"Mommy, kumusta po ang pakiramdam mo?" "I'm healthy enough, son. Thank you for asking. Ikaw, kumusta ang bago mong paligid?" "Adjusted na po, Mommy. It's been a while since we arrived here in South Africa. At sana ay tuloy-tuloy na po ito." "Nasa iyo iyan, anak. Dahil ikaw ang nagtatrabaho para sa ating dalawa. Kumikilos ako oo pero kulang pa sa araw-araw nating pangangailangan." Tuluyan mang tumigil sa pag-aaral ang kaniyang anak pero nakikita naman niya kung gaano ito kapursigido sa buhay. Kahit anong trabaho ay tinatanggap. Umaasa lamang siya na hindi mauulit ang kagaya nang napasok sa Madrid Spain. Ang dahilan kung bakit muli silang lumipat ng tirahan. "Ano naman ngayon ang pinagkakaabalahan mo, anak? Don't be angry on what will I say, Nathan Haze. Kung ano man ang buhay mayroon k