WANNA DANCE WITH CARELESS WHISPER

1293 Words

"DIYOS ko, ito na ba ang parusa mo sa akin dahil sa aking pagmamatigas?" mahinang sambit ni Nathalie habang yakap-yakap ang sarili sa sulok ng silid. Tama, dinala siya sa isang silid ng mga kumidnap sa kaniya. Labis-labis nga ang pangambang sumasalakay sa kalooban niya sa mga oras na iyon. Kung kailan siya nakapag-isip-isip na makipag-usap sa asawa ay saka naman nagkaroon ng aberya. "Ano ba ang nararapat kong gawin ngayon? Baka sa aking pagkawala ay tuluyan nang isipin ng mga anak ko na inabandona at ipinagpalit ko sila sa mga hindi namin kaano-ano. Paano kaya ako makakatakas dito samantalang wala naman akong makitang bintana? May pintuan nga subalit siguradong naka-locked." Mula sa pagkaupo at pagyakap sa sarili ay unti-unti siyang tumayo. Kung nababaliw man ang tawag sa ginagawa niyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD