Agad na sumakay ng sasakyan si Zach pagkalabas ng airport. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit binayo ng labis na kaba ang kanyang dibdib. Umaasa siyang nagkamali lamang ng dinig ang kanyang ina o kaya ay bibiro lang ito ng kanyang tiyuhin. ‘Lagot ka talaga sa akin, Cian, dahil pinakaba mo ako nang ganito. Maghintay ka lang riyan pauwi na ako. Ngayong araw ding ito ay itatali na kita sa akin habang buhay,’ lihim na saad niya sa kanyang isipan. Pagdating niya sa bahay nina Cian ay bahagya pang nagulat ang mama nito nang mapagbuksan siya ng gate. Puno ng pagtataka ang mukha nito dahil sa kanyang pagdating, maging siya ay gano’n din ang naramdaman dahil sa nasilayang kakaibang ekspresyon nito sa simpleng pagpakita niyang muli sa mama ni Cian. “Zach? Oh, napabalik ka?