "San mo gustong pumunta?" "Hmm... Sa burnham park muna tayo." "Okay" nakangiting tugon nito sa kanya at tumungo na sila sa Burnham Park. Marami pa silang pinuntahan halos nalibot na nila ang mga sikat na lugar dito sa baguio. Tumigil muna sila at umupo sa isang tabi. "Gusto mo na bang kumain?" "Hmm.. Mamaya nalang medyo pagod pa ako atsaka hindi pa naman ako nagugutom." "Okay" sabi nito at inakbayan siya ni Zak. "Zak, Thank you sa pagdala mo sakin dito." "Hindi ako tumatanggap ng Thank you." napaharap siya kay Zak at naguguluhan na tumitig kay Zak. "Ano?" "Kung gusto mong mag thank you ay dapat ikiss mo ako."