"ANO kamo? Sigurado ka ba sa bagay na iyan, Rodriguez?" maang niyang tanong sa right hand man niya. "Yes, bossing. Ano ba ang mapapala ko SA pagsisinungaling? Kung ako sa iyo ay puntahan mo na sa kinaroroonan niya," anito. Mabatukan niya ito! Kung nagkataon lamang sigurong nasa ibang pagkakataon sila ay talagang nagawa na niya iyon. Subalit sa mukha pa lamang nito ay seryoso na. "Nathalie, go to my room--- pero kung hindi ka komportable ay sa guest room. Kaharap---" Kaso natigilan siya. Dahil unang pagkakataon lamang nitong umapak sa mansion kaya't kahit ano man ang sabihin niya ay wala itong kamalay-malay. "Wait me here, Rodriguez. Ihahatid ko muna siya sa taas." "Come with me, Nathalie. Ihatid na kita sa taas. Dahil may pupuntahan muna kami ni Rodriguez." Pinaglipat-lipat niya ang

