G-25 NANG lumapag ang helicopter na sinasakyan nila sa isang bakanteng lote ay hindi na sumunod ang kaibigan ni Max sa kanila. Nagpaalam na rin itong aalis na agad at may aasikasuhin pa. Max invited him to stay actually but Brax refused. Hindi naman na nagpumilit pa si Max at hinayaan na lamang ang kaibigan. Agad din namang tumakbo palapit si Max sa kanyang nang makaalis na ang helicopter kung saan lulan nito sa Brax. "Dapat bumawi ka sa kanya," suhestiyon niya pa. "Soon honeybee, this time, gusto muna kitang masolo!" Bigla naman siyang binuhat ni Max. Panay naman ang hagikhik niya at natutuwa siya sa ginagawa nitong paglalambing sa kanya. Ibinaba naman siyang ulit ni Max at kinayag na papasok sa resort na napili nito. ISANG first class room ang kinuha ni Max para sa kanilang dalawa.