Pagdating namin sa port ay nagtanong kaagad si Cian kay sa akin na puno ng pagtataka ang kaniyang mukha. Halatang wala siyang ka ide-ideya kung saan ang susunod naming pupuntahan sapagkat hindi ito ang nasa plano niya para sa araw na ito at hindi rin niya inasahan na ibang lugar ang aming narating. Bilang sagot ay nginisihan ko lang siya at kinindatan sabay halik sa kanyang noo at niyakap nang mahigpit. Pati si manong ay tikom lang din ang bibig nang tanungin nang palihim ni Cian. Ang hindi niya alam ay kasabwat ko rin si manong sa plano kong ito. Mula sa Basco port ay sumakay kami ng de-motor na bangka papunta sa Sabtang Island kung saan naroon ang Morong beach. Dahil hindi masyadong malalaki ang alon ng araw na iyon ay umabot lang ng apat napu’t limang minuto ang aming nagi