"Mauna na ako ah? Pupunta pa kasi ako sa hospital." Wika pa ni Maxine sa mga kaibigan nito at saka umalis na sa canteen kung nasaan sila nakatambay. It's already five in the afternoon. Sa halip na dumiretso sa dorm nito'y kailangan pa niyang puntahan si Renz sa hospital. Pinangako niya kasi sa mommy nito na tutulungan niya ang binata na gumaling as soon as possible. Alam ni Maxine na siya ang ligaya ni Renz kaya alam niyang makakatulong kapag nararamdaman ng binata na nandoon siya sa kanyang tabi. Huminto na lamang ang dalaga sa isang eskeneta upang doon mag-hintay ng sasakyan papuntang hospital. Habang nakatayo sa gilid ng daan, biglang sumagi sa isip niya ang sinabi ni James kahapon sa parking lot. Hindi pa rin niya napag-isipan ang tungkol doon. It's so hard for her to make a desc