*** Cian *** “Tao po? Cian?” Narinig kong may tao na tumatawag sa akin sa labas. Katatapos lang naming maghapunan. Nilagay ko ang mga hugasin sa lababo at naglakad papunta sa pinto upang silipin ang labas. Nakita kong nakatayo roon ang pamilya ni Mae. “Oh, sis! Kayo pala iyan.” Binuksan ko ang gate. Bumati sa akin si Jacob ng magandang gabi na ginaya din naman ng mga bata. Ngumiti ako at gumanti rin ng bati sa kanila. “Pasok kayo.” Sumunod naman ang mga ito sa likod ko habang papasok ng bahay. “So, anong atin at biglaan ang inyong pagdalaw?” “Nah, naboryong kasi itong mga kasama ko sa bahay kaya napagpasyahan naming mamasyal. Sakto naman dahil may praktis kami sa banda mamaya para sa gaganaping party bukas. Dinaanan na rin kita rito para sama-sama tayong lumabas ngayon. Dadaanan na d