Chapter 4

2265 Words
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago tinanggap ang isang shot ng whiskey na inaalok ni Art. Kasalukuyan kaming nasa isang club para mag-celebrate dahil kanina ay nagpirmahan na kami ng kontrata ni Jaguar. Ininom ko ito at agad na gumuhit ang pait sa lalamunan ko. “Yeah!” Natutuwang saad niya at uminom din ng isang shot. Hindi ko alam kung naka-ilan na kami pero alam kong marami na. Hindi ako mahina pagdating sa alak pero ramdam ko na ang hilo. “Wow, hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nakapasok sa isang club!” Malawak ang ngiting saad ni Alrae habang naghe-headbang pa. Binato ko naman siya ng tissue bago sumagot. “If that came from Art I might believe him. Wala pa tayong isang buwan dito sa Pilipinas, Rae. Baka nakakalimutan mong isa ka sa mga sakit sa ulo ko sa Ohio?” “Jesus, I think I found my soul mate.” Saad pa niya, hindi pinapansin ang sinabi ko at sinusundan lang ng tingin ang babaeng dumaan. “That’s Stormy Del Valle-Hernandez, brother. Kasal na siya kay Adrian Hernandez.” Sagot ni Art. Tinignan ko siya ng may halong pagtataka. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano niya nalaman dahil kauuwi lang niya ng pilipinas noong isang araw, o baka kaibigan niya ang mga ito? Hindi ko alam. “How did you know?” Tanong pa ni Alrae. “Remember my very first client here? Karlos Samonte?” Tumango naman ako. “Ang kapatid niya, si Karma Samonte ay asawa ni Thunder Del Valle. Kapatid niya si Stormy, bukod doon ay may kapatid pa siyang lalaki, dalawa. Damn! Masasarap sila!” Si Alrae naman ngayon ang nambato ng tissue sa kuya niya. “You’re gross kuya, but anyways, bigla kong naalala, nabasa ko nga pala sa Sweet Magazine iyon kahapon. Damn, those Del Valle boys must be very lucky. Ang gaganda ng asawa nila.” Tumango-tango na lang ako sa sinabi nila kahit na wala akong maintindihan. Well, I’m not into reading magazines. Sa katunayan ay wala rin akong hilig sa business, kung hindi lang kailangan ay hindi ko hahawakan ang kompanyang iniwanan sa akin ni Mama. Hindi na ako magtataka kung wala rin akong masyadong kilalang personalidad pagdating sa mundong ito. “Pasensiya na, medyo marami akong paperworks na tinapos.” Agad akong napalingon nang marinig ang boses ni Jaguar mula sa gilid ko, tinignan ko siya ng may halong pagtataka. Ibinalik lang niya sa akin ang tingin na iyon tapos ay tumingin kay Art. Tinignan ko rin si Art at ngumisi lang siya. “Well, I’m going to hit the dance floor, enjoy!” Saad niya bago pa may makapagsalita sa amin. Ang baklang iyon, lagot ka sa akin! “I-I’m sorry, Art said you invited me here uhm, I… can just go to the table of my friends if I am not welcome?” Medyo alanganing saad niya. I closed my eyes hard. The b***h part of my nerves suddenly wants to push his ass out of my sight but then, I have to get a hold of myself. Kailangan ko nga palang kunin ang tilawa niya. “I asked him to invite you.” Sagot ko bago pa siya maka-alis. “I’m sorry, nagulat lang ako kasi akala ko hindi ka makakarating. Have a seat.” Akala ko naman ay uupo na siya sa pwestong malapit sa kanya pero lumapit pa siya sa akin at umupo sa tabi ko. “Are you drunk?” tanong niya pagkatabi sa akin, umiling naman ako. “No, I’m fine.” Bahagya akong nagulat nang ilapit niya ang mukha niya sa akin, saglit akong natigilan at tila na-blangko ang pagiisip ko. “W-What are you doing?” “Inaamoy ka. Amoy na amoy ang whiskey. Sigurado ka bang hindi ka pa lasing?” “I’m tipsy.” “Then stop drinking.” Saad niya na para bang sa kanya ako para pagbawalan sa kung ano ang gusto kong gawin. Itinaas pa niya ang kanang kamay niya sa ere na parang may tinatawag, mayamaya lang ay lumapit sa kanya ang isang waiter. “Give me a bottle of Jack Daniels, and a glass of cold water.” Tapos ay umalis na ang waiter. Gustuhin ko man siyang kausapin para makuha ang loob niya ay hindi ko magawa. I know my limit that’s why I’m trying to limit my words as well for I might say something that will ruin everything. Get a hold of yourself, Jona. Stick to your plan. Tease him. Tempt him! “You are drunk.” And now, it’s not a question. It’s a statement. “If I were your boyfriend I won’t let you get drunk.” “I think it’s a good thing that you’re not my boyfriend, then?” Pangising sagot ko at kumindat pa sa kanya. “My boyfriend loves me more when I’m drunk. He said I’m being nasty…” I said in an obnoxious tone of voice. “Mind introducing me to your imaginary boyfriend, gummybear?” Marahan akong humalakhak at binalingan siya ng tingin. Nakita ko naman na nakatitig siya ngayon sa dance floor, sinundan ko rin ng tingin ang tinitignan niya at nakita si Art na sumasayaw kasama ang isang lalaki. “Mukhang mas type ata ako ng boyfriend mo kesa sa ‘yo.” Humalakhak si Alrae sa narinig kaya napatingin ako sa kanya. “Rae!” Napatingin naman siya sa akin, inginuso ko si Art na parang lasing na. Nakuha naman niya ang nais kong sabihin kaya nagkibit balikat siya at tumayo na mula sa L-Shaped sofa na inuupuan namin. “He’s more like a brother to me and yes, I don’t have a boyfriend. I’m talking about my ex-boyfriend.” Binalik ko ang tingin sa dance floor at nakitang pinipilit ni Alrae si Art na tumigil na pero parang ayaw ng isa. God, they were always like this! They are a pain in the ass. “Art lied to me, then?” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “If I remember it clearly, he told me that you used to have a huge crush on his brother, which is Alrae but you never had a boyfriend.” Ma-drama siyang humalakhak. “I wonder what kind of an asshole he is not to court you.” Na-kibit pa siya ng balikat. “So you two are friends now, huh?” Hindi siya agad sumagot dahil dumating na ang waiter dala ang order niya. Agad naman niyang kinuha ang isang baso ng tubig na puno ng yelo at inabot sa akin. “This will sober you up.” Tinanggap ko naman agad ito. “Thanks.” Uminom ako ng kaunti bago inilapag ang baso sa mesa. “Ano pa ang sinabi niya sa ‘yo?” “Wala naman. Maliban sa…” ngumisi siya. “kung may interes daw ako sa ‘yo siguraduhin kong seryoso ako dahil… baka hindi mo raw kayanin ang mabasag.” Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay kinabahan ako sa narinig. Hindi ako agad nakasagot. Sa katunayan ay hindi talaga ako nakasagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ko at tumingin ulit sa dance floor. Wala na ro’n sina Alrae at Art. Mapapatay talaga kitang bakla ka, Art! I took my phone out of my pouch to text Alrae but he left one message. Alrae: Uuwi na kami ni Kuya. Do your part but take care. Agad kong binura ang mensaheng pindala niya bago nagtipa ng mensahe pabalik. Ako: Dahan-dahan sa pagmamaneho. Magiingat kayo. Hindi na ako naghintay ng reply niya at ibinalik ko na ang cellphone ko sa pouch ko. Tinignan ko si Jag para sana kausapin pero natigilan na naman ako nang mapansin ang titig niya sa akin. Napalunok ako lalo na nang bumaba ang tingin niya sa labi ko. “Jag? Jag, pare!” And that’s when our eye to eye contact broke. I sighed in relief. This isn’t good! Hindi dapat ako naapektuhan sa simpleng tingin lang niya. I should make his knees tremble, but why do I feel like everything already backfired even if I haven’t started yet? Goodness! “Karlos, pre.” Tumayo si Jag at naglahad ng kamay sa lalaking lumapit sa kanya. “How have you been?” Tapos ay nilingon niya ang kasama ng lalaki na tinawag niyang Krypton. “Bella, hi.” Tipid naman na ngumiti ang magandang babae at tumango. “Hi.” She replied in a low sweet voice. Oh my God! Bella, the actress is here! “I’m good.” Tango ni Karlos. “By the way, we’ve been to Paris for some business matters how come you’re not there? Kasama ko si Leon ang sabi niya ay marami ka raw inaasikaso,” sinulyapan ako ng lalaki at ngumisi kay Jag. “O baka naman…” “Shut up!” Halakhak ni Jag. “She’s Jona.” Nilingon ako ni Jag. “Jona this is Karlos Samonte and his wife, Bella.” Hindi na ako tumayo, inilahad ko na lang ang kamay ko at ngumiti. “It’s nice meeting you.” Saad ni Bella sa akin na sinuklian ko lang ng ngiti. “Anyway, we have to go. Nagpakita lang kami saglit kay Thunder at Karma, miss na raw niya si Bella e.” Hinawakan na ni Karlos ang kamay ni Bella at nagpaalam na sila sa amin. Their family must really be one of the socialites. Sinundan ko ng tingin ang dalawa habang paalis at nakita ko na halos lahat ng makasalubong nila ay binabati sila na parang napakahalaga ng presensiya nila. I guess they really possess the name and the fame, huh? “Sino si Leon?” tanong ko pagka-alis ng mga kaibigan niya. “Kapatid ko.” Ngiti niya. Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Hindi ko alam na may kapatid pala siya? Goodness! Pumayag si Random Pascual na ibahay ang babaeng may dalawa ng anak? Lihim akong napailing at nakadama ng sakit. He’s being a father to someone else’s children while I was trying to seek for a father’s attention… while my mom was suffering. Oh, how I hate them to the depths of hell! Akmang iinumin niya ang isang shot ng Jack Daniels pero agad ko itong inagaw sa kanya ang ininom. Alam ko na nagulat siya sa ginawa ko pero hindi ko na lang pinansin. “I told you to stop—” “Let’s dance!” I didn’t wait for him to respond; I quickly stood up from the L-Shaped sofa and headed the dance floor. I threw him a glance and I started grinding my hips to do a dirty dance. I licked my lower lip and pointed him my fore-finger, like asking him to come closer and dance with me. Hindi siya tumayo pero hinayaan lang niya akong sumayaw. Kaya naman humila ako ng isang lalaki at sinayawan ito. Masyado akong nabibingi sa party music at para akong nabubulag dahil sa disco lights pero hindi ko iyon inalintana. I wrapped my arms around the man’s neck and grinded my hips. I was taken aback as I felt a hand on my waist, I even felt something… hard and huge that’s poking on my left buttock. I turned around and saw Jaguar… desire is written all over him. Hindi siya sumayaw at nanatili lang na nakatayo. Ang kamay niya ay nasa bewang ko at hinila mas palapit sa kanya. Mas mataas siya sa akin ng ilang pulgada kaya wala akong ibang magawa kung hindi ang tingalain siya. Hindi ako makagalaw lalo na nang maramdaman ang naghuhumindig niyang kahabaan sa bandang tiyan ko. He leaned closer up until his left cheek touched mine, I can even feel his warm breath on my face… up to my left ear, causing a different kind of electricity and sending shivers through me. “You’re drunk, gummybear. I want to see you get nasty…” Mariin akong napapikit sa tila namamaos at namamalat niyang boses. Ang kaliwang kamay niya na nasa bewang ko ay marahang gumapang papunta sa likod ko, ang kanang kamay naman niya ay gumapang papunta sa pang-upo ko. Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko ay nag-ugat ako sa kinatatayuan ko dahil sa nangyayari. Ang mga kamay ko ay nasa dibdib niya, gustuhin ko man siyang itulak ay nanghihina ako, at isa pa, kapag ginawa ko iyon ay para ko na ring sinabi na natalo ako. “I… I can’t breathe.” Dahilan ko kunware. “I’m trying…” He said, his voice is still husky. “I’m trying my best to… resist your temptation but you just pushed me to my limit… I can’t hold it anymore…” he added, “you’ll be the death of me…” he licked my left ear, and damn… I felt like something inside me started to rise up. “J-Jag…” “Gummybear…” He softly laughed; I couldn’t understand why I found it sexy. “Imagine how I went through a long arduous inhibition?” I heard him groan. “Just tell me you want me too, gummybear…” God! I want him too. Normal ba ito? Normal lang naman hindi ba? Normal na matukso at magnasa sa… taong itinuturing mong kaaway. Hindi… hindi ito normal. At kahit anong pilit at pagtanggi ang sabihin ko sa sarili ko ay alam kong hindi ito normal. Maybe if I let myself experience him tonight then I might get through with this stupidity, huh? Yeah, I think that sounds like a plan… “I want you too…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD