*** KRISTA *** Maaga pa lang ay nakikipagbangayan na siya sa guard sa labas ng tahanan nina Zach. Mula kasi nang makausap niya si Zach hinggil sa kanyang pagbubuntis ay hindi na ito muli pang nagparamdam sa kan’ya. Noong una ay hinayaan lang niya ang lalaki na makapag-isip-isip dahil baka nabigla lang iyon sa kanyang kahindik-hindik na pasabog, subalit sa pagdaan ng ilang araw na hindi pagpaparamdam nito ay ginapangan na siya ng kaba. Saka lang niya naalala na nasa paligid nga pala si Cian na ngayon ay muli nang kaayos ang lalaking kanyang puntirya, kaya mabilis siyang nakapagdesisyon na siya na ulit ang lalapit kay Zach. Hindi pwedeng maunahan na naman siya ni Cian sa pagkakataong ito lalo pa’t mas malaki ang tsansa ngayong mapasakanya na nang tuluyan si Zach sa pamamagitan ng kanyang d