bc

Trapped by the Target Billionaire: Empress Hardy

book_age18+
67
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
dominant
badboy
kickass heroine
bxg
kicking
scary
loser
campus
war
surrender
like
intro-logo
Blurb

DELTA AGENTS SERIES #5 (SPG)

"Ah!" napadaing sa kirot at gulat si Empress nang bigla siyang hatawin sa pang-upo niya ng malapad na palad ni Shield Montgomery. Ang panganay na anak na lalaki ng mag-asawang Serafin at Magdalene Montgomery.

Nag-apply siya sa pamilyang ito bilang isa sa mga bikini model ng Selenah Lingerie dahil sa isang misyon. Ang matukoy ang tunay pagkakakilanlan ng pamilyang ito.

Ngunit imbes na mahuli ang mga totoong kriminal, ay siya mismo ang na-trap sa mga bisig ng gwapo ngunit sadistang bilyonaryo na si Shield Montgomery.

"Lovely and more attractive than the other girls Mom finds on the street... Are you aware of the rules this family has for attractive models like you?"

Hindi sumagot si Empress at nanatili lamang nakatitig kay Shield. Ipinakita niya dito ang inosente niyang anyo na siyang gustong-gusto ng binata.

Hinawakan naman ni Shield ang pisngi niya at marahang hinaplos, ngunit gumapang ito patungo sa batok niya hanggang sa hawakan siya doon ng mahigpit.

"Once you're in, there's no turning back... You all belong to me."

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: Lit Lounge Bar
Empress "Aaah! Aaah!" Napabuntong-hininga ako ng malalim habang naririnig ko ang malalakas na pag-ungol ng babaeng kasama ngayon ni Shield sa loob ng VIP room nitong bar mula sa earphone kong suot. Ungol nga ba 'yon o daing nang nasasaktan na. Naririnig ko rin kasi sa background ang malalakas na tila paghataw ng isang bagay. "Aaah... T-Tama na... Tama na..." tila umiiyak nang turan ng babae. May pagmamakaawa na sa boses niya. "What did you say, bitch?" Nadinig ko ang baritonong boses ni Shield sa background at tila hinihingal pa. "Aaah!" muling daing naman ng babae. "Isn't this what you want, dirty slut! Shut the fuck up! I don't wanna hear you cry!" Muli akong nakarinig nang paghataw. "Aaah!" "Para sa pera, handa kang magpakababoy. You're a fucking whore." "Aaah!" Napatingala ako sa second floor nitong bar at sa kinaroroonan ng VIP room. Sa isang linggo kong pagsunod-sunod kay Shield Montgomery ay isang linggo ko na ring naririnig at nakikita ang bawat pakikipagtalik niya at pananakit sa lahat ng mga babaeng lumalapit mismo sa kanya sa mga bar na pag-aari niya. Palipat-lipat lamang siya ng branch at doon naghahasik ng lagim niya. He is a sadist, cruel man. Hindi nalalaman ng mga tao na siya ang nagmamay-ari ng Lit Lounge bar, bukod-tangi sa akin dahil magaling akong dumiskubre. Umaasta siya bilang customer lamang at tumatambay sa mga ito tuwing gabi. At dahil may taglay siyang kakisigan at kagwapuhan, hindi na niya kailangan pang manghila ng mga babae, dahil sila na mismo ang lumalapit sa kanya at nag-aalok ng aliw. Mababakas pa sa postura niya at kutis niya ang karangyaang tinatamasa niya. Kaya sa isang linggo kong pagmamanman sa kanya ay halos pare-parehong mga salita lang din ang naririnig ko sa kanya sa tuwing nakikipagtalik siya sa iba't ibang klase ng babae. He refers to them as prostitutes, whores, bitches, and other derogatory terms. Ang pakikipag-sex niya ay may kasamang pananakit. At kapag natapos na siya ay hahagisan niya lang ang mga ito ng pera at basta na lamang iiwanan. Ang mga babae naman ay puno ng latay sa katawan at walang humpay sa pag-iyak. Pero dahil kailangan nila ng pera, nananatili na lamang silang tahimik. Muli kong dinampot ang shot glass ko at tinungga ang laman nito. Kaagad na humagod ang init nito sa lalamunan ko. "Another one, Ma'am?" nakangiting tanong sa akin ng gwapong bartender sa harapan ko. "I'll get back to you later, handsome." I gave him a wink as I stood up from the swivel bar stool. "I'll just look for a good spot on the second floor." Lumapad namang bigla ang pagkakangiti niya habang nakatitig sa akin. "I'll wait for you, beautiful." Nginitian ko na lamang siya bago ako tumalikod. Tsk. Isa ring womanizer. Nakisiksik ako sa mga taong nagsasayawan sa gitna. Marami-rami ang mga tao dito at wild na ang karamihan. Maingay dahil sa malakas na volume ng tugtog at hindi rin ganun kaliwanag dahil tanging disco light lang ang gamit sa buong sulok nitong bar. Marami akong nadaanang naghahalikan na at naglalamasan na ng mga suso at puwet habang patuloy sa pagsasayaw. May na-spot-an pa ako na pasimpleng humihithit ng droga sa isang table sa sulok. Habang sumisiksik ako sa kanila ay sinasabayan ko rin sila ng kaunting pag-indak ng katawan. Malapit na sana akong makawala sa umpukan nang bigla na lamang may isang lalaking biglang humarang sa harapan ko at gumiling na parang go-go dancer. May kababaan siya pero malaki naman ang pangangatawan. Mapipintog ang mga muscle niya sa braso at dibdib mula sa suot nitong black sando. Pero ang baba niya masyado sa akin sa height ko na 5'8. Siguro ay nasa 5'2 or 5'3 lang siya. At ... hindi rin siya pogi. May mukha lang. "Whoa! Dance, baby! Giling!" sigaw niya habang pinaiikot niya ang mga braso niya sa isa't isa kasabay nang paggiling din ng katawan niya. "Yeah! Come on!" Sinabayan ko na lamang din siya kahit hindi ko siya trip at wala ako sa mood. Muling nagsiksikan ang mga tao sa amin. Nahihirapan na akong marinig ang mga tinig ni Shield at ng katalik niyang babae sa suot kong earphone. Humanap na ako ng maluwag na way para matakasan ang lalaking nasa harapan ko at patuloy pa rin sa paggiling. Bahagya akong umatras mula sa kanya, ngunit sumusunod siya. Patuloy din siya sa paglapit sa akin. "Whoa! Ang galing mo, baby! Ang sexy mo na, ang ganda-ganda mo pa! Nakakasilaw!" sigaw niya habang nakatitig sa nakalitaw kong dibdib at tiyan. Isang black V-neck crop top at black mini skirt na may slit sa gilid ang suot ko kaya litaw din ang mapuputi at makikinis ko ring legs. Namimilog ang mga mata niya sa pagtitig sa akin. Puno na ito nang pagnanasa. Inayod-ayod pa niya ang harapan niya sa akin habang patuloy sa pagsayaw. Eh, wala naman akong makitang bukol sa harapan niya! "Ang gwapo mo rin! Sobra!" sagot ko din naman sa kanya. At dahil doon ay halatang mas ginanahan pa siya sa pagsayaw. Bigla din siyang napangisi dahilan upang lumitaw ang malalaki niyang ngipin. "Sayaw ka lang, gwapo! Iihi lang ako!" Nagpatuloy ako sa pag-atras kahit nahihirapan ako dahil sa mga taong nasa likuran ko rin. "Sasamahan na kita, ganda!" sagot din naman ng lalaki. Aba't--gago lang? Hindi ako nakikipag-one night stand sa isang buldog. "Hanapin mo muna 'yong cr!" sigaw kong muli sa kanya. "Samahan mo na ako, baby!" Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ng mahigpit ang braso ko at tinangka akong hilahin. What the fuck! Iniikot ko naman ng malakas ang braso ko at inihawak din sa braso niya. Sinubukan ko itong pilipitin, ngunit masyado siyang malakas. Mukhang batak talaga ang katawan niya sa paggi-gym. Napatitig din siya sa akin dahil sa ginawa ko at muling ngumisi. "Matapang kang babae, ha. I like that." "Talaga?" tanong ko naman sa kanya kasabay nang malakas kong paghila sa braso niya at pagtuhod sa tiyan niya. "Ugh!" napadaing siya kasabay nang pagbitaw niya sa braso ko. Binitawan ko din siya hanggang sa mawalan siya ng balanse at bumagsak sa sahig. Sapo-sapo na niya ang tiyan niya at namimilipit na sa sakit. Pero patuloy pa rin sa pagsasayawan ang mga tao sa tabi namin. Natapakan pa ng iba ang mga paa at binti niya. "Huwag ka kasing makulit. Tsk," ani ko sa kanya kasabay nang pagpagpag ng mga palad ko sa ere. "H-Halika dito, babae ka. M-Makakatikim ka sa akin. Gago ka." Itinaas niya ang isa niyang kamay at tila gusto pa akong abutin. "Haayst. Nakulangan pa yata." Pinili ko na lamang siyang talikuran para iwanan na. Ngunit nagulat ako at napahawak sa dibdib ng isang lalaking bumungad sa akin. Kamuntik pa akong mawalan ng balanse pero mabilis niya ring naagapan ang baywang ko at hinawakan ako doon ng mahigpit. "Oops, sorry." Bibitaw na sana ako mula sa kanya, ngunit ganun na lamang ang gulat ko at panlalamig ko nang mapatingala ako sa mukha at makilala ko siya. Nagtama ang aming mga mata kasunod niyon ay biglaang paglakas at pagbilis ng tibok ng puso ko. Oh, shit. "You knocked him down?" tanong niya kasabay nang pagsilip niya sa likod ko. Shield Montgomery... Nasa harapan ko na siya ngayon, at hawak pa niya ako!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.5M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
459.8K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
491.2K
bc

The Perfect Luna

read
4.0M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
597.5K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
461.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook