Kabanata 3

1007 Words
Kabanata 3 :  Señorito   Daine Unti-unti kong minulat ang aking mata at nakita ko agad ang sinag ng araw na tumatama sa bintanang nakabukas. Napagtanto ko na nasa mansyon na ako dito sa aking silid, isa bang panaginip ang nangyari kagabi? Nakaramdam ako ng paghihinayang dahil hindi pala totoo na may yumakap na isang lalaki sa akin, ibig sabihin isang panaginip lang ang lahat, napaupo ako ng pumasok sa aking silid si mama. "Buti gising kana, san kaba galing kagabi? nag-alala ako sayo at nakatulugan ko na ang paghihintay sayo kagabi, nakita nalang kita na natutulog kana sa silid mo, hindi mo manlang ako ginising." sambit ng aking ina, nakaramdam ako ng kaba, ibig sabihin ba non totoo ang nangyari kagabi? Namula ang aking pisngi ng maalala ang ginawa ng lalaking yon. "Hayy.., Daine anong iniisip mo diyan, san ka pumunta kagabi bakit ka natagalan?" hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay mama kaya pinili ko nalang magsinungaling upang hindi na siya mag-alala saakin. "May ginawa lang po kami ng mga ka groupmates ko dahil may presentation kami." nagpapasalamat ako ng hindi ako nautal sa pagsabi sa kanya, naalala ko ng nahimatay pala si mama kahapon. "Ma, okay na po ba kayo? Sabi ni ate mila na nahimatay daw kayo." "Okay na ako, dahil lang sa pagod kaya nahimatay ako." "Sabi ko naman po sainyo na wag kayong masyadong magtatrabaho, ako na pong bahala, okay? Magpahinga na po muna kayo, ako na po ang gagawa na hindi niyo pa natatapos na gawin ngayon." sabi ko. "Pero dadating mamaya si señorito, dito muna daw siya pansamantala." nakaramdam ako ng kaba hindi ko alam pero bumilis ang tibok ng puso ko ng banggitin niya ang 'señorito'. "Sino po ang pupunta? Sila Maam Feyne at Si Sir Tyron po ba?" tanong ko, sila lang kasi ang kilala ko. "Hindi, alam mo namang nasa ibang bansa sila, yung nag-iisang anak nila ang pupunta dito, si señorito" hindi ko pa kilala ang anak nila Ma'am Feyne dahil nasa state daw ito namamalagi kaya ni minsan hindi ko pa siya nakikita. "Sige na, kumain ka muna at linisin mo ang kwarto ni señorito sa itaas na nasa dulo, sa kanya ang kwarto na yon, napakastrikto daw ni señorito kaya linisin mo ng mabuti, okay?" "Okay po" sabi ko at tumayo na ako upang pumunta sa kusina. ------------------- "Boss, makikipagkita po ba kayo bukas kay Mr. Delos Santos." sambit ni Jak, isa sa mga tauhan ko. "No Tell him that I'm on vacation." "Okay boss anong oras po tayo aalis?" "6:00pm" "Okay boss." ----------------- Nagpunta agad ako sa silid ni señorito upang mag-linis, nang makapasok na ako sa silid ay nakita ko agad ang malaking TV at may sala pa ito, napansin ko na malaki ang kwartong ito at ang kama ay isang king size na sobrang laki at napakalambot, inilibot ko ang aking pangingin sa loob ng kwarto, nasa gilid ang CR at may sariling closet pa ito. Parang ang linis linis ng kwartong ito, kahit na walang masyadong kalat ay inayos ko parin ang kama at ang mga display at pinunasan ko rin ang table na nasa sala, pinalitan ko na rin ang punda ng mga unan, napaupo nalang ako sa kama ng matapos kong linisin ang silid. "Daine! nasan ka?" sigaw ni ate mila, tinatawag na yata ako kaya lumabas na ako sa silid. "Ate mila, bakit?" tanong ko. "Tulungan mo akong maghanda ng pagkain, tiyak na paparating na si señorito mamaya." nagmamadaling sabi niya. "Sige po." at gumayak na kami sa kusina upang maghanda ng makakain. ----------------------- Nang sumapit na ang gabi ay nagmamadali si ate mila sa pag-aasikaso sa mga niluluto dahil darating na daw si señorito. "Ate mila mag-bibihis lang po muna ako." "Sige, dalian mo dahil darating na si señorito." at nagmadali na akong lumakad papunta sa aking silid upang mag-ayos sa aking sarili. Dali-dali akong lumabas ng aking silid dahil naririnig ko na ang mga boses na hindi pamilyado saakin. Nandito na yata si señorito, sumalubong agad si mama nang makita niya ako. "Anak doon muna tayo sa kusina at aayusin natin ang pagkain ni señorito." sabi ni mama at inaya na niya ako sa loob ng kusina. "Hindi po ba kakain dito si señorito? Sino po ang sumalubong sa kanya kanina?" tanong ko kay mama dahil hindi ko manlang nasilayan si señorito. "Hindi na dahil magpapadala nalang daw ng pagkain si señorito sa kanyang silid, at si ate mila mo at ako ang sumalubong sa kanya kanina, hinihintay ka namin kanina pero ang tagal mong lumabas sa silid mo." sabi ni mama habang inaayos ang mga pagkain at tumulong na rin ako sa kanyang ginagawa at nagulat naman kami ni mama ng biglang sumulpot si ate mila na pagod na pagod. "Oh. Anong nangyari sayo mila?" tanong ni mama kay ate mila. "Hay naku! Nakakapagod palang asikasuhin si señorito, ang sungit! tapos parang akong kinakalabutan sa mga kilos niya hays, nakakapagod ng sobra." palatak na sabi ni ate mila habang kami ni mama ay natatawa sa mga sinasabi niya. "At ito pa hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko dahil sobra talagang nakakatakot si señorito at yung mga titig niya na parang kakain ng tao, parang ganun nakakakilabot!" sabi pa ni ate mila habang sinasabi niya ang katagang yun ay parang natakot ako na makaharap si señorito dahil sa sinabi ni ate. "Hoy! Daine natulala kana diyan!" untag ni ate mila sa akin. "H-ha? Wala" nauutal kong sabi. "Daine, ikaw naman ang magdala ng pagkain kay señorito." sabi ni mama. "A-Ayoko po ma." nauutal kong sabi. "Ano ka ba naman napapaniwala ka diyan kay mila, sige na ihatid mo na 'to." sabay abot sa akin ng tray na naglalaman ng pagkain para kay señorito. "Daine, worth it naman ang paghatid mo ng pagkain kay señorito dahil makikita mo ang kanyang magandang mukha at ang kanyang katawan na sobrang laki, kaya siguradong malaki rin ang tinatago niya." hagikgik ni ate mila. "A-Anong tinatago?" inosente kong tanong sa kanya. "Hay! Nakapa-inosente mo talaga, sige na puntahan muna si señorito." natatawang sabi ni ate mila at umalis narin ito sa harapan ko. Ang weird naman ni ate mila, ano kaya ang sinabi niya kanina. Wala na akong nagawa kundi ang puntahan ang kwarto ni señorito sa ikalawang palapag na nasa dulo. *** MsGishLin
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD