KABANATA 13: Sweet Daine Ano kaya yung pakiramdam ng isang mayaman? Lahat ba ng gusto nila ay nakukuha nila? Syempre marami silang pera kaya lahat ng hinahangad nila ay makukuha nila sa isang pitik lang. "Oh My God! Ang landi naman ng babaeng 'yon." "Korek ka diyan bes, syempre mayaman yung nilalandi niya kaya ganon nalang ka dikit sa kanya ambisyosa naman kasi." ang chichismosa naman kasi ng mga estudyante dito pati buhay ng iba ay pinapakialaman, nakita kong may babaeng umiiyak at tumatakbo papalayo, anong nangyari 'don? Tiningnan ko kung saan siya nang-galing, anong ginawa ng mga babaeng yun sa kanya? "Daine halika na malalate na tayo." "Louise nakita mo ba yung babaeng umiiyak?" "Ah.. yun, Oo bakit?" "Tama tulungan natin, umiiyak eh... Baka may ginawa sa kanya yung mga babaen