Sa mga sumunod na oras ay naging mas masaya ang takbo ng programa. Halatang pinaghandaan talaga ni Dwane ang gabing ito sa dami ng naihanda niyang pampatawa sa amin. Naging kalmado kalaunan naman ako dahil tila nakalimutan niyang isali ang aking pangalan sa listahan ng mga pagti-tripan. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Saka ko lang napagtanto ang suot ng mga kasama ko. Nagmistulang contest ng iba’t ibang swimwear sa dami ng nagseseksihang kababaihan. Hantad ang katawan nila sa suot nilang samo’t sari ang disenyo ng kanilang mga swimsuits. Habang ang mga kalalakihan naman ay may naka-swim shorts, chino shorts, swim trunks at iba pa. Tinernuhan naman nila iyon ng sleeveless shirt, may nagsuot ng floral polo shirt, at white long sleeve na tinupi hanggang siko habang bukas ang ilang buto