"ANO'NG nangyari, Mommy, Daddy? Bakit po kayo bumalik?" maang na tanong ni Inigo Rafael sa mga magulang. Subalit kaunting-kaunti na lamang ay maiinis na siya. Kaya't bago pa mawala ang tamang landas ng kaniyang isipan ay bumaling na lamang siya sa big brother Nathaniel niya. "Kung hindi ako nagkakamali ay undershocked kayong tatlo. Pero Kuya, abay huwag kang sumabay sa pagkataranta nila. Kaya't kung ako sa iyo ay magsalita ka na!" Nagmistula tuloy na siya ang Kuya. Kaso ganoon pa rin. Lumipas ang ilang minuto bago ito sumagot. "Calm yourself, 'lil brother. Huwag kang mag-alala dahil nasa maayos kaming kalagayan," ani Nathaniel. "Kung ganoon, Kuya, sagutin mo ang tanong ko. Bakit kayo bumalik? Hindi ko sasabihing masaya akong may kasama ako rito. Dahil karapatan n'yo rin ang magpahinga

