Matuling lumipas ang mga araw. Sa wakas ay unti-unti na ring bumuti ang kanyang pakiramdam. Hanggang sa tuluyan na siyang nakalabas ng ospital na labis niyang ikinasiya. Paano naman kasi, sa loob ng mga panahong namalagi siya sa ospital ay hindi na niya muling nakita si Zach. Hindi man lang ito bumisita sa kan’ya upang mangumusta man lang sana sa kalagayan niya o ‘di kaya ay bantayan siya roon. Kahit anong ka-dramahan pa nga ang kanyang ginawa upang pukawin sana ang atensiyon nito subalit nabigo lamang siya sapagkat wala pa ring epekto iyon sa lalaki. Base sa kanyang napag-alaman ay muli na naman dawng naglalasing si Zach at madaling araw na kung ummuwi. Hindi na siya nagulat pa sa napag-alaman sapagkat batid niyang ito talaga ang gagawin ni Zach pagkatapos ng nangyari sa kanila ni